"Who would know Elle? I mean, you were just a simple girl noon. Look at you now, sino ang mag-aakalang ikaw na pala ang babaeng kinahuhumalingan ni Zacheo ngayon!"
Binalingan ko si Kio na nasa tabi ko at nakahiga sa inihanda kong manipis na tela, na para sana ay hihigaan ko. Malapad ang mga ngisi niya habang ang mga mata niya naman ay nakatingin sa napakalawak na karagatan.
I rolled my eyes. "Whatever!," Nakabusangot kong utas at ibinalik ang tingin sa dagat.
He chuckles in disbelief. Hindi parin maalis sa labi niya ang ngiti niya. Kulang nalang ay punitin ko iyon.
"I heard patay na patay ka kay Lucas..."
Nang marinig ko ang pangalan ni Lucas, my heart beats so fast. Tila nagkakarera ang mga dugo ko patungo sa puso ko.
"Ang weird no, dati hindi ka naman interesado sa kanya. Ngayon, halos ibigay mo na ang kaluluwa mo sa kanya, wag ka lang niyang iwanan," aniya atsaka nagsuot ng shades niya nang mapansing tumataas na ang sikat ng araw.
"You know what? Pakialamero ka parin! Kaya ka siguro ipinagpalit ni Hailey kay Ivan noon," i sarcastically said.
Nahagilap ko naman ang pagtaas ng sulok ng labi niya na ikinangisi ko.
Oh ano ka ngayon? Iniinis mo'ko tapos kapag ikaw naman ang napikon hindi maipinta iyang pagmumukha mo!, Aniya ko sa isipan ko.
Hindi pa pala talaga siya nagbabago. His mouth was always full, hindi iyon nauubusan ng masasabi. And it creeps me out into my senses.
"Ouch!," Umakto pa siyang nasasaktan at hinawakan ang parte ng dibdib niya kung nasaan ang puso niya.
Inirapan ko uli siya at tinabihan ko siya sa paghiga dahil nangangalalay na ang mga binti ko.
"Speaking of Hailey, hindi yata siya nauubusan ng lalaki. Kakabreak lang nila ni Ethan, si Craig naman ang hinahabol niya."
Napatigil ako nang marinig ko ang pangalang Craig. Is it Craig Lunox?
"Sinong Craig?," I curiously ask.
"May iba pa bang craig na naaayon sa taste ni Hailey? Syempre wala. The one and only Craig Lunox, babe," giit niya naman sakin habang natatawa.
My jaw almost dropped. Napanganga ako sa narinig mula sa kanya. Craig Lunox is my one and only best friend. A 28 year old actor, fashion model and a business man, who is the heir of the one and only business tycoon Charles Lunox. Nagkakakilala kami noong graduation ko sa college. Nasa rooftop ako ng building nila, noong magkakilala kami. Naghe-hysterical ako noong mga panahong iyon, dahil nalaman kong sinagot na ni Vivien si Lucas sa panliligaw nito. Bukod sa nasaksihan niya lahat, pati ang mga kahihiyan ko. He never failed to make me happy that day. He gave me advices kung paano magmove-on at kung paano ko emo-motivate ang sarili ko na magpatuloy kahit nahihirapan na ako.
As usual, hindi ako nakinig sa mga advice niya. I went through the opposite way dahil hindi ako iyong tipo na nagpaparaya lang. Charlotte is Charlotte, walang makakapagpapabago nun.
Simula noong araw na yun, naging magkaibigan na kami. Malimit nga lang kaming magkita dahil noon pa man ay siya na ang nagha-handle ng kompanya nila, simula rin noong nagkasakit ang ama niya.
I never mentioned him to anyone. Siya na mismo ang nagrequest nun sakin dahil gusto niyang pangalagaan ang private life niya. Kahit kina Hailey at Vivien, wala silang alam ukol kay Craig.
Kaya naman nang marinig kong banggitin siya ni Kio ay kinabahan ako.
"B-bakit naman siya hahabulin ni Hailey?"
"It's because his perfect. Lahat naman yata ng babae, hinahabol si Craig. Ewan ko lang babe, baka kapag nakita mo siya, habulin mo rin siya," aniya na tila ay nanunuya.
Nagsitindigan naman ang balahibo ko sa katawan. Hindi dahil tinawag niya akong babe, kundi dahil sa sinabi niya. Seriously? Ako? Maghahabol kay Craig? Yeah, he's that perfect, but I don't see him as that. We treated each other like brother and sister, and hell! No more than that!
Kahit gaano pa kami ka close ay hindi ko itinatak sa isipan kong papatulan ko siya. He's attractive and very charming to me, pero kahit kailan ay hindi ko siya nagustuhan at hinding-hindi ko siya magugustuhan.
In friendship, dapat talaga ay may boundary na nakalaan sa gitna niyong dalawa. Ang boundary na iyon ang magsasabi kung hanggang saan lang ang turingan ng dalawang tao. So, I was and Craig. Ganoon kami. We know our limits and we don't climb the walls in between us. I think, that was the meaning of friendship for us.
"Suck you people! Lahat nalang kayo sinasabing perfect siya. In fact, hindi naman," utas ko habang nakabusangot nang maalala ko na naman si Craig.
Dahil sa pagiging busy niya, kinalimutan niya na ako. Wala naman yata siyang pakialam sa akin. Hindi ko na siya maabot gaya noong dati.
Lukarit! Nag-offer siya sayo na gagawin ka niyang modelo para makabangon ka pero tinanggihan mo lang!, pakikipagtalo ng konsensya ko sakin.
Humugot naman ako ng malalim na hininga at ipinukol uli ang tingin ko sa karagatan. Mali ba ako dahil hindi ko tinanggap ang offer niya? Blessings na sana iyon pero pinakawalan ko pa at ibinigay sa iba.
Napapitlag ako ng pitikin ni Kio ang noo ko kaya tiningnan ko naman siya ng masama. "What's your problem, idiot?," Manginis-nginis kong singhal sa kanya.
"Ang lalim ng iniisip mo ah, si Zacheo ba ang laman nyan?!"
Inirapan ko siya. "Seriously? Si Zacheo talaga? Kapal ah! If I would be thinking someone, that would be Lucas," pinandilatan ko siya bago ko siya irapang muli.
Tama. Kung may iisipin man ako hindi iyon si Zacheo. Si Lucas lang ang dapat na iisipin ko at hindi ang lintik na kidnapper na yun.
"Come on babe. Umamin ka na, si Zacheo right?"
"Hindi nga!"
"Umamin ka na kasi. Promise, I won't tell Zacheo. Sa atin lang to."
Pinagtaasan ko naman siya ng kilay. Ayaw niya talagang maniwala.
"Sabi ng hindi eh! Si Lucas sabi-"
Naputol ko ang sasabihin ko nang magsalita si Zacheo sa likuran namin. Gising na pala siya.
"Pwede ba, ang iingay niyo!," Naiinis na saway niya samin ni Kio.
Kakalabas niya lang mula sa cabin at patungo na siya sa direksyon namin ni Kio dito sa casting deck. May bitbit siyang maliit na boteng kulay green, na sa tingin ko naman ay wine, dahil may bitbit rin siyang kopita na inilatag niya sa gitna namin ni Kio.
Napansin ko ang pamumula ng mga mata niya, senyales na kakagising niya lang mula sa napakasarap niyang tulog.
"Kio! Magmaneho ka na. It's already 2pm, kailangan nating makarating roon nang hindi pa nagdidilim..." mapakla niyang utos na sinunod naman ni Kio.
Dalawang oras nalang ang kailangan naming lakbayin para makarating sa destinasyon namin. Huminto lang kami kanina dahil magpapahinga muna raw kami. So ayun nga, habang nag-uusap kami ni Kio, si Zacheo naman ay natutulog.
"Ano ang pinag-uusapan niyo?," aniya habang dahan-dahang humiga sa kanina ay pwesto ni Kio.
"Wala. Mga bagay na hindi naman importante," tipid kong sagot na hindi narin naman niya dinugtungan pa.
"Bakit hindi ka sumunod?," Tanong niya habang nakapikit ang mga mata niya at ang dalawang kamay niya ay nasa likod ng ulo niya na ginawa niyang unan.
"Saan?"
"Sa cabin..."
"Kailangan ba?," tanong ko sa kanya.
He chuckles in annoyance dahil sa tanong ko. Naramdaman ko naman ang masama niyang awra para sakin.
Na-offend ko yata siya. Inilihis ko nalang ang tingin ko sa kanya. Instead, kinuha ko ang kopita at nilagyan ko iyon ng-sujo?
My forehead knot and then my gaze landed on him. Our eyes met. Binigyan ko naman siya ng nagtatanong na titig?
"Bakit? Masarap naman yan ah. Paborito ko yan," aniya at tila ba'y alam niya ang ibig kong sabihin.
"Masarap nga, pero wine glass talaga? Akala ko talaga wine itong dala mo eh," naiinis man ay naglagay parin ako ng sujo sa kopita ko at iniumang iyon sa bibig ko bago ko lunukin.
"Hindi kasi dinala ni Kio ang mga glencairn glass at shotglass niya. Sabi niya mamahalin raw ang mga iyon at sentro lang ng babasagin ng mga tropa niya kapag nalalasing. Kaya yan nalang ang kinuha ko sa galley," paliwanag niya na ikinatango ko nalang.
ALAS singko na nang makarating kami sa Vienvida-Cy Beach resort na pag-aari ng pinsan ni Zacheo.
Inalalayan naman ako ni Pierre, ang pinsan niya sa pagbaba ko sa yate. May kasama itong babae na kasing tangkad ko lang. Nakasimangot ito at tila'y naiinis sa presensya ni Pierre.
Napahinga naman ako ng maluwag nang maramdaman ang paa ko na nababasa ng tubig alat. Mabilis kong tinanggal ang buhok ko sa pagkakatali at hinayaan itong tangayin ng hangin. Sa likod ko, ay naroroon si Zacheo na nakasunod habang bitbit ang mga gamit namin.
Sinilip ko naman si Kio na kakalabas rin lang sa cockpit ng yate at ngayon ay nakahubad na ng tshirt. Napalunok ako nang bumaba ang tingin ko sa nakabalandra niyang 6 packs abs. Juice colored! Parang kay Lucas lang!
"Talaga Seline? Nasa abs talaga ni Kio ang buong atensyon mo?," Napukaw naman ang atensyon ko nang tanungin iyon ni Pierre sa babaeng katabi niya.
So, she must be Seline. She's pretty. The aura seems darker, but I can't hide the fact that she holds a beauty queen face.
"Magsabi ka naman kung iyan lang ang gusto mo sa lalaki. Meron naman akong ganyan, na hinding-hindi mo pagsasawahang haplusin araw-araw," dagdag niya atsaka naghubad narin ng tshirt upang ipakita kay Seline.
"Tigil-tigilan mo nga ako Pierre, nakakahiya ka!" Nagpapadyak itong iniwan kami, na siya namang ikinasunod ni Pierre sa kanya.
Sinundan ko nalang sila ng tingin. Nakasunod lang si Pierre kay Seline at tila ay sinusuyo ito habang papasok sila sa mini hotel ng resort. I knew it! He is into her. May gusto siya sa babaeng iyon.
"I saw it!" Bulong ni Zacheo nang makalapit siya sakin.
I felt his words rushing down through my system. Nanuot iyon sa kasuloksulokan ng isip ko na nakakapagbigay ng kaunting kiliti sa akin.
"A-ang alin?"
"Your eyes. Into his abs. I'll gonna cut that f*****g rope from your eyes into his devilish body..." Aniya at umaktong gunting ang dalawang daliri niya at may kung anong ipinutol sa hangin.
"Already cutted. Now, follow me, and don't you ever look at him again!"
Humakbang siya paalis sa tabi ko. Nagmistula naman akong nahipnotismo sa sinabi niya. Kaya ang ginawa ko ay sinundan ko siya.
Pumasok kami sa mini hotel ng resort. Doon sa pinasukan nina Pierre at Seline kanina lang. Dumiretso kami sa information desk nang tuluyan na kaming makapasok sa loob. May kinuha lang si Zacheo sa bulsa niya at ibinigay iyon sa babae. It was a VIP card na sa tingin ko ay ibinigay sa kanya ni Pierre kanina.
Iniabot naman ng babae ang card at may kung anong e chineck sa monitor bago uli kami balingan ng tingin.
"Room 075 po sir, enjoy your stay-in here. Thank you!"
Nahagilap ko naman ang pagpapacute niya kay Zacheo bago niya ilahad ang susi na ikina-inis ko. I raised my left brow bago ko hinablot ang susi sa kamay niya at saka hinila si Zacheo sa braso bago ko irapan ang babae. Ang lagkit yata ng titig niya kay Zacheo. It's okay to have feelings for him, pero kailangan ba talagang maging obvious? This woman is unbelievable. Kung inakala niyang papatulan siya ni Zacheo, pwes nagkakamali iyang higad mong pag-iisip. Maglaway ka!
"What's with that face of yours?" Bumalik ang tingin ko kay Zacheo na ngayon ay papasok na sa magiging kwarto namin. Napansin niya yata ang kinikilos ko dahil panay ang sulyap ko sa babae kanina.
"Nothing..." I replied. Pagod ako. It must be the reason kung bakit nakabusangot ako. Sometimes tiredness can fade smiles away.
"Er-sure?" Tanong niya pa ulit pagka-lagay niya ng mga gamit namin sa kama. Alam ko namang hindi siya naniniwala sa akin eh. Sa itsura ko ba naman ngayon, kahit yata si Lucifer, may hint kung bakit naging bugnutin ako ngayon.
"I'm tired Zeo. Leave me alone!" I replied irritatedly.
Hindi ko na siya narinig na nagsalita pa bagkus ay tinungo niya na ang bathroom para siguro ay maligo. Tumamlay naman ang mga balikat ko kaya nahiga nalang ako sa kama. Is it really you Charlotte? O baka naman nagiging si Elle ka na? No! You shouldn't be!