CHAPTER 4

1421 Words
Lezlie's POV Madaling araw ng naalimpugutan ako. Naramdaman ko ang malamig na kamay na humahaplos sa pisngi ko. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata ngunit wala naman akong nakitang tao. Siguro guniguni ko lang yun. Malamig na hangin lang siguro yun na pumasok sa aking bukas na bintana. Tatayo na sana ako upang isara ang bintana ng may nakita akong pulang kahon at may isang puting rosas na may kasamang maliit na papel na nasa ibabaw ng mesa na naka lagay sa gilid ng kama ko. Kinuha ko ang puting rosas at inamoy ito. Mukhang bagong pitas pa ito dahil sariwang sariwa pa. Nakapagtataka naman na may magreregalo sa akin ng madaling araw. Maliban kila mama at papa o kaya naman si Kuya. Tsk... Wag na akong umasa sa kuya ko. Napaka koripot ng nilalang na yun. Binasa ko yung sulat at ang naka lagay lang doon ay. 'Para sa napaka gandang prinsesa. Tanggapin mo sana ang munti kong regalo.' Napamangha ako nang makita ko kung anong laman ng kahon. "Wow..." bulalas ko... Isang napakagandang coctail dress na red and black na combination. Siguro nanggaling ito kila mama at papa. Kinaumagahan hindi parin talaga ako naka get-over sa nangyari kahapon. Sa sobrang hindi ako naka get-over hindi ako naka tulog ng maayos kaya ang laki laki na ng eye bags ko. "Bwesit ka talagang babae ka noh? Hating gabi nagtext ka sa akin. Sagabal ka sa maganda kong panaginip!" sigaw naman sa akin ni Ronalie matapos niya akong sapakin. "Walang hiya ka bessy. Utang na loob kung hindi ka makatulog wag mo naman kaming idamay." sabi naman sa akin ni Shane na naka simagot. "Hoy, babae ka! Bakit hindi mo sinabi na birthday mo ngayon. Pakainin mo kami!" sigaw naman ni Clyde na kakarating lang na classroom. Oo nga pala no. Birth day ko ngayon pero kahit mismong sarili kong kaarawan ay nakalimutan ko rin. "Birthday mo ngayon?! Asan na yung handa. Ilabas ang lechon bayot!" sigaw naman ni Rodney sa akin. "Sige punta kayo ng bahay mamayang tanghali. Bibili lang ako ng tingi-tinging lechon sa kanto." sabi ko naman sa kanila. "Gaga lang teh? Hindi mo ba alam ang salitang 18th birthday. Dapat bonga." sabi naman ni Karen sa akin. "Hindi naman mahalaga sa akin kung bonga yun o hindi eh. Hindi naman kami mayaman na katulad niyo." sabi ko naman sa kanya. "Nangongonsensiya ka nanaman. Sige na nga doon nalang tayo sa tingi-tingi tapos bibili tayo ng cake. Tara na dahil wala naman tayong klase ngayon busy sila para maghanda sa aquintance mamaya." sabi naman ni Shane sa amin at tumayo na. "Bet ko yan. Tara na guys." sabi naman ni Rodney na rumampa na palabas ng pintuan. Maayos namang nacelebrate ang birth day ko kahit na wala naman masyadong handa at hindi naman kabonggahan. Ayos lang sa akin na kahit lima lang ang bisita ko at kompleto kaming magkakapamilya ok na yun. Hindi ko na hiniling ang bonggang 18th birthday na marami ngang bisita at pagkain at sa huli ako din maghuhugas ng pingan. Kaloka. Ok na sa akin yung mahahalagang tao na nandito kaysa naman sa pasosyalan ng gown at pagandahan ng make-up sa mukha. "Bessy dapat maganda ka. Dapat kasing ganda ka ng dress mo." sabi naman ni Rodney na nagmamake-up sa akin ngayon. Mamaya na palang alas tres ang aquintance party sa school. Ako nalang ang inaayusan at ready to go na kami. "Dali isuot mo na yung damit mo." sabi naman sa akin ni Clyde at pinagtulakan ako papunta ng Cr. Matapos kong isuot ang damit ay lumabas na ako. "Wow, bessy ang ganda mo. Daig mo pa ang miss universe." sabi naman ni Shane sa akin. "Nag joke ka naman eh." sabi ko naman sa kanila. "Oh, tara na." sabi naman nila sa akin matapos kong isuot ang 5 inch hills ko. Nang makarating kami doon ay pinagtitinginan na agad kami ng mga lalaki na naka tambay sa labas ng pinto ng all purpose hall sa school namin. Lahat ng mga kasama ko ay niyayang sumayaw. Pero kahit na yayain nila ako ayaw kong pumayag. Wala talaga akong gana ngayong araw. Hindi ko rin nakikita si Sir James at isabay mo pa itong lintek na hills na to. "Hoy gaga... Daig mo pa yung nirayuma. Bakit ayaw mong sumayaw?" sabi naman ni Rodney sa akin matapos niyang sumayaw sa isang lalaki. "Wala akong gana at masakit na din ang paa ko." sabi ko naman sa kanya at hinihilot ang paa ko. "Hay nako sayang ang beauty mo. Wala pa ang prince charming mo teh. Hanap ka muna ng iba palipas oras para hindi ka mainip. Sige babush..." sabi niya sa akin at bumalik na ulit sa dance floor. Napabuntong hininga nalang ako. Baliw talaga ang baklang yun. Nang mainip ako kakaupo. Ay lumabas muna ako sagit para magpahangin. Naglakad-lakad ako hanggang sa mapagod ako. Naupo ako sa may bench malapit sa puno ng nara tree. Tanaw dito ang maliwanang na bilog na buwan. kailangan ko lang talaga ng peace of mind. Sobrang ingay kasi sa loob. "Ahh..." napatayo ako agad sa inuupuan kong bench nang may narinig akong sigaw ng babae. Kumuha ako ng kahoy at hinanap kong saan ang pinanggalingan ng boses. Sa di kalayuan ay nakita ko ang lalaking naka siksik sa leeg ng babae. Lumapit ako ng konti sa kinaruruonan nila at nagtago sa likod ng puno. Sumilip ako para makita ko ang mukha ng lalaki at laking gulat ko ng umilaw ng pula ang mga mata niya at naka tingin siya sa akin. Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko sa sobrang gulat. Binitiwan niya ang babae at napahiga ito sa damuhan. Matapos yun ay dinilaan niya ang gudong kumawala sa kanyang labi. Nakita ko ang pangil niyang matutulis. Humakbang siya papalapit sa akin kaya naman agad akong nataranta at tumakbo papalayo sa lugar na yun. Hindi ako makatakbo ng maayos dahil sa suot kong hills. Kaya naman ay huminto ako saglit para tangalin yun. Tatakbo na sana ako ulit ngunit nabangga ako sa dibdib ng isang lalaki kaya naman napasalampak ang pwet ko sa damuhan. Inangat ko ang mukha ko para malaman kung sino yun at laking gulat ko ng makita ang mukha ni Sir James. "S-sir Ja-mes." kinakabahan ko namang sambit sa pangalan niya. "Nakita mo ang ginawa ko miss Rocamor." sabi niya naman at inilapit niya ang mukha niya sa akin. Umilaw nanamang muli ang pula niyang mga mata at sumilay ang nakakalokong ngiti sa kanyang labi kaya naman nakita ko ang matalim niyang pangil. "Pa-kiusap w-wag mo akong kai-nin." garalgal kong sabi sa kanya. "Wag kang mag-alala mahal na prinsesa hindi naman kita kakainin." sabi niya naman sa akin at inilayo ang mukha niya sa akin. Nagulat ako nang buhatin niya yung babaeng kinagat niya kanina at inihiga sa may bench na inupuan ko kanina. Matapos yun ay hinalikan niya ito sa noo. "Dyan ka lang." sabi niya sa akin at tiningnan niya ako sa mata. Para naman akong uto-uto na sumunod sa kanya. Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko at naka tingin lang ako sa kanya. Kumuha siya ng sanga ng tuyong kahoy at nag guhit sa lupa. Matapos ang ginagawa niya ay kinagat niya ang kanyang sarili at pinatakan ng dugo ang lupa. Napamangha nalang ako nang umilaw ng kulay violet ang guhit sa lupa na hugis tatsulok at may mga symbols na hindi ko maintindihan. Hinila niya ako sa may tatsulok at sa isang iglap ay napunta nalang kami sa ibang demensiyon. Namangha ako ng makita ko ang isang napakalaking palasyo. Ito na ba? Nangyayari na ba ang katulad sa mga fairy tales na dinala na ng prinsepe ang kanyang prinsesa sa kanilang palasyo. "Sir paano tayo napunta dito? Kanina lang nasa school tayo diba?" mangha ko naman at inilibot ang paningin ko. "Dito tayo dumaan." sabi niya naman sa akin at tinuro ang gate na naka tayo sa likod namin. Tumingin ako ngunit dagat naman ang kasunod nito. "Tanging mga dugong maharlika lang ang kayang magbukas ng lagusan. Ngunit sa ngayon kailangan mo munang matulog mahal na prisesa." sabi niya sa akin at hinalikan ako sa noo. Bigla nalang nagdilim ang aking paningin at naramdaman ko nalang na kinarga niya ako. ♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥ Halloh mga bebeh wag po kakalimutang mag vote at mag follow sa aking account @RGromie para ma notify kayo kapag may bagong update Arigato salamuch hamnida ?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD