Red's POV Kung mamatay ang Hari at Reyna ay hindi matutuloy ang kasal na magaganap sa pagitan nila James at Eliz. "Red!" sigaw naman ni Jeo sa pangalan ko. "Ano nang balita?" tanong ko naman sa kanya. "Hindi namin natuluyang napatay ang Hari at Reyna dahil naabutan kami ng mga nagrorondang mga kawal sa daan papuntang kaharian ng mga Allensworth. Ngunit malalim ang natamo nilang sugat kaya naman ay nasa mahimbing silang pagkakatulog. Kasalukuyan silang nasa kaharian ng mga Allensworth at nagpapagaling sa maliit na kubo ng isang matandang babaylan na nagngangalang Ener." mahabang litanya naman sa akin ni Jeo. "Mabuti naman kung ganon. Ako na ang bahala sa kanila at sa mga bantay na naroon." sabi ko naman sa kanila. "Kailan ka ba pupunta doon?" tanong niya naman sa akin. "Ngayong gabi

