Eliza's POV Isang buwan na ang nakalipas matapos magising ang halimaw na natutulog sa loob ni James. Kasalukuyan kaming nasa malawak na parang habang ako ay nakaupo sa damuhan siya naman ay naka higa habang naka unan sa aking hita. "Mahal ko gusto mo na bang magpakasal na tayo at bumuo ng isang pamilya?" Napangiti naman ako sa tanong niya sa akin. "Makakatanggi pa ba ako eh kasal nalang ang kulang sa atin halos perpekto na ang lahat." naka ngiti ko namang tugon sa kanya. "Kung ganon magpapaalam na ako sa iyong mga magulang upang mahingi ang basbas nila." sabi niya sa akin saka tumayo. "Tara na..." sabi niya sa akin at inilahad ang kanyang palad upang alalayan akong tumayo. Agad ko din naman yung kinuha at tumayo na. Sa ilalim ng bilog at maliwanag na buwan hawak kamay kaming na

