bc

His Amasona Wife [Tagalog]

book_age0+
46.1K
FOLLOW
281.7K
READ
contract marriage
love after marriage
opposites attract
pregnant
arranged marriage
kickass heroine
CEO
comedy
sweet
bxg
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

Handa si Carson na gawin ang lahat makuha lamang nang buo ang kanyang mana. At nang sabihin ng manipulative niyang lolo na kailangan niyang pakasalan ang babaeng pinili nito bilang kondisyon ay hindi niya inatrasan ang hamon. Umakyat siya ng bundok para makilala ang mapapangasawa niya. Hindi lang siya na-inform na amasona pala ang kanyang future wife. Wala siyang balak na sumuko! Mapapaamo niya ito at dudoble ang kanyang mana. But things seemed to turn the other way around. Lalo na nang makita niya kung gaano kaganda ang pagkatao ni Mary Cris. Ayon lang, nakatikim siya ng headbutt.

chap-preview
Free preview
I.
HIS AMASONA WIFE Written by S. Light CHAPTER ONE GISING na ako kahit hindi pa man sumisikat ang araw. Sanay na ako sa ganoon. Ang kaibahan nga lang, hindi ako nakatulog nang maayos nang nagdaang gabi. Ginugulo ng maraming bagay ang isipan ko. Lalo na at sa araw na ito, magsisimula nang magbago ang buhay ko. “Cris, anak?” Tinatanaw ko ang mga puno at nag-aabang sa pagsikat ng araw mula sa bintana nang pumasok ang Nanay Maricon ko sa kwarto. “Magandang umaga po, `Nay,” nakangiting bati ko. “Nakatulog ka ba nang maayos kagabi?” nakangiti ring tanong niya sa akin. Tipid ang ngiting umiling ako “Bakit hindi ka na lang matulog ulit?” sabi pa niya. “Hindi na rin po ako makakatulog kahit pilitin ko.” “Kinakabahan ka ba sa mangyayari mamaya?” Sinamahan ako ni Nanay sa bintana. “Medyo po.” “Iniisip mo bang huwag tumupad sa kasunduan? Maiintindihan naman namin, anak.” “Wala ho sa isip ko `yon, `Nay,” sabi ko naman at nagbuntong-hininga. “Basta para sa kapakanan ng tribo natin, wala akong balak na umatras sa ano mang kasunduan. Alam n’yo naman pong wala akong ibang hangad kundi ang kabutihan ng tribo natin.” At iyon ang pinanghahawakan ko para huwag magpatalo sa mga bagay na bumabagabag sa akin. Bago sa akin ito. Hindi ko alam kung makakaya ko pero lalo namang ayokong biguin ang tribo namin. “Napakaswerte ko talaga at ikaw ang naging anak ko.” Napangiting hinaplos ni nanay ang buhok ko. “Dahil po talaga `yon sa mabuti n’yong pagpapalaki sa `kin,” napangiti ring sabi ko. “Pwede po bang tulungan ko na lang kayo sa kung ano mang ginagawa n’yo ngayon?” “Sige, kung wala ka nang balak bumalik sa pagtulog, tulungan mo na lang ako habang nagpapagaling pa si Nanang.” Si Nanang ay lola ko. May trangkaso kasi siya noong isang araw pa. Tatatlo na lang kaming magkakasama sa buhay dahil namatay ang lolo ko noong bata pa lang ako at dahil wala akong nakagisnang ama. Ang kwento sa `kin ni Nanay, tagalungsod daw ang tatay ko. Nagkakilala sila noong huling taon ni Nanay sa kolehiyo. To make the long story short, nabuntis si Nanay at hindi siya pinanagutan dahil nalaman niyang pamilyadong tao na pala ang tatay ko. Kung kailan naman abot-kamay na sana niya ang pagiging teacher. Pero hindi hinayaan ni Nanay na tuluyang masira ang kinabukasan niya. Ginawa raw niya akong inspirasyon para bumangon uli. At si Nanang, aminadong dinamdam niya nang husto ang pagkakadapa ni Nanay pero hindi naman siya nagsisisi na ako ang naging bunga n’on. Kumuha si Nanay ng bookkeeping bilang vocational course at siya ang katulong ng apong ko sa pangangasiwa sa malawak na taniman ng mga taga-Bianon hanggang ngayon. Nakaya ni Nanay ang pagiging ama, ina, at guro sa akin. Kaya hindi nakakapagtakang pinangarap ko ring maging teacher at ituloy ang pangarap niyang hindi natupad. Hindi ko na rin binalak na hanapin at makilala ang tatay ko. Ayaw kong makagulo sa pamilya niya at hindi rin naman naging kakulangan sa pagkatao ko ang lumaki nang walang kinikilalang ama. Kasama ko si Nanay at Nanang kaya wala na akong mahihiling pa. “HINDI PO ba magluluto kayo ng adobong manok para sa mga darating na bisita?” tanong ko nang nasa kusina na kami. “Oo nga pala, anak. Okay lang ba kung ikaw na lang ang humuli ng tatlong manok sa kakahuyan? Okay na siguro `yon,” nakangiting sabi naman ni Nanay. “Oo naman, `Nay. `Yon lang pala, eh,” napangising sabi ko. “Matagal na rin simula nang huling mabahiran ng dugo ang mga kamay ko.” “Puro ka kalokohan,” natawang pakli ni Nanay sa akin. “Huwag kang aasta nang ganyan sa harap ng mapapangasawa mo. Matatakot `yon sa`yo.” “`Nay, naman,” nanlaki ang mga matang reklamo ko. Hindi pa naman ako gano’n kahandang harapin ang katotohanan. Bumalik ako sa kwarto ko para kunin sa ilalim ng kama ang pana at mga palaso ko. Proteksiyon ko iyon laban sa mga baboy-ramo na madalas sumira sa mga pananim ng aming tribo. Hindi naman nalalayo sa mga tao sa bayan ang physical features naming kabilang sa tribo ng Bianon. Hindi kami kasama sa mga taong naunang tumira rito sa Pilipinas. `Yong ilan kasi sa mga ninuno namin, mas piniling tumira sa bundok kaysa magpasakop at magpaimpluwensiya sa mga Kastila. Hindi naman sa pagmamayabang pero magaganda at gwapo rin naman kami. Karamihan sa amin, kulay kayumanggi. Nahawa lang ako ng kaunting kaputian kasi sabi ni Nanay, tisoy raw ang tatay ko. Hindi nakapagtatakang naloko siya, `no? Ilang metro lang ang nilakad ko mula sa bahay at bumaba ako sa talon. Pagtatanim ang majority ng source of income namin. Halos lahat ng klase ng gulay ay meron kami. Ang sabi ng nanang ko, ibang-iba raw ang tribo namin noong wala pang isang Don Conrado Florencio na tumutulong sa amin. Ayon sa kwento ng apong ko, ang pinuno ng aming tribo na kapatid ni Nanang, ay nag-emergency landing daw ang helicopter ng don sa kagubatan dahil sa engine trouble. Mahigit tatlumpung taon na yata ang nakararaan. Sugatan daw ito kasama ng piloto nito at ang mga taga-Bianon ang tumulong sa mga ito. Bilang pagganti sa kanilang kabutihang-loob, ginawa ng don ang lahat para iangat ang kabuhayan ng aming tribo. Nagbigay ang don ng mga kagamitan at makina para sa pagsasaka, pinasemento nito ang daan papunta sa bayan at nagbigay ng dalawang truck na magdadala ng mga gulay sa bayan. Dahil din sa don kung bakit naging opisyal na supplier ang aming tribo ng mga gulay sa mga kilalang restaurant at grocery store sa bayan. Ipinagpatayo rin kami ng sariling eskwelahan ng don at ang mga gustong magkolehiyo sa bayan ay binigyan nito ng full scholarship. At siyempre, isa ako sa mga maswerteng nakapag-avail n’on. Tatlong taon na akong nagtuturo sa Bianon. Pribadong maituturing ang eskwelahan pero ginawang scholar ni Don Conrad ang lahat ng mga estudyante kaya wala na ring kailangang bayarang tuition ang mga estudyante. Pangarap kong iangat ang estado ng aming tribo kaya kahit maraming magagandang eskwelahan sa bayan ay dito ko piniling magturo. Hulog ng langit ang tingin ko kay Don Conrad para sa tribo namin. At siya rin ang dahilan kung bakit umpisa sa araw na ito ay magbabago na ang buhay ko. Nagkaroon ng kasunduan noon si Don Conrad at si Apong para patatagin ang ugnayan ng tribo namin at ng pamilya Florencio. Kailangang may isang miyembro ng aming pamilya na magpakasal sa isang miyembro ng pamilya nito. At dahil ako lang naman ang nag-iisang apo ni Apong, ako na nga ang magpapakasal sa nag-iisang apong lalaki ni Don Conrad. `Yon ang rason kung bakit hindi ako nakatulog kagabi. Noong nakaraang taon ko pa nalaman ang bagay na `yon pero hindi ko ganoong sineryoso. At ngayong dumating na ang araw na iyon ay hindi ko alam kung paano iha-handle nang maayos ang sitwasyon. Kapalit ng kasunduang iyon ay ang pangako ng don na lalo pang pagbubutihin ang estado ng aming kabuhayan. Hindi namin mapapantayan ang mga nagawa ni Don Conrad para sa amin. Pumayag si Apong dahil bukod sa dala ng utang-na-loob, matatag ang pagkakaibigan nila ng don. Medyo unfair sa parte ko pero kung tutuusin, wala namang masamang intensiyon ang dalawa nang gawin nila ang kasunduang iyon. Itinuturing kong responsibilidad ang pagpapakasal sa apo ni Don Conrad pero hindi ko nakikita ang sarili ko na nagtitiwala sa lalaking pakakasalan ko. Naibigay ko na ang buong tiwala ko nang minsan akong magmahal pero nasaktan lang ako sa huli. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin sa mga susunod na araw. Kinakabahan ako na ewan. Natatakot ako kapag iniisip ko. Pero sa akin nakasalalay ang karangalan ng aming tribo. Umaasa sa akin ang mga katribo ko. Ang konsolasyon lang sa gagawin kong ito ay pwede naman daw kaming magpa-anull sakaling hindi naging maayos ang pagsasama namin bilang mag-asawa ng apo ni Don Conrad. Hindi ko kailangang pilitin ang sarili kong mahalin ang isang taong hindi ko gusto. INILAGAY ko na ang ginawa kong patibong sa damuhan nang makita ko ang mga manok na abala sa pagtuka ng mga uod sa lupa. Gawa lang iyon sa stick na gawa sa kawayan at pisi. “Hello, mga ulam!” Nataranta ang mga manok. Hinabol ko sila para mapunta sila sa direksiyon ng pinaglagyan ko ng mga patibong. Laking tuwa ko nang makahuli agad ako ng tatlo! Hindi naman sa nagmamayabang pero bata pa lang ako nang matutunan ko ito. Hindi gawain ng tipikal na babae pero ibahin kaming mga taga-Bianon. Isa-isa kong pinadapa ang mga manok sa lupa at ginilitin gamit ang maliit na kutsilyong dala ko. Nabahiran ng dugo ang kamay ko. Gumagalaw-galaw pa ang isang manok nang bitbitin ko na sila pabalik ng bahay. “Pasensiya na, mga manok. Kapalaran n’yo talaga ang maging ulam namin. Mami-miss ko kayo.” “ANG bilis mong makabalik, ah?” nakangiting sabi sa akin ni Nanay nang pumasok ako ng kusina. Kasalukuyan naman siyang nagpapakulo ng tubig para sa paglilinis nitong mga manok na dala ko. “May pakisama po kasi ang mga manok. Suportado raw nila ako sa nalalapit kong kasal,” pabirong sagot ko. “Batang `to. Maglinis ka na ng katawan mo sa talon at hindi ka dapat mukhang madungis kapag nakaharap mo na ang apo ni Don Conrad.” “Nay, alam mo namang hindi ako nagpapaganda kahit na kanino. Kahit siya pa ang lalaking pakakasalan ko. Saka may kailangan pa siyang patunayan para matuloy ang kasal naming dalawa. Marami pang pwedeng mangyari sa loob ng tatlong araw,” I answer matter-of-factly. “Sabagay, kahit nga noong kayo pa ni Ruden ay simple ka lang palagi kung mag-ayos.” Napawi ang mga ngiti ko nang marinig ko ang pangalang iyon. Si Ruden ang unang lalaking pinagkatiwalaan ko. Siya ang first boyfriend ko at magkababata rin kami. Unang taon na namin noon sa kolehiyo nang ligawan niya ako. Ang akala ko, hindi ako nagkulang sa kanya. Tumagal nga ng apat na taon ang relasyon naming dalawa. Pero nalaman ko na habang nag-aaral pa kami sa lungsod ay hindi lang naman pala ako ang girlfriend ng gagong iyon. Nalaman ko mula sa mga kaklase ni Ruden na merong babaeng nagpupunta sa boarding house niya kapag hindi kami magkasama. Sumama lang ang loob ko nang komprontahin ko siya kasi hindi talaga siya umamin. Sinorpresa ko siya sa boarding house niya at dalawang mata ko na mismo ang naging saksi nang makita ko sila ng babae niyang nagkakandungan. Nang araw ding `yon mismo ay nakipaghiwalay ako sa kanya. Ang loko, nakuha pang magmakaawa sa akin. No’ng nagmakaawa ba `ko na magsabi na siya ng totoo sa akin, pinakinggan ba niya `ko? Kung naging manok lang siya, baka nagilitan ko na rin siya ng leeg noong mga panahong iyon. Masyadong masakit ang ginawa niya sa akin. Parang `yong pangloloko lang ng tatay ko sa nanay ko. Sumugal nga ako at nagtiwala, pero natalo lang din ako sa huli. Nasayang lang ang pagmamahal namin ni Nanay para sa kanila. “Okay ka lang, anak?” alalang untag naman sa akin ni Nanay. “Opo naman, Nay. Sige po, maghahanda lang ako.” Iniwan ko na muna si Nanay at pumasok sa kwarto ko. WALANG tao sa talon nang bumalik ako. Tamang-tama dahil makakaligo ako nang walang istorbo. Hindi naman kasi pinaglalabhan itong talon dahil merong poso at gripo sa bawat bahay. Hindi na kailangang magdusa ng mga isda sa kemikal na dala ng sabon at bleach. At hindi ko na rin kailangang mailang sa suot ko. Puti at manipis na panloob na umabot lang sa kalahati ng aking hita. Nang mabasa iyon dahil sa paglangoy ko ay bumakat iyon sa hubog ng aking katawan. Payat ako at hindi biniyayaan ng malaking dibdib at malaking balakang. Kumbaga sa softdrinks, sakto lang. Kaya siguro hindi nakontento sa akin si Ruden noon. Gusto niya ng babaeng agresibo at mala-FHM ang katawan. Bukod sa magaling akong magpana, magaling din akong lumangoy. Kaya ko ring tumagal sa ilalim ng tubig. Hindi na nagkaasawa at nagkaanak si Apong kaya ang lahat ng kakayahan niya ay ako ang nagmana. Wala ni isa sa mga kababata ko noon ang gustong makipagkompetensiya sa akin. Overqualified daw ako. Kaya kapag merong paligsahan, hindi na lang ako sumasali para pagbigyan sila. Pabalik-balik kong nilangoy ang paligid ng talon. Kahit saang anggulong tingnan ay napakaganda nitong pagmasdan. Naging simbolo ang talon na sa kabila ng pagiging talamak ng industriya ng pagmimina ay nananatiling buo ang kagubatan na nagsisilbing tirahan namin. Sa abot ng aming makakaya at sa tulong ng pamilya Florencio ay hindi namin hahayaang pagsamantalahan ito ng mga gahamang minero. Sumisid ako at tumagal sa ilalim ng tubig. Gawain ko ito kapag gusto kong magpatay ng oras. Inisa-isa ko ang mga batong nakita ko at dinampot ang isang batong may kakaibang hitsura at hugis puso. Saka ko iniangat ang aking katawan sa ibabaw ng tubig. Para akong naestatwa nang makita ko ang isang lalaki na nakatuntong sa bato. O, hindi. Umiihi siya sa tubig! Nagkagulatan kaming dalawa at parehong napasigaw.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.7K
bc

Married At Eighteen ( R18+ )

read
760.8K
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.3K
bc

Mister Billionaire's Secret Wife [Tagalog/Filipino]

read
5.1M
bc

Billionaire's Twins

read
263.8K
bc

Dangerously Mine (Tagalog/Filipino)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook