James's POV Matapos naming kumain ng tanghalian ay nagpaalam muna ako sa mag-ina ko na may pupuntahan lang. Kasalukuyan akong narito sa dalampasigan. "Kung kailangan mo ako, tawagin mo lang ako sa pangalan ko." sabi naman ng boses na nasa utak ko. Huminga ko ng malalim. Sigurado na talaga ako sa gagawin ko. "Poseidon!!!" sigaw ko sa pangalan niya sa may karagatan. Bigla nalang humampas ang malakas na hangin at nagtipon ang ibang tubig ng dagat na nasa dalampasigan at pumorma itong isang halimaw na may siyam na galamay at maraming mga mata na naka palibot sa katawan niya. Hindi siya gaanong kalahihan dahil kasing laki lang siya ng kalahati ng puno ng niyog. "Matagal na panahon na rin James. Anong maitutulong ko sa aking tagapangalaga." tanong niya sa akin. "Gusto kong tulungan mo ako

