4

1852 Words
Ilang sandali na tumingin lang si JC sa mga mata niya. Hindi siya sigurado kung masyado lang siyang umaasa o talagang nakikita niya ang kaunting lungkot at panghihinayang sa mga mata ng binata. Parang masyado lang siyang umaasa at namamalik-mata dahil pagkurap niya, wala na ang lungkot at panghihinayang sa mga mata nito. Muling gumuhit ang ngiti sa mga labi ng lalaki. Hindi na nanumbalik sa dati ang kinang sa mga mata nito. “Her name’s Phylbert. Pinay pero dito na kami nagkakilala,” kaswal na pagkukuwento ni JC. Humugot ng malalim na hininga si Corrine. Pinilit niya ang sarili na ngumiti. Walang dahilan para malungkot o manghinayang siya. Wala siyang karapatan. “I’m happy for you, JC. I’m sure she’s a great woman.” Hindi siya gaanong kumbinsido sa naunang sinabi pero kumbinsido siya sa pangalawa. Kahit na hindi pa niya nakikilala ang Phylbert na ito, alam niyang isang mabuting babae ang mamahalin ng isang JC Boyce. “So kumusta ka na? What happened to you?” muling tanong ni JC. Kinalimutan muna niya ang mga kakaibang damdamin sa kanyang dibdib at sinagot ang binata. Kahit paano, gusto naman niyang ibahagi ang mga pangyayari sa kanyang buhay. “Hindi ako naging doktor kagaya ng gusto ni Lolo Monching. Naging teacher ako.” “You love being a teacher?” Tumango siya. “Sobra. Three years ago, nagtayo kami ng mga kaibigan ko ng isang learning center. It’s small but I love it.” “Good for you.” “I have a sister. Older sister. Hindi siguro magiging madali ang pagiging teacher ko kung hindi dumating sa buhay namin si Sybilla. Siya ang naging doktor. Siya ang katuparan ng mga pangarap ni Lolo Monching.” Nagsalubong ang mga kilay ni JC sa pagtataka. “I don’t understand. Ang naaalala ko, only child ka.” “May naanakan pala si Papa bago niya pakasalan ang mama ko. Late na niya nalaman ang tungkol sa pagkakaroon ng isa pang anak.” “Wow. Hindi siguro naging madali para sa `yo.” “I felt like my world fell apart. Gumuho ang lahat ng pinaniniwalaan ko. Nawala ang konsepto ng isang perpekto at masayang pamilya. Noong una, hindi ko alam kung paano pakikitunguhan ang sitwasyon. I was an only child all my life. Sa paniniwala ko, si Mama lang ang naging babae sa buhay ni Papa. Hindi ko matanggap na puwedeng mangyari sa akin iyon. Alam ko na nangyayari sa iba pero hindi ko talaga inakala na malalagay ako sa ganoong sitwasyon. Hindi naging madali pero eventually, natanggap ko rin. I love my sister. Like you can’t imagine.” Banayad siyang natawa. Totoong kaligayahan na ang kanyang ipinapakita nang maalala ang kapatid. Totoong napamahal na kay Corrine si Sybilla. It was fun to have a sister. Kahit na magkalayo sila at kapwa abala, nagawan pa rin nila ng paraan na maging malapit sa isa’t isa. Sinisikap ni Corrine na dumalaw sa Baltimore kahit na sandali lang. Kailangang aminin ni Corrine na naging desidido siya dati na kamuhian ang kapatid sa labas. Ipinangako niyang hindi niya kahit kailan tatanggapin si Sybilla. Pero nagbago ang lahat nang marinig niya ang pag-uusap ng mga magulang. Hindi rin naging madali para sa mga ito ang kaalaman na nagbunga ang isang “pagkakamali” maraming taon na ang nakakaraan. “I didn’t love her, Lou,” maigting na sabi ng kanyang papa sa kanyang mama. “I love you. Then and now. Always. Alam mo iyan. Hindi mo kailangang pagdudahan kahit kailan.” “Paano ang anak niya? May anak kayo!” naluluhang sagot ng mama niya. “Malaking bahagi ng pagkatao mo ang nasa batang iyon. Habang-buhay na kayong magkarugtong dahil kay Sybilla.” “Uulitin ko, I didn’t love her.” “You’re saying you don’t love your daughter?” “I love Corrine. Sybilla just came out of nowhere. She suddenly became part of my life.” “Damien!” “Hindi ko puwedeng pilitin ang sarili ko na maramdaman ang mga hindi ko nararamdaman, Lou! She made it clear, she didn’t need nor want love from me. Financial support lang ang hinihingi niya, ang kailangan niya. I don’t have to love her. I don’t love her and I don’t think I’ll ever love her the way I love Corrine. Yes, I’m a horrible person. I’m sorry but I don’t love her.” Hindi ikinatuwa ni Corrine ang mga narinig mula sa papa niya. Sybilla was a tough woman. Pero naniniwala siya na lahat ng tao ay nangangailangan ng pagmamahal. Naawa siya sa kapatid. She did not deserve that. Nalaman niyang hindi naging madali ang buhay ni Sybilla at lalo siyang naawa sa kapatid. She decided to give what her father couldn’t give. She decided to love her. Hindi naman naging one-sided ang pagmamahal na iyon. Hindi siya pinansin ni Sybilla noong una pero nakulitan din sa kanya pagtagal. Corrine managed to worm her way into her sister’s heart. “You really like your sister,” nakangiting puna ni JC. Kahit na hindi nakikita ni Corrine ang sariling mukha sa kasalukuyan, alam niyang nagliwanag ang kanyang mga mata. “Yes,” she gushed. “I adore Sybilla. Magkaibang-magkaiba kaming dalawa pero nagkakasundo naman kami. She’s also a doctor. She’s wicked smart. We’re so proud of her.” Binanggit niya ang prestihiyosong hospital program na kinaroroonan ng kapatid at nakita niyang maging si JC ay bahagyang namilog ang mga mata at namangha. Tumango si Corrine sa ekspresyong ganoon ni JC. “I know it’s very hard to get into that program.” “Totally,” pagsang-ayon nito. “I’m glad I found her, you know. Sa kabila ng lahat ng nangyari, natutuwa ako na mayroon akong kapatid.” Hindi nagtagal, naglaho na ang anumang awa na nararamdaman ni Corrine para kay Sybilla. She still felt bad about their father not loving her but she also respected her. She looked up to her. Sybilla was a tough and brilliant woman. She admired her. Walang dahilan para kaawaan ito. Isa pa, Lolo Monching loved her. Hindi lantad na ipinapakita o sinasabi ng matanda pero alam ni Corrine kung gaano nito ipinagmamalaki ang narating ni Sybilla. Buo sa isipan nito na namana ni Sybilla ang pagiging mahusay na surgeon nito. Ang kapatid niya ang magpapatuloy ng legacy ng kanilang lolo. Hindi mamamatay ang doctor-gene ng mga Arqueza sa kanya. “What kind of doctor is she?” tanong ni JC. “Surgeon. Heart surgeon.” “Like Mathias.” Tumango si Corrine. “Like Mathias. What kind of doctor are you?” “Oncologist. Surgeon-oncologist actually.” “Wow. So are you any good?” Natawa nang malakas si JC. Yumugyog ang katawan nito at masarap sa tainga ang tawa nito. Parang bata na tuwang-tuwa. Napangiti rin si Corrine. Wala siyang gaanong alam sa mundo nito pero alam niyang isa ito sa mga pinakamahuhusay. JC was the type who would excel in everything. Effortlessly. “It’s really good to see you again. Really, really good. I now that sounds kind of lame, but I’m happy I bumped into you this morning, princess.” Pumitlag ang puso ni Corrine sa endearment. She had been hearing that almost all her life but it had never sounded like this good, this sweet and endearing. “You’re amazing. Kind. Adorable. You’re just...” Mukhang nahihirapan ang binata sa paghahanap ng tamang salita para matapos ang pangungusap. “Thank you,” sabi ni Corrine sa mahinang boses. Walang ideya si JC kung paano siya naaapektuhan ng mga salitang iyon. Hindi man tinapos ng bibig nito ang sinasabi, tinapos iyon ng mga mata ng lalaki. Naramdam nila ang pag-vibrate ng smartphone sa mesa nila. Phone iyon ni JC. Isang mensahe ang pumasok. Napabuntong-hininga ito. Hindi pa man ibinubuka ang bibig, alam niya na kailangan na nitong umalis. “It’s okay,” nakangiting sabi ni Corrine kahit na hindi talaga okay. Gusto pa sana niyang makasama si JC. Pakiramdam niya, bitin na bitin ang kanilang kuwentuhan. Kakaunti lang ang nalaman niyang impormasyon sa binata. Ang tungkol lang sa engagement nito kung tutuusin. “It’s the hospital,” sabi nito, medyo apologetic ang boses. Nakikita niya sa mga mata nito ang panghihinayang. “May naka-schedule akong meeting with a new patient.” “It’s really okay. It’s work.” JC was an oncologist. Hindi siya puwedeng mainis sa isang pasyenteng may cancer dahil kailangan na nitong umalis kaagad. That would make her a very horrible person. “Dinner tonight?” Umaasam ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. “I’d like you to meet Phylbert. You’d definitely love each other.” Ipinagpasalamat ni Corrine na hindi niya kailangang magsinungaling sa pagsagot sa paanyaya na iyon. “I’m sure I’d love her on sight but my flight home is tonight.” Hindi niya magawang tuluyang manghinayang. Hindi niya sigurado kung bakit parang hindi siya handang makilala ang babaeng pakakasalan ni JC. Nagkaroon ng matinding pagkadismaya sa buong mukha ni JC. “Oh.” “Yeah,” tanging naisagot ni Corrine. “Am I gonna see you again?” tanong nito habang nakatingin sa kanyang mga mata. Pinigilan niya ang sarili na mapabuntong-hininga. Pinanatili niya ang ngiti sa mga labi. “Let’s leave it to fate.” Napangiti na rin si JC kahit na may nakita siyang kaunting lungkot sa mga mata nito. “And perfect timing?” More like wrong timing. Tumango si Corrine. “I’m really, really happy to see you again, JC.” Tumayo na ito. Sandaling nag-alangan ang binata bago siya niyuko at hinalikan sa pisngi. Sandaling naipikit ni Corrine ang mga mata habang pinupuno ang kanyang baga ng pamilyar na bango. “Take care of yourself,” bilin nito bago umalis. Nang mawala sa paningin ni Corrine si JC, saka lang niya pinakawalan ang pinipigil na buntong-hininga. Hinayaan niya ang sarili na maramdaman ang matinding panghihinayang at lungkot. Ni hindi nila kinuha ang number ng isa’t isa. Siguro, pareho nilang inisip na mas makakabuti na ang ganoon. Habang naglalakad pabalik ng kanyang hotel, nalaman ni Corrine kung bakit ganoon na lang ang kanyang nararamdaman. Dahil habang iniisip niya ang pagsuko kay Mathias ay biglang sumulpot si JC. Sa likod ng kanyang isipan, tumubo ang isang posibilidad. Ang posibilidad na puwede siyang magmahal ng iba. Isang magandang posibilidad na mauwi sa isang magandang relasyon ang muli nilang pagkikita. There was spark. There was instant connection. Hindi lang niya sigurado kung naramdaman din ni JC ang mga bagay na iyon. Nakakalungkot lang na kaagad na pinutol ng tadhana ang posibilidad na iyon. Ikakasal na si JC at naghihintay siyang mahalin siya ni Mathias.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD