CHAPTER 3

1025 Words
Lezlie's POV It's been one week simula ng magmukha akong tao ulit. Marami na ding naghi-hi sa akin na mga ka school mate ko pero hindi ko type. Ewan, ganto siguro talaga pag na-inlove stick to one. Pero noong naging crush ko si Kuya Kyle madami naman akong naging crush maliban sa kanya. Sadyang siya ang pinaka gwapo kaya siya ang apple of my eye ko. Pero bakit pagdating kay Sir... Kahit na ang pinaka gwapo sa school namin na naturingan pang Mr. SU wala parin sa kagwapuhan ni Sir. "Ui Lezlie tara na mag hahanap na tayo ng marerentahan!" sabi naman ni Ronalie na tuwang-tuwa dahil excited para bukas. Hindi ko manlang namalayan na natapos na ang last period namin sa hapon. Ganon ba kadami ang iniisip ko? "Bukas nalang siguro ako. Una nalang kayo. Gagawin ko pa kasi yung assignment ko." sabi ko naman at kinopya na ang assignment namin sa reading and writting. "Ano ka ba besh bukas na yung aquintance. At saka gagawin mo na yan? Heler, essay yan essay. At kaya nga assignment diba? Sa bahay ginagawa." sabi naman ni Karen sa akin. "Baka makalimutan ko no. At saka madali lang naman gumawa ng essay tungkol sa sarili mo." sagot ko naman sa kanya. "Sige na, mukhang hindi ka namin mapipilit. Basta gandahan mo ang pipiliin na gown hah. Kung hindi lagot ka sa amin." banta naman ni Rodney. "Oo na po kamahalan." natatawang sabi ko naman sa kanila at pinagpatuloy ang sinusulat. "Una na kami Lez. Baka kasi magsasara na yung shop." sabi naman nila sa akin saka nag babye na. Ako nalang mag-isa sa room namin. Hindi pa ako umuwi dahil gagawin ko na dito yung assignment ko. Kasi kung iuuwi ko pa sa bahay ito ay baka makakalimutan ko nanaman. At dahil sa mabait akong bata matapos kong gawin yung assignment ko ay nag-linis muna ako ng classroom. Hindi ko manlang namalayan na umuulan na pala sa labas at pagabi na din. Pababa na ako ng hagdan habang hinahalungkat ko ang bag ko para kunin yung payong. Sa sobrang pagmamadali ko na baka gabihin ako ng uwi ay nagkamali ako sa pagtapak ng baitang ng hagdan kaya naman ay natapilok ako. At ang mahiwaga kong payong ay nagpagulong-gulong sa--- OMG kilala ko yung sapatos na yun. Tumayo ako agad dahil super nakakahiya na talaga. As in! "Ahh... Hehe... G-good afternoon Sir." pinipilit kong maging normal yung boses ko pero nilalamon na talaga ako ng kahihiyan. Tapos ay natawa lang siya sa sinabi ko. Bakit may nasabi ba akong mali? Anong oras na ba? Good evening na ba ang dapat kong sasabihin? "Haha... Masasabi mo pa bang good afternon kung nahulog ka na nga sa hagdanan." sabi niya tapos ngumiting lumapit sa akin. Waahhh!!! Thank you po lord sa araw na ito. At thank you sa hagdan kung saan ako nahulog. At thank you sa payong na nagpagulong-gulong sa sahig. At thank you sa--- Teka bakit halos pasalamatan ko yung payong at hagdan? Nahawahan na talaga ako sa pagiging timang mga mga kaibigan ko. "Ah, hehe..." yun nalang ang sinabi ko dahil na speachless ako. Napakamot nalang sa batok habang pinagtatawanan ang sarili ko. Pero sa kaloob-looban ko gusto ko nang mag-wala. Oh my gosh! Oh my gosh! Ngumiti siya dahil sa akin! Napangiti ko siya! Mas lalo pa siyang gumwapo! Haha... Baliw lang.. "Are you done checking on me?" cool niyang tanong at nag smirk siya sa akin. Tangina nahuli niya akong naka titig sa kanya. "Pardon?" tanong ko naman sa kanya at tinaasan ko ng kilay. Pakipot effect para di halatang pinagnanasaan ko siya. "Tsk." nag smirk sa akin at naglakad na palabas ng building at tinanggap niya nalang ang malakas na ulan. Haay... Hindi manlang nagpaka gentel man si Sir. Hindi niya manlang inabot yung payong ko sa akin. Slight disapointed... Parang may sariling isip din yung katawan ko. Pinulot ko yung payong ko at tumakbo papalapit kay Sir na naglalakad sa ulan. Parang tanga lang. Pinayungan ko siya at tinaasan ko ng konti ang paghawak ko ng payong dahil mas mataas siya sa akin. Bale, parang hanggang balikat niya lang ako. "Sir, gusto niyo bang magkasakit?" tanong ko naman sa kanya. "Hindi." tipid niya namang sabi sa akin at tumingin sa akin. Wag mo akong titigan ng ganyan! Marupok ako! "Eh ganon naman pala. Bakit kayo magpapaulan?" tanong ko naman sa kanya ulit para kalmahin ang nagwawala kong damdamin. "Hindi mo na ako kailangan pang payungan. Basa din naman ako eh." sabi niya sa akin at iginilid niya sa akin ang payong ko. Maglalakad na sana siya ulit nang kumidlat ng malakas kaya naman napakapit siya sa akin. 'At tumigil ang mundo' parang may nag flash ng music nang niyakap niya ako. Hindi ako agad naka react sa sobrang kilig. s**t! Halos mamatay ako sa kilig men... "Ah... Sorry." akward niyang sinabi at kinuha na ang payong sa akin para payungan kaming dalawa. "Tara, uwi na nga tayo. Hahanap nalang tayo ng taxi sa labas ng university." sabi niya sa akin at naglakad na kaming dalawa. Sa suot niya at sa itsura niya hindi naman siya mapagkakamalang teacher ng ibang studyante dahil naka t-shirt lang siya at mukha lang siyang studyante. Ang saya sana hindi na matapos ang araw na ito. Sumakay lang kami sa iisang taxi at tabi kami sa likod. Nag kwentuhan lang kami hanggang sa makauwi ako ng bahay. Pagulong-gulong lang ako sa kama ko dahil hindi ako makatulog sa sobrang kakiligan hindi ako maka get over sa nangyari kanina. Nagtext ako sa mga kabarkada ko na nakaalam na may gusto ako kay Sir James sa sobrang hindi ako naka get over. Me: Mga beshie OMG naka sabay ko si Sir James kanina pauwi! Naka sakay kami sa iisang taxi at nasa likuran kaming pareho. Nakipagkwentuhan din siya sa akin. Kya~ kilig much ? ♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥ Halloh mga bebeh wag po kakalimutang mag vote at mag follow sa aking account @RGromie para ma notify kayo kapag may bagong update Arigato salamuch hamnida ?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD