"Binata na,baka ikinukulong ka pa rin ng mama mo?" masayang sinalubong ng matandang magasawa Ang apo nila na so Mathew sa pagpasok niya sa lumang bahay ng mga iti. Ilang renobasyon na ang pinagdaanan ng bahay na iti. Pilit na prinepreserva ang disenyo niyo, mula sa malaking porsyento ng kahoy na ginamit sa bawat bahagi ng bahay.
"Anong kinukulong,ma?" sumbat ni Ina
Nilagpasan siya ng kaniyang ina at niyakap ang matandang babaeng nasa harapan nila.
"Kung alam mo lang, ma...napakapasaway niyan." panunumbat ni ina kay inang.
Natawa siya habang naglalakad papasok at naupo sa sofa ng kaniyang inang na nasa sala.
"At isa pa, gustong maging drummer sa isang Banda. Lagi niyang kasama iyong kababata niyang anak ni Lovely,si Luke. Ayon Naman kumakanta".
Tumabi sa kaniya ang Ina at naupo naman sa kabilang sofa sa kabilang harapan ang kaniyang Lolo at Lola.
Inilibot niya ang paningin at makikita ang maluwag na loob niyo. Ang sahig nito na kulay pula at makintab. Walang masyadong kagarbuhan ang mga kagamitan sa loob.
"Mukhang marami ka nang naging nobya ,apo...mana ka sa akin". Bahagya hinampas ni lolo ang aking balikat at sabay tingin kay lola sabay tawa.
"Hindi lo,gwapo ako pero hindi ako babaero". Sabay na natawa ang kaniyang Lolo at Lola habang naiiling na lang Ang kaniyang ina.
Hindi ko na lang sila pinansin bagkus tumayo ako at pumunta sa taas ng bahay.
©©©
"Gago ang vintage,o". Ipinakita niya ang lumang aparador sa kuwartong pagtutuluyan niya habang nasa San Juanito sila,probinsiyang kinalalagyan nila ngayon. Kasalukuyan silang magkausap ng kaniyang kaibigan na si Luke gamit ang video call.
"Itapat mo ng buo".
Lumayo siya sa aparador at iniharap ang kamera sa kabuuan niyo. Mayroong salamin sa kabilang pinto into at sa kabila ay mayroong malaking espasyo sa maaaring paglagyan ng damit. Maaaring magkasya ang dalawang tao sa bawat hati nito.
"Nakatapat sa higaan mo pare".
Humagalpak ito sa pagtawa
"Nakakatakot Gago!"...
Agad siyang napatingin sa likod at tumingin sa kamang nasa harapan niya.
"Para kang ano diyan,gagi".sumbat ko sa kanya. Naupo na lang ako sa kama at nagpatalbog-talbog habang nakatingin sa sarili sa harap ng salamin.
"Baka maligaw ka diyan. Adventurous ka pa Naman,pre".Inilipat niya ang tingin sa kausap at nagpakita ng nakalolokong ngiti.
"Nag-search ako,pre".Nagmamadali itong tumayo at inilock ang pinto at muling bumalik sa kama.
"May gubat daw dito na hindi daw pinupuntahan ng mga tao kasi nakakatakot yong loob." sa halip nasiya ang gapangan ng takot ay tila ang kausap pa niya ang nakaramdam nito.
"Hoy,Mathew,..pre wag mong dalhin diyan yong ugaling pwede mong gawin dito. Pwede kang mapahamak diyan,pre."seryoso a ng mukha at tono ng kaniyang pananalita.
"Alam mo pre, hinding hindi mo mapipigilan ang isang adventurous na katulad ko."Hindi pa rin naaalis ang nakalolokong ngiti sa mukha niya.
"Pero kaya ng mama mo?..puwede kitang isumbong."
"Syempre,joke lang yon,pre. Alam kong nasa ibang lugar na ako,kaya huwag ka nang mag alala." sabay tawa.
Sa isip-isip niya ay hindi pa rin nito nababago ang kaniyang pag- iisip. Into ang unang beses na nakapunta siya sa probinsiyang ito, at walang makapipigil sa kaniyang bumuo ng isang alaala na hindi niya malilimutan sa bakasyon na ito.
©©©
Malulutong na tunog ng tuyot na dahon ang maririnig sa bawat paghakbang ni Mathew Mula sa gubat. Minsanan pa siyang nakaapak ng maliliit na sanga na nagbibigay ng dagdag na tunog dahil sa pagkabali nito.
Ang makakapal na dahon na nasa puno na bahagyang nagpapadilim sa buong paligid ng kagubatan kahit na hapon pa lamang. Ang kaunting pagsulyap ng liwanag ng araw sa pagitan ng mga magkatabing dahon.
Mabilis ang pagtibok ng kaniyang puso. Pinaghalong pagkatakot at pagsasabik.
Halata ito ngayon sa ngiting makikita sa kaniyang mukha habang ang mga kamay ay nasa loob ng bulsa ng kaniyang jacket.
Lumaki si Mathew na malakas ang kalooban at walang kinatatakutan. Lagi niyang nagagawa ang mga gusto niyang gawin basta't hindi ito makaapekto nang masama sa kaniya,ngunit ngayon,mukhang makasasama sa kaniya ang gagawing ito.
Nagpatuloy siya sa paglalakad sa bahagyang madilim na paligid. Hindi siya natatakot kailan man na maligaw dahil isang deriksiyon lamang ang pinupuntahan niya.
Puro nagtataasang puno at Ang matataba nitong katawan ang nakikita niya. Ang makakapal na mga tuyot na dahon na inaapakan niya. Inaabangan niya ang paglipad ng mga ibon,ngunit Wala pa rin siyang nakikita at naririnig.
Sa hindi kalayuan ay nakita niya ang isang bahay sa gitna ng kagubatan.
"s**t" bulong ni mathew sa kanyang sarili,habang unti unting lumalawak ang ngit at lumalaki ang mga mata.
Nagsimula siyang tumakbo nang makita ang bahay na ito na katamtaman ang laki. Habang tumatakbo ay lalong lumalakas ang tunog ng bawat hakbang niya. Siguradong kung may tao sa paligid ay tiyak na maririnig ito.
Sa pagkalapit sa bahay ay nakita niya na gawa ito sa makakapal na kahoy. Gaya ito ng mga kahoy na nasa bahay ng kaniyang lola't lolo, ngunit ang pinagkaiba ay hindi na ito naalagaan.
Makikita ang mga bahay ng anay na tila mga buhanging nakakorte sa mga kahoy. Ang mga bungi sa tabla,sa maninipis at mahahabang kahoy. Ang kumupas na kulay nito at pagkawala ng kintab. May maliit na kuwarto ito sa itaas na tila babagsak na kapag naraanan ng isang malakas na bagyo.
Maliwanag kung saan nakaposisyon ang bahay na iti dahil walang mga puno itong katabi. Sa paligid nito ay mayroon,ngunit may malaking agwat ito kaya't diretsong nabibigyan ng liwanag ang bahay at ang paligid nito.
Sa halip na gapangan ng takot,mas natuwa pa siya.
Nagpalinga linga siya bago naglakad ng dahan dahang inilapit ang kanang kamay sa pihitan....at nang dumampi ay maingat niya itong pinihit.
Lumangitngit ito ng mabuksan niya ng mabagal. Sa pagsilip niya ay nagulat siya sa malinis na loob nito. Kaunti lamang ang kagamitan ngunit napakalinis naman nito kung ikukumpara sa itsura nito sa labas.
Inihakbang niya papasok ang paa sa makintab na kongkretong sahig. Tila araw araw itong nilalampaso dahil sa halos walang makikitang alikabok dito.
Itinaas niya ang paningin at may nakitang mga drawing na nakasabit sa pader.
Isang babae na sa tingin niya ay isang dalagang halos kaedad niya lang din,isang babae na kung titingnan ay mas matanda sa kanila ngunit maganda pa rin,at isang matandang babae na halata na ang kulubot sa mukha.
Inilipat niya ang paningin sa kaunting kagamitan na narito. Ang lamesang maliit at ang isang sofa na nasa tapat nito. Mayroong mga libro na nakalagay sa kagamitang ginagamit sa pagguhit at pagpipinta. At ang tumba tumba na nasa harapan ng bintana.
Inilabas niya ang cellphone na nasa loob ng kaniyang jacket at agad na kinuhanan ang paligid ng larawan.
Nagsimula siyang maglakad sa kabilang kuwarto na sa tingin niya ay ang kusina.
Mayroong mahabang lamesa habang may nakapaloob ditong dalawang upuan.
Simula nang makita niya ang mga drawing na nasa kabilang kuwarto ay alam na niyang may nakatira sa bahay na ito.
Hindi niya maiwasang magtaka kung bakit may titira sa isang gubat na malayo sa kabihasnan. Sigurado siyang walang taong titira rito ang nasa tamang pag-iisip.
Pumasok siya sa loob ng kusina at tiningnan ang kabuuan nito. Medyo madilim na rito dahil nakasara ang mga bintana. Naglakad siya papunta sa lababo at sinubukang buksan ang gripo ngunit walang lumabas na tubig.
"Paano sila naliligo?"bulong niya at naglakad na ulit patungo sa pinanggalingang kuwarto.
"Halinaw ka!"..Tila may pumukpok sa puso niya dahil sa sobrang pagkagulat. Parang namanhid pa ang kaniyang ulo dahil sa hindi inaasahang tao.
Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang isang babae na nasa unang hintuan ng hagdan at nakasanday sa pader habang may hawak na kutsilyo-na ang talim ay nakatutok sa kaniya.
Halata ang pagkatakot sa mukha nito. Nanginginig ang parehong kamay at namumuo na ang mga luha sa mga mata nito. Maririnig ang pagkahingal nito habang bumabagsak ang mga hibla ng buhok sa gilid ng mukha nito.
"Sandali,miss!"tumakbo si mathew sa pintuan habang nakataas sa harapan ang parehong kamay. "Ibaba mo yang kutsilyo na hawak mo",utos niya rito na tila nawala siya sa katinuan dahil sa halip na tumakbo ay nanatili pa rin siya rito.
"Alis!"sigaw nito sa halos matinis na boses na nagpagising sa katinuan niya.
Nanakbo siya palabas ng pintuan at isinara ito.Naririnig niya ang sariling pagtibok ng puso.Sa sobrang lakas nito ay tila nabibingi na siya mula rito.
Habang nasa labas ay hindi niya alam ang gagawin. Lumabas siya ng paatras.
Habang siya ay nasa labas at hinihintay niya na maging kabado ang pagtibok ng kanyang puso at tsaka papasok ulit para malaman kung sino ang nasa loob ng lumang bahay na ito.
"Sino kaya yon?"pabulong na sabi sa kanyang sarili. "Okay,kaya ko to" at humakbang siya palapit sa may pihitan ng pinto.
Nabuksan niya ang pinto at inilibot niya ang paningin sa loob ng bahay at hinanap niya ang babae kanina.
Sa kasamaang palad wala siya doon...humakbang siya para tignan sa may kusina...at nanatili ang tingin niya sa isang sulok...mula doon isang babae ang nakaupo at hawakhawak ang dalawa niyang tuhod...at hindi pa niya binibitawan ang kutsilyo na kanina ay nakatutok sa kanya.
"Okay ka lang ba?,m-miss.." nanginginig na sambit nito. "Anong pangalan mo?"patuloy niya.
Tumingin lang ang babae sa akin...
Teka...umiyak ba siya
"sorry,mabait akong tao" sabay ngiti sa babae ..pero Hindi umimik ang bagkus nakatingin lang ito sa kanya.
"Takot ka ba sa akin,miss"patuloy ni mathew. Nang lalapit na sana siya ay..agad itong napatayo agad at itinutok ulit kay Mathew ang kutsilyo.
"Huwag kang lalapit,kundi papatayin kita!"sigaw niya sa akin