NAPAGPASYAHAN ni Corrine na magpunta sa DRMMH sa araw na iyon. Nagdala siya ng mga pagkain para kay Sybilla. Sinabi niya sa sarili na ang kapatid ang talagang sadya niya sa ospital at wala nang iba pero alam din niya sa kanyang kaibuturan na nagsisinungaling siya. Ilang araw na siyang hindi mapakali. Something was wrong in her world. She had to know what exactly went wrong and she also had to know how to fix it. If she could fix it. Alam niya na dapat, tumawag muna siya sa kapatid para siguruhin na hindi siya nakakaabala pero huli na ang lahat para doon. Nasa ospital na siya at isang intern ang nagsabi sa kanya na papunta sa ICU si Sybilla. Imbes, nagpunta muna siya lounge at inilagay sa refrigerator ang mga pagkaing dala saka siya dumeretso sa ICU. At noon parang nagunaw ang buong mund

