Episode6 - takot at pangamba
P.O.V Aga
"Rich tumatawag yung kup*l mong boyfriend" aniya ko rito. Sabay tayo ni exson at bulong ng "Selos ka no?" sabay ako dirty finger lang ang nasagot ko rito. Hindi ako pinansin ni Rich, kaya ako na mismo ang sumagot. "Aba at may balak ka palang sagutin ang tawag ko, bakit sila pwedeng pumunta dyan sa bahay mo, ako ni isang beses hindi pwede ni hindi ko alam kung san ang address mo."Pag kasabi nito. "Hello, " Sabi ko na mukhang kinagulat nito. "Sino to?" pag sagot nito. "Si aga to pare" Pagkasabi ko. "isa ka pa, lam kong may gusto ka kay Rich, layuan mo ang girlfriend ko. " Aniya nito. "ahh, kaya pala hindi sinasagot ni Rich ang tawag mo talagang Kupal ka pala talaga. " pag kasabi ko rito. "Busy sya, wag mong istorbohin. bye." Dagdag ko rito at agad na bnaba ang telepono. Pagkatapos uminom ng tubig ay pumunta na ako sa sala. Umupo ako sa tabi ni Rich, kahit pa na katabi nya si Jonathan. Siniksik ko ang sarili ko. Takot na takot sya sa pinapanod nya kaya humawak ito sakin mga braso at nag tatago sa likod ko. Sana lagi na lang ganto "Tumatawag si Lester." Aniya ko kay Rich. "Mamaya ko na sya tatawagan pag katapos nitong pinapanuod naten." Sabi nya sabay sigaw naman ito "whaaaaaaaa, punyet* " pag kasabi nito. "Parang hindi babae." pag sita ko rito. sabay "Ohh, tignan mo exson sabi sayo e, malayong malayo ako sa standard nya. Laging bukang bibig parang hindi babae.hmmmmmmmmmmm." Pagsabi nito. "Whaaaaa. tapos uuwi kayong lahat? " Pag tatanong ni Rich. "Babe, may gagawin ako bukas kaya kailangan ko umuwi." Sabi ni jonathan, "May i memeet akong chicks, sama ka? " Sabi ni exson. "Ano gagawin ko dun, papanuorin kayong mag bembangan, or makikisali ako sa thresome. kadiriiiiiiiii!!!" Sabi ni rich kay exson, "Huy, siraulo ka!!, pwede siguro referee ka na lang taga bilang ng ilang rounds." sagot ni exson na tinaasan lang ng Kilay ni Rich, sabay tingin nito sakin naparang nag papacute. "oo na dito na ako matutulog ULIT!!" may diin ang ulit, hindi pa ako nakikita ng nanay ko. Pero sigurado akong matutuwa iyon pag nalaman nyang andito nanaman ako sa bahay ni Rich. "Teka diba may boyfriend ka? sya na lang papuntahin mo dito." pag kasabi ni Jonathan na tinitigan ko ng masama. " Hindi pa yun nakakapunta dito. Baka mamaya anong gawin sakin nun. Mawala pa ang pinagkaka ingat ingatan ko ang virginity ko." Pag sabi ni Rich. "oo alam namin virgin ka manahimik ka na." Sabi ko naman dito. Naiinis ako na pinag sisigawan pa yun bagay na yun. E paano syang hindi magiging virgin wala pa kasi itong nagiging Boyfriend first boyfriend nya si Lester. Paano mag kaka boyfriend sa tuwing may nag plaplanong man ligaw saknya ay tinatakot naming apat. Tinatakot namin na bubugbugin namin. etong si Lester lang talaga ang nakatakas e. Niligpit nanamin ang aming mga kalat, syempre dahil tamad itong si rich inasa na samin ang mga kalat ng aming pinag kainan. Ako ang nag walis si Jonathan ang nag lagay ng mga basura sa sa basurahan, at si exson naman ang nag hugas ng plato. samantalang si Rich ayun naka higa lang sa Sofa at pacellphone cellphone lang.
P.O.V. Rich
Kala ko wala akong makakasama dito sa bahay, malamang kung ako lang mag isa nito kahit gaano pa ako ka ihing ihi ay hindi ako iihi dahil sa nakakatakot na pinanuod namin. PAg ganto pa naman kung ano ano ang pumapasok sa isip ko. Nagpaalam na si Jonathan at Exson, Andito ako kumaway lang nakahiga pa rin sa Sofa. Makaalis ang dalawa at tapos na rinmag linis si Aga. Pumunta ito sa ulunan ko tinaas at pinatong ito sa mga hita nya. "Pagod ako, puyat pa kahapon." Pagkasabi nito sakin. "Maligo ka muna bago matulog, pag hahanda kita ng damit." Oo tama may mga damit sila dito dati kasi madlas silang natutulog dito. sabay hinila nya ako. "Dito ka muna." ako naman "okay sige" nag patuloy mag scroll scroll ng cellphone. "Bat hindi mo sagutin tawag ni Lester." pag tatanong nito. "Hayaan mo muna sya. ayokong sabayan ang galit nya. baka magalit lag din ako at kung ano pa ang masabi ko saknya. maganda na yung irant nya muna lahat ng gusto nyang sabihin." Pagkasabi ko rito. Sa totoo lang litong lito na rin ako sa kung ano ba ang nararamdaman ko kay Lester. Kaya ko lang naman sya sinagot dahil na kakanchawan na ako sa trabaho. Na wala daw akong oras sa pag jojowa. Medyo may pagkatotoo pero ginagawan ko naman ng paraan para maisingit ito sa schedule. Minsan nga e 2x a week kami kung mag dinner. Medyo magastos, Oo magastos kami hindi naman si lester lang ang nagastos hati kami. "So anong deal with Lester." PAg tatanong ni Aga, " i really dont know. medyo na dismaya ako kahapon. Wag na natin pag usapan." Pagkasabi ko rito, "Alam ko na massage mo likod ko please" Pag sabi kay aga. "Okay, medyo pagod din ako saglit lang ha." at nag simula na itong hilutin ang likod ko na napakasakit. "Ahhh, ang sarap." Sabi ko. "Huy, baka isipin nila tinitira kita," Pag kasabi nito sakin. "Ehh ano maggawa ko ang sarap talaga. AHhh." "Ohhh, sya maliligo na ako." Aniya nito. "Wait san ka maliligo" Pagtatanong ko rito. natatakot kasi ako. "Dito, sa may C.R" "Okay bilisan mo ha." patuloy pa rin ako sa pag scroll ng cellphone ko. ng makita ko ang post ni Sofia sa sociall media. WIth my BFF. hala BFF daw sila pero grabe ang tinginan. ang lagkit ng tinginan nila. dahil na iinsecure ako blinock ko n lng sa Social media si Sofia. Napapaisip na talaga ako kung tama ba ang ginawa kong pag sagot kay Lester, bukod sa hindi ko alam ang pagkatao nito. Medyo mahirap pala pag sa dating apps mo lang nakilala ang isang lalake. May takot at pangamba na nangyayari sakin isipan. Takot paano kung hindi talaga sya ang lester na pag papakilala nya. Nangangama kung ano ba talaga ang motibo nito. Oo alam ko masama ang manghusga pero iba na kasi ang nagiging datingan nito.