Pinagmasdan ni Corrine ang sarili sa salamin sa banyo. Nakita niya ang sobrang pag-aalala sa mga mata niya at buong mukha. Pinipigilan niya ang pag-ahon ng takot pero hindi siya gaanong nagtagumpay. Marahas siyang nagbuntong-hininga. Naramdaman niya ang pamamasa ng kanyang mga mata pero hindi niya hinayaan ang sarili na umiyak kahit pa mag-isa lang siya. Sinubukan ni Corrine na mag-isip ng ibang bagay para kahit paano, makalma ang kanyang nararamdaman. Kaagad na pumasok sa kanyang isipan si JC. Muling napabuntong-hininga si Corrine. Labis pa rin siyang naiinis sa lalaki kahit na dalawang linggo na ang nakalipas mula noong magkita sila sa bar. Hindi na sila muling nagkita at sa kanyang palagay, nakabalik na ang binata sa Boston. Siguro, magkikita silang muli sa mga susunod na taon at wala

