bc

Love, Since Day One

book_age18+
36
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
contract marriage
family
HE
escape while being pregnant
fated
opposites attract
arranged marriage
playboy
sporty
single mother
heir/heiress
drama
sweet
lighthearted
secrets
love at the first sight
addiction
actor
like
intro-logo
Blurb

Lima kaming matalik na magkaibigan—at ako lang ang nag-iisang babae. Magkakasama na kami mula pagkabata, at kahit nag-iba-iba ang landas namin sa buhay, hindi naputol ang aming samahan.

Si Jonathan, ang anak ng isang makapangyarihang pamilya sa mundo ng pulitika. Si Exson, ang heartbreaker na may dugong negosyante mula sa industriya ng pagmimina. Si David, ang pinakamatino sa grupo, mapagmahal sa kanyang kasintahan kahit pa selosa ito. Si Aga, ang artistahing heartthrob na iniidolo ng marami. At ako, si Rich Celestine Roldan—simpleng babae pero matibay sa laban ng buhay.

Sa kabila ng kasikatan, kayamanan, at intrigang bumabalot sa amin, nananatili ang isang bagay—ang aming pagkakaibigan. Pero hanggang kailan? Sa mundo ng pag-ibig, ambisyon, at mga lihim, kaya ba naming ipaglaban ang samahang matagal na naming binuo?

Ito ang kwento namin—isang pagsubok ng pagkakaibigan, pag-ibig, at tadhana!

chap-preview
Free preview
Episode1 - Ang Tradisyon
Episode 1 - Ang tradisyon Andito ako ngayon sa isang bar—Friday kasi, at meron kaming usapan ng mga kaibigan ko na tuwing ganitong araw, kahit gaano kami ka-busy, magtitipon-tipon pa rin kami dito sa Boozy & Boujee. Halos pitong taon na naming ginagawa ito mula noong grumadweyt kami ng kolehiyo at nagsimula sa kanya-kanyang landas. Ako si Rich Celestine Roldan, ang nag-iisang babae sa grupo namin. Lumaki kaming lima sa iisang subdivision at mula noon, hindi na naputol ang aming samahan. Kahit nagkahiwa-hiwalay kami sa iba't ibang industriya, tuwing Biyernes, bumabalik kami sa kung saan nagsimula ang lahat—sa isa’t isa. Maaga akong dumating ngayon, gaya ng nakasanayan. Pagod ako sa maghapong sunod-sunod na meeting sa trabaho, pero wala akong balak palampasin ang gabing ito. Boozy & Boujee ang pangalan ng bar na pag-aari ng isa sa aming kaibigan. Isa ito sa pinakasikat na tambayan sa lungsod—elegante, may dim lighting, may live band, at palaging puno ng high-profile na tao. Habang hinihintay ko sila, umorder muna ako ng isang baso ng red wine. Ilang minuto lang ang lumipas, at dumating na ang unang kasamahan ko—si Jonathan Eliano. “Kamusta na, babe?” bati niya sabay beso sa pisngi ko. Napairap ako pero ngiti ang lumabas sa labi ko. Sanay na akong tawagin nilang babe—hindi sa romantikong dahilan, kundi dahil ako raw ang “baby” ng grupo, kahit ako ang pinaka-mature mag-isip sa kanila. "Kanina pa ako dito," sagot ko, taas-kilay. "Bakit ang aga mo naman?" tanong niya, pero bago ko pa masagot, sumingit ang isang pamilyar na boses. “Malamang dumeretso na ’yan dito. Paamoy nga.” Napailing ako at napangiti nang makita ang bagong dating—si Exson Valeria, ang certified heartbreaker sa grupo. May dugong negosyante ito, mula sa pamilyang may-ari ng isang malawak na industriya ng pagmimina. Lumapit siya at inilapit ang mukha niya sa leeg ko, kunwari inaamoy ako. "Hmm... Amoy umaga ka pa," biro niya, sabay ngisi. "Grabe ka sa akin! Ang dami ko kayang ginawa ngayong araw. Para makatipid sa gasolina, dumiretso na ako dito," sagot ko habang pinanlalakihan siya ng mata. Bago pa tuluyang lumalim ang usapan namin, dumating ang sunod naming kasama—si David Reyes, ang pinaka-matino sa aming lima. Mapagmahal ito sa kasintahan niyang si Alice, na kasama niya ngayon. Si Alice ay maganda, simple pero may dating. Tulad ni David si Alice ay haling din sa isang mayaman na pamilya. Palagi kong iniisip na sana sila na talaga ang magkakatuluyan ni David. Umupo siya sa tabi ko at ngumiti. “Magandang gabi, Rich, kamusta ka na?” bati niya. Nakipagbeso beso ako rito. "pasensya ka na sa amoy ko, amoy ara daw ako." ANiya ko rito. Nag-order na kami ng inumin at nagsimula nang magkuwentuhan. Habang nag-iinuman, may isang taong kulang pa. Napabuntong-hininga ako. "At ito na nga siya. Wala talagang pagbabago kahit kailan," reklamo ko habang papalapit ang huling miyembro ng grupo—si Aga Serafino. Nakasalamin pa siya sa loob ng bar. “Taas ng araw, ha?” biro ko. “Sorry na, napuyat ako. May taping kasi,” sagot niya habang nagbeso sa akin. "Dahilan mo, for sure ay naglaro ka nananamn." sabay besom nito saakin. "Oo na amoy araw na ako." inunahan ko na nga. Si Aga ang heartthrob ng grupo—gwapo, charming, at sikat na artista. Maraming babae ang nahuhumaling sa kanya, pero kahit isa, wala pang nagtagal ng higit isang linggo. Laging ako ang kinakausap ng mga dating niyang fling, nagtatanong kung bakit bigla na lang siyang nawala. Magaling ang taon ito sa ghosting. Pero mero syang ka love team ngayon si Clara, mag tatlong taon na rin silang magka love team ibat ibang Commercial, Movie, Teleserye poster at kung ano ano pang project ang kanilang pinag samahan. Tinatanong ko sya, pero hindi daw nya tipo ang mga babae na katulad ni Clara, comment ni aga si Clara daw ay masyadong umaasa lsa mga taon nakapaligid rito. higit sa lahat daw ay na pakaarte nito. Dumating nga daw ang punto na may kissing scene sila, hindi daw ito nag tootbrush. Matapos daw ang kissing scene ay inis na inis ang dilag sa ginawa nya. "Sana pare kumain ka ng bagoong" pagkasabi ni Exson, "Ginawa ko kahit super alat ng patis minumog ko." Sabi nito na nag tawanan laming lahat. "Kadiri ka, hahahaha pagkasabi ko rito." Swerte na nga sya at naka halikan nya ang isang Aga Serafino." Aniya ni Jonathan. "Eiwwwww" ako na diring diri sa ginawa ni Aga. Ang mga nanay namin ay matalik na magkaibigan. Ang mommy ko at ang mommy niyang si Tita Gina ay magkasamang lumaki. Nang pumunta si Mommy sa US, si Tita Gina na ang tumayong pangalawang ina ko rito. Maswerte ako at meron akong Tita Gina ditto sa Pilipinas, napaka maalagain at napakahaba ng pasensya. Namimiss ko na si Tita pupunta nga ako saknila sa mga susunod na araw. Sa kabila ng lahat, masaya ako sa kung nasaan ako ngayon. National Manager na ako sa UniAsia, isang kilalang kumpanya na nag-aalok ng iba't ibang produkto sa buong bansa. Kahit gaano ka-stressful ang trabaho, at kahit gaano kabusy ang buhay namin, itong gabi—itong Friday Night Tradition namin—ay isa sa mga bagay na hindi ko papayagang mawala. At dito nagsisimula ang isa na namang gabi ng tawanan, inuman, at mga alaala kasama ang mga lalaking itinuturing kong kapatid. Habang lumalalim ang gabi, unti-unting lumalalim din ang mga usapan namin. Hindi lang puro tawa at biruan—napag-uusapan din namin ang mga pangarap, takot, at mga bagay na hindi namin kayang sabihin kahit kanino. Masarap sa pakiramdam na may ganitong klase ng pagkakaibigan—walang judgment, walang halong interes, puro totoo lang. Nag-toast kami sa isa’t isa. "Para sa pito pang taon ng ating Friday tradition!" sigaw ni Jonathan habang itinaas ang kanyang baso. "At sa marami pang taon pagkatapos niyan!" dagdag ni Exson. Ngumiti ako at tumingin sa kanila. Sila ang pamilya ko rito, sa bansang ito. At sa bawat lagok ng alak, bawat tawa at bawat kwento, lalo lang akong napapagtanto kung gaano ko sila kamahal.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.7K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
15.0K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.9K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
20.2K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.7K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.1K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook