Maging sino ka man, MAHAL
PROLOGO
"Hindi siya si mama". Muli itong umatras at bumalik sa dating pwesto.
"Mama Ang tawag ko sa kaniya,"paliwanag niya dahil sa naguguluhan nitong pagpapakahulugan.
"Mama? Tawag mo rin sa kaniya ay Mama?" Tumango siya rito at ngumiti. Nararamdaman niya ang saya ngayong nababawasan na ang takot niyo sa kaniya.
"Hindi ka na ba takot sa akin?"
Nailipat ni Isabel ang tingin sa sahig at iniisip kung hindi na nga ba ba siya takot sa lalaking nasa harapan niya. Tila isang lubid ang utak niya ngayon na nakabuhol. Hindi alam kung paano ito muling itutuwid gayong may ibang tao na ang naglalahad sa kaniya ng isang panibagong katotohanan...na kailangan niyang paniwalaan.
"K-kaunti..." nauutal na sambit niya.
"Ang sabi kasi ni Ina ay...sasaktan daw ako ng mga tao sa labas...kaya pinagbawalan niya akong lumabas at makisalamuha sa ibang tao.
Sa ilang beses na pagbalik ni Mathew sa abandonadong bahay na ito ay hindi niya kailanman ito nahahawakan at sinaktan si Isabel. Unti unting niyang nakukuha ang tiwala nito.
"Tama,magandang binibini". binigyan niya ito ng isang ngiti.
"Kailangan mo lang magtiwala sa Akon n na hindi kita sasaktan....at hindi lahat ng tao ay masama."
Tumingin siya ng diretso sa akin mga mata...
At tinignan ko rin siya....tumingin ako sa kabuuan niya... Wala talaga siyang pasa o sugat.
Itinapat niya ang camera ng kaniyang cellphone sa mukha ni Isabel...at kinuhanan ito ng litrato.
kasabay nito ay mahinang tunog ng orasan sa loob ng bahay na tila isang kalimbang na paulit ulit na pinupukpok.
"Pauwi na si Inay". sambit niya...
At agad akong natauhan sa pagkakatulala....at dinig ko na rin na may paparating....at..