Perpekto ang lahat ng bagay na nadatnan ni JC sa Pilipinas. Pakiramdam niya, masyadong naglaan ng effort ang lahat para gawing perpekto ang mga bagay-bagay para sa kanyang pagdating. Kaagad niyang nagustuhan ang bahay na nahanap nina Phylbert at Jace para sa kanya. Si Phylbert ang personal na umasikaso ng pagbili ng property at pag-aayos ng bahay. She sent him pictures of items and decor she wanted to put in the house and all he did was approve them. Dahil kabisado rin ni Phylbert ang mga gusto niya, naging madali ang pag-approve sa ayos at disenyo ng bahay. Mga gamit na dala-dala lang niya ang kailangan i-unpack dahil nang dumating ang mga gamit na ipina-ship niya, kaagad na inilagay ni Phylbert ang mga iyon sa mga tamang lugar. Binili na rin nito ang mga gamit na kakailanganin niya. M

