Philippines
“Truth is, you had given away your heart long time ago. Your whole heart. And you never really got it back.”
Napailing-iling si JC nang maalala ang mga sinabi niya kay Phylbert noong maghiwalay silang dalawa. He still couldn’t believe he quoted a line from a movie. Sweet Home Alabama na paborito ni Phylbert.
Napabuntong-hininga siya habang nagpapakakomportable sa Chesterfield sofa sa opisina ni Mathias. Hinihintay niya ang kaibigan na matapos sa operasyon nito. Gusto niyang makita muna ang kaibigan bago siya magbalik sa Amerika. Bago siya pumasok sa opisina nito, inilibot niya ang surgical floors at oncology wing ng Dr. Rizalino Mendoza Memorial Hospital. He was mightily impressed. Nakaramdam siya ng panghihinayang dahil kailangan niyang tanggihan ang alok ni Mathias na doon na mag-practice.
The hospital had offered him a good deal. Tatanggapin na sana niya iyon hindi dahil maganda ang offer kundi dahil alam niyang mas gusto ni Phylbert na manirahan sa Pilipinas kaysa sa Boston. Mas gusto ng mapapangasawa—dating mapapangasawa na mapalapit sa pamilya nito. Pero dahil hindi na matutuloy ang kanilang kasal, wala na siyang dahilan para mag-practice sa Pilipinas.
Now JC needed to get away as far as possible from Phylbert and Jace.
Marahas na nagpakawala ng buntong-hininga si JC. Gusto niyang sabihin na ikinagulat niya nang husto ang mga naging pangyayari pero hindi ganoon ang kaso. A part of him knew this was going to happen. Taimtim niyang ipinagdasal na sana huwag mangyari at umayon sa kanya ang pagkakataon at totoong nararamdaman ni Phylbert pero may bahagi sa kanya ang nakakaalam na hindi kahit kailan bumitiw ang dating girlfriend sa una nitong pag-ibig. It had always been Jace from the very beginning.
Ang pag-uwi ni Phylbert sa Pilipinas ay isang malaking test para sa kanilang dalawa. Puwede namang ipilit ni JC na sa Boston na ganapin ang kasal pero hindi niya ginawa. Alam niyang muling makikita ni Phylbert ang first love nito at gusto niyang malaman ang magiging reaksiyon ng girlfriend. Nalaman nila na nananatiling umiibig ang puso ni Phylbert kay Jace. Katulad ng nangyari sa pelikulang Sweet Home Alabama.
Kinailangan niyang tanggapin ang bagay na iyon at tapusin ang lahat sa pagitan nila ni Phylbert. Hindi siguro siya magbibigay-daan kung hindi niya nakita na hindi lang si Phylbert ang nagmamahal. Nakita niyang hindi rin mapantayan ang pag-ibig ni Jace para kay Phylbert. They deserved to be happy together. They deserved another chance. Hindi niya kailangang humadlang. Siya lang din ang mahihirapan kung magpupumilit siya.
Naniniwala naman si JC na minahal naman siya kahit na paano ni Phylbert. Sa mga taon na magkasama sila, minahal nila ang isa’t isa. Hindi naman nila paplanuhing magpakasal kung hindi. Nagkataon lang na may isang lalaki na mas matimbang sa kanya sa puso nito. Nasasaktan siya. Sobrang nalulungkot. It was so unfair. Pero ano ang magagawa niya sa ngayon?
Bumukas ang pinto ng opisina at pumasok sa loob si Mathias. Nakasuot pa ng scrub suit ang kaibigan. Ilang sandali na pinagmasdan nito ang mukha niya at kaagad siguro nitong napansin ang lungkot sa kanyang mga mata.
“Hindi ko na mababago ang isip mo?” tanong ni Mathias habang papunta sa mesa nito. Binuksan nito ang pinakaibabang drawer ng desk at may kinuha.
Natawa si JC nang makitang bote iyon ng scotch. Tumayo siya at lumapit sa desk ng kaibigan habang inilalabas din nito ang dalawang paper cups mula sa drawer. Pagkasalin nito sa isang baso, kaagad niya iyong dinampot at dinala sa bibig.
Bahagya siyang napangiwi nang maglandas ang likido sa kanyang lalamunan. JC was not much of a drinker. Kapag nayayaya ng mga kaibigan ay mayroon siyang one shot-one beer rule. Hindi rin niya ugaling uminom nang ganoon kaaga at hindi pa siya nag-aalmusal. Bilang surgeon-oncologist, alam niya ang masamang epekto ng pag-abuso sa alcohol. But he deserved the drink right now. Hinayaan niyang salinan ni Mathias uli ang kanyang baso.
Hindi ginalaw ni Mathias ang laman ng baso nito. Naiintindihan niya na baka kailangan pa nitong pumasok sa loob ng operating room mamaya.
“`You okay?” maingat na tanong ng kaibigan.
Tumingin si JC kay Mathias. Nakikita niya sa mga mata nito ang curiosity pero pinipigilan nito ang sarili na magtanong.
Inisang-lagok ni JC ang laman ng kanyang baso at marahas na napabuga ng hangin. Ibinagsak niya ang paper cup. “The engagement is off.”
Sinikap ni Mathias na huwag ipakita ang simpatya sa ekspresyon ng mukha nito dahil alam ng kaibigan na hindi niya gaanong nagugustuhan kapag kinaawaan siya ng iba, pero hindi nito gaanong napagtagumpayan.
“I’m sorry, man.”
“Thanks?” Ano nga ba ang dapat sabihin? Napabuntong-hininga na lang siya. Pinagmasdan niya ang bote ng scotch. Gusto niyang abutin iyon at uminom deretso sa bote. Pinigilan niya ang sarili kahit na mahirap. May flight siya mamaya. Nasa ospital siya at hindi siya puwedeng malasing. Dahil nga hindi siya madalas kumonsumo ng alcohol, hindi siya sanay malasing.
Ilang sandali na mataman siyang pinagmasdan ni Mathias. “`You remember what you told me when things fell apart between me and my ex-wife?”
Umiling si JC. Typically, matalas ang kanyang memorya. Kaagad umepekto siguro ang alak sa kanyang sistema. Ang naaalala lang niya, naglasing si Mathias nang gabi na nasiguro nitong hindi na magiging maayos ang lahat sa marriage nito. It was a short marriage but he loved the woman he married. Kaibigan din niya ang napangasawa nito pero matagal na silang walang koneksiyon. She aborted their baby and Mathias would never get past that, would never forgive her. Nang gabing iyon niya nakitang nagluksa ang isang Mathias Mendoza. He mourned for his unborn child.
“Ang sabi mo noon, someday it would make sense. Ang sabi mo, hindi ko pa siguro makita ang rason kung bakit nangyari ang mga bagay noong mga panahon na iyon pero darating ang araw na malalaman ko rin.”
“May sense na ba ang mga bagay-bagay ngayon?” seryosong tanong ni JC. Naalala na niya na sinabi nga niya ang bagay na iyon. Iyon ang madalas sabihin sa kanila ng kanyang mama tuwing may pinagdadaanan silang magkakapatid.
“When you lose someone or something, you’d maybe gain it back one day. Or you’d have something better, someone better. When you question why a certain bad thing happens, maybe a good thing will about to happen. Someday, everything would make sense. It would always make sense in time.”
Nagkibit ng balikat si Mathias. “Hindi ko pa rin sigurado kung kaya ko na siyang patawarin,” sagot ni Mathias sa tanong ni JC. “Pero naiintindihan ko na kahit na paano kung bakit niya iyon ginagawa. Nakikita ko na ngayon ang mga rason niya. Mga rason na hindi ko makita o maintindihan dati. Kahit na paano.”
Napalunok-lunok si JC. Naramdaman niya ang paninikip ng kanyang dibdib. “I love her.”
“I know, buddy. I loved my ex-wife, too. I’m really sorry.”
“Someday it would make sense,” sabi niya, hindi gaanong kumbinsido pero umaasa siya kahit na paano.
Isang magandang mukha ang luminaw sa kanyang isipan. Kahit paano, gumaan ang kanyang pakiramdam. Hindi niya maipaliwanag kung paano iyon nangyari pero naramdaman niya ang pagganda ng kanyang pakiramdam.
“How’s Corrine Marie?”
Huli na nang ma-realize ni JC na nasabi niya ang naiisip.
Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ni Mathias. “Naaalala mo pa siya?”
Kaswal na nagkibit ng balikat si JC. “I ran into her in Boston months ago.” Hindi niya makita ang dahilan kung bakit kailangan niyang itago ang bagay na iyon. Alam niyang walang mali o masama sa pagtatagpo at pag-uusap nila ni Corrine sa Boston pero sa hindi niya malamang kadahilanan, itinago niya ang lahat ng tungkol kay Corrine kay Phylbert. Hindi niya ibinahagi sa dating girlfriend ang kakaibang koneksiyon na naramdaman niya kay Corrine. Hindi niya sinabi kung gaano siya naakit sa disisais anyos na dalagita na unang beses niyang nakita noong pababa ito sa grand staircase.
Corrine was the sweetest and loveliest sixteen-year-old the twenty-four-year-old JC had ever laid eyes on.
Hindi niya masabi na hindi nawala ang paghanga at espesyal na pakiramdam ngayong hindi na ito sixteen years old.
Mas tumingkad ang ganda ni Corrine nang magkita sila uli. She had grown up so beautifully. Naroon pa rin ang atraksiyon na naramdaman niya noong disisais ang dalaga. Iyon siguro ang rason kung bakit hindi niya binanggit kay Phylbert ang tungkol sa pagkikita na iyon.
“Really?”
Tumango si JC at ipinakita na hindi siya gaanong interesado kahit na kabaligtaran niyon ang lagay. He wanted to know more about the girl but he was not sure if that was what he needed at this moment.
“She’s okay. Her center is doing good. I had asked her out.”
Napakurap-kurap si JC sa huling pangungusap na narinig mula kay Mathias. Nahiling niyang sana ay mali lang siya ng intindi sa sinabi ng kaibigan. “You asked her out?”
“She’s perfect.”
“She is,” sabi niya, halos wala sa loob. Pinagmasdan niya si Mathias. Hindi niya mabasa ang kinang ng pagmamahal sa mga mata nito. Hindi niya masilip ang kaligayahan at pananabik. Ibinuka niya ang bibig at akmang tatanungin si Mathias kung bakit naisipan nitong pagtuunan ng pansin si Corrine. Of course, he could see the appeal but Mathias saw Corrine as an adorable sweet girl.
What do you know, JC? You don’t spend so much time with these people.
Itinikom niya ang bibig at tumikhim. Pilit niyang inalis sa kanyang isipan ang magandang mukha ni Corrine. Hindi rin niya gaanong pinansin ang nararamdamang pagtutol sa larawan nina Mathias at Corrine na magkasama. Wala siyang karapatang makaramdam ng kahit na ano. Wala siyang karapatang magsabi ng kahit na anong opinyon—pagtutol man o pagtanggap.
Hindi niya iyon kailangan sa puntong ito ng kanyang buhay. His heart was hurting. He needed time to fully accept things that happened to him and Phylbert. Magandang distraction siguro si Corrine pero hindi rin naman siya gaanong komportable na iniisip na kaagad niya ang ibang babae pagkatapos ng nangyari. Hindi siya ganoong klase ng lalaki. Hindi niya kalilimutan na nagmahal siya at kasalukuyang nasasaktan. The love he felt for Phylbert was real.
“Good for you, buddy,” sabi na lang niya kay Mathias. “Treat her right.”
Tumango si Mathias. “You’re gonna be all right,” sabi nito sa nakatitiyak na boses.
Hindi napigilang matawa nang banayad ni JC. “Yeah, I’m going to be all right. Eventually.”
“Kapag dumating ang eventually na iyan, gusto kong pag-isipan mo nang husto ang pagpa-practice dito.”
Tumango siya. “Maybe someday.” Sa ngayon, hindi pa niya magawang magtrabaho sa isang lugar na alam niyang malapit lang kay Phylbert. Yes, he wanted her to be happy but he didn’t want to witness that now. Maybe someday.