CHAPTER 2

1528 Words
Lezlie's POV "Tao po!" sigaw ng tao sa labas ng bahay namin. "Tao po!" sigaw parin sila ng sigaw. "Lezlie andyan ang mga kaklase mo sa labas! Bumangon ka na dyan! Dahil nagluluto pa ako!" sigaw din ni mama habang nasa ibaba. Padabog akong bumangon sa kama ko at sumilip sa bintana at nakita ko ang mga classmates kong baliw na nasa labas. Kaya lumabas ako ng bahay namin at pinabuksan sila ng gate. "Anong kailangan niyo?" tanong ko sa kanila at kinusot-kusot ko pa ang mata dahil sa kaantukan. "Tara na!" sigaw nila at hinila na nila ako. Si Karen naman ay pumasok ng bahay at sumigaw. "Antie, hihiramin po namin yung anak niyo!" sigaw ni Karen para marinig siya ni mama na nasa kusina. "Sige!" sigaw din ni Mama. Kinaladkad na nila ako sa kalsada at isinakay sa pinara nilang taxi. "Were here!" sigaw nila at bumaba kami sa isang botique ng mga damit. Pumasok kami doon at namili na sila ng mga damit. "Ok guys bawat isa sa atin mag donate ng damit para kay Lezlie. Bali limang damit." sabi naman ni Clyde sa amin. "Tara na kanya-kanyang pili tapos isukat mo Lez." sabi naman sa akin ni Shane. "Ito isukat mo." sabi naman ni Rodney at iniabot ang isang pusha pink na casual dress. "Ito pa." sabi pa ni Karen at binigay sa akin yung mini shirt at red dress. Ano to? May balak ba siyang ipunta ako sa bar? "Tapos ito pang gang fight." sabi naman sa akin ni Ronalie at ibinigay sa akin yung black na leather jacket at black rip jeans na pantalon at adidas na white na damit. Ang mahal nito ah. Sigurado ba silang ililibre nila ako? Nakita naman nila na nanlaki ang mata ko kaya naman nagsalita na si Rodney. "Ano ka ba girl. Mayaman sila wag kang mag-alala ikaw na ang prinsesa namin. Heto oh, isukat mo na dali." sabi naman ni Rodney at ibinigay ang sexy short at isang damit na seme casual. Iba na talaga ang mga rich kid sa panahon ngayon. Hanep kung makawaldas ng pera para sa ibang tao. Matapos nilang ibigay ang mga damit na pinili nila ay isa-isa ko na itong sinukat at ipinakita sa kanila kung bagay. "Girl ang ganda mo." sabi naman nila sa akin. Matapos yun ay binayaran na nila sa casher at lumabas na kami. Ang buong akala ko ay uuwi na kami ay yun pala tumawid pa kami sa kalsada at pumunta sa isang beauty salon. "Tita, irebond niyo po ang buhok niya at kulayan niyo ng dark brown tapos pagandahin niyo siya yung tulad ng diyosa. Yung aangat kay Venus." sabi naman ni Rodney sa isang bakla sa parlor. Pinaupo na nila ako sa upuan at inaplayan ng kung ano-ano ang buhok ko pati na din ang mukha ko. Matapos ang ilang oras na pakiramdam ko ay century natapos din. Inaplyan na nila ako ng make up at pinabihis nila sa akin yung damit na pinili ni Clyde na faded jeans at light blue na polo shirt na pang babae. "Wow... Lez ang ganda mo para kang dalagang-dalaga." sabi naman nila sa akin at hinila nila ako papunta sa salamin. Akala ko kung sinong magandang babae ang kaharap ko ngayon na daig pa ang artista. Ako lang pala yun. Haha.... "Ngayong araw lang ito bukas hindi na." sabi ko naman sa kanila. Ngayon lang naman kasi naaplayan ng make-up ang mukha ko. Bukas wala na kasi nabura na. "Edi araw-araw ka naming make-upan." sabi naman sa akin ni Rodney sabay pakita sa akin ng make-ups sa bag nya. "Thanks tita the best ka talaga." sabi niya naman sa baklang nag paganda sa akin. "It's ok." sagot naman sa kanya ng bakla. "Nagugutom na ako. Tanghali na oh, hindi pa ako kumakain ng agahan." sabi ko naman sa kanya at hinawakan ang tyan kong kumukulo na. Paano ba naman kasi wala pa nga ako nakakain at kakabangon ko lang ng higaan ay hinila na nila ako. "Ow... Sorry Lez. Come on." sabi naman nila sa akin at naglakad na palabas ng salon. Kumain nalang kami sa pinaka malapit na karinderya. Kinabukasan nandito nanaman ang mga gaga sa bahay ang aga-aga nilang pumunta sa bahay promise. Natutulog pa nga ako nambubulabog na. Pagtingin ko ng oarasan 5:30 palang at 7:00 ang klase. "Girl pwede paki dalian kasi malelate na tayo!" sigaw niya naman sa akin mula sa labas ng banyo. Alam namang naliligo pa ako eh. "Mamayang seven pa ang klase masyado ka namang excited!" sigaw ko naman sa loob. "Magmamake-up ka pa kaya. Kaya dalian mo dyan!" sigaw niya naman sa akin at umalis na. Nagmadali na din akong naligo, hindi ko binasa ang buhok ko kasi sabi niya na baka maalis ang gamot. Nang lumabas na ako ng cr ay dali-dali na akong nagbihis ng damit na hinanda nila para sa akin. Namili sila ng mga damit ko sa Cabenet. Yung mga damit ko noong Grade 8 ako na pwede pang magkasya sa akin. "Grabe Lez babae ka pala dati?" bungad ni Ronalie sa akin matapos kong magbihis. "Eh ano naman ngayon?" tanong ko sa kanila. Ayaw ko talagang iopen sa kanila ang past ko. Nakakahiya... "Bakit ka naging tomboy? At saka ang ganda mo pa naman oh." sabi ni Shane naman sa akin at ipinakita ang album na kinuha nila sa cabinet ko. "Hindi ako maganda akin na nga yan!" inis kong sabi sa kanila at nang kukunin ko na kay Karen yung photo album ko ay inilayo niya sa akin. "Wetwew... Teka sino itong gwapong ito? Boyfriend mo no? Tapos nag break kayo kaya ka nawala sa katinuan." sabi niya sa akin at ipinakita nanaman yung picture ni Kyle na kinuha ko sa f******k niya. "O-oo... Akin na nga yan." sabi ko nalang para tumigil na sila sa kakatanong. Buti nalang talaga ay umandar ang palusot ko kung hindi malalaman nila ang nakaraan ko. At kahit magtanong sila hindi ko rin naman sila sasagutin. Sinimulan na nilang pintahan ang mukha ko. Este make-upan ang mukha ko. "Wag mong kakapalan hah. Ayaw kong mag-mukhang clown sa maraming tao." sabi ko naman kay Rodney na naglalagay ng kahit ano sa mukha ko. "Sure girl." sabi niya naman at pinagpatuloy na ang trabaho niya. Bakit nga pala ginagawa nila sa akin to? Una sa lahat hindi ko sila kaano-ano. Pangalawa hindi ko pa sila totally close. Ewan trip lang talaga nilang pagdiskitahan ang mukha ko. Matapos nila akong make-upan ay nakita ko nanaman ang maganda kong mukha sa salamin. s**t! Parang ayaw ko atang pumasok sa school. Nahihiya ako. Wala na akong nagawa ng kaladkarin nila ako palabas ng bahay at isinakay sa pinarang taxi. "Bumaba ka na kasi diyan! Inaabala mo lang si manong. Magpapasada pa siya." sigaw naman ni Karen sa akin habang nasa loob ako ng taxi. Ayaw ko nga kasi nahihiya ako. Hindi na sila makapagtimpi dahil malelate na daw kami. Hinila ba naman ako at kinaladkad palabas. Habang naglalakad kami sa pathway papuntang classroom namin ay may mga lalaki na tumatawag sa akin. "Hi miss..." "Hi!" "Transfere ba siya?" "Mas maganda pa ako sa kanya duh." sabi naman ng b***h na nasa gilid. Ganyan yung mga naririnig ko sa daan nang mga nakakakita sa akin. Paano ba naman kasi daig ko pa ang lalaban sa miss philipines. "Besh! OMG your so pretty." sigaw naman ng classmate namin na si Clyde. Oo nga pala di siya kasama kanina. Si Ronalie, Rodney, Shane at Karen lang pala ang pumunta sa bahay. "Weh? Hindi nga?" sabi ko naman sa kanya. Makapagreact naman ito ang oa. "Mga beshie next week daw may aquintance sa school!" bungad naman sa akin ni Ronalie. "Hah, talaga?" tuwang-tuwa namang sabi nilang lahat ako lang ata ang hindi natuwa dahil matapos nilang mag-saya ako agad ang tiningnan nila. "Princess Lezzy." sabi naman nila sa akin. "Bakit kayo ganyan makatingin?" takot ko namang sabi sa kanila. Pakiramdam ko pagtritripan nanaman nila ako. "Papagandahin ka namin ng sobrang sobra. Pero ikaw na mamili kung anong klaseng gown ang susuotin mo hindi ka na namin papakialaman. Alam ko namang may puso ka paring babae sadyang nasaktan ka lang ng sobrang sa ex boyfriend mo." madramang sabi naman sa akin ni Karen.. "Ano! May boyfriend siya dati?" sigaw naman sa akin ni Clyde pero si Karen yung tinanong. "Ah... Oo." sagot ko nalang sa kanya. "This time hindi ka na ulit iiyak. Dahil for sure mapapansin ka na niya. Pero hindi namin sinasabing may pusibilidad na maging kayo hah. Kasi alalahanin mo teacher natin siya. Bawal yun. Ok na yung sabihin niya na maganda ka. Game." sabi niya naman sa akin na walang hinto-hinto. "Ok game." sabi ko naman sa kanila. kahit papaano maganda rin pala silang kasama kahit may topak pa minsan-minsan. ♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥ Halloh mga bebeh wag po kakalimutang mag vote at mag follow sa aking account @RGromie para ma notify kayo kapag may bagong update Arigato salamuch hamnida ?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD