"Ano ba Lucas?! What's wrong with you!"
Inis na inis ko siyang sinundan matapos ang tagpo kanina sa silid nina Sabrina at Zeo. Nandito kami ngayon sa kwarto niya. I will follow him wherever he go not until he'll talk to me. Kahit na ipagtabuyan niya pa ako.
"May ginawa ba akong mali?"
Humarap siya sakin ng matalim saka niluwagan ang neck tie niya. Galing pa siya sa trabaho niya at alam kong busyng busy na sya ngayon. Kung kasama niya lang ako ngayon sa trabaho niya may mag-aalaga sana sa kanya ngayon.
I resigned in his company. I was his former secretary at dahil sa issue namin noun. His mother insisted to fire me dahil malas daw sa negosyo iyon. The hell I care?
Kung talagang babagsak ang isang negosyo dahil sa kapabayaan nila, hindi na namin iyon kasalanan ni Lucas. Their actions should be blame kung may mangyari man na ganon. Bakit nila isisisi iyon sa taong nanahimik lang, unless kumukupit kami sa kompanya nila. Very wrong!
"Alam mo, sawang-sawa na ako sa ugali mo!" Malakas ang sigaw niya sakin habang nakapamewang siya.
Nagulat ako sa sinabi niya. Sawa na siya sakin? Nag-isip ba siya?Ginagawa ko tong lahat para sa kabutihan naming dalawa! Ang lakas ng loob niyang magreklamo!
"Ikaw pa tong may ganang mag sawa?" I shouted.
Tinulungan ko siya sa mga panahong niloko siya ni Vivien, at ngayong ako naman ang nangangailangan, ay panay reklamo siya?
Hindi ko na namalayan ang pagtaas ng boses ko. Na kahit sa unang palapag ng bahay ay maririnig na.
Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. Sa titig niya ay tiyak pinandidirihan niya ako. Hindi ko alam pero parang kinabahan ako. Galit na galit sya sakin. Sa anong dahilan?
Dahil ba sa pag-iinarte ko kanina? Tss. Tama naman ako. Instinct niya na dapat ang dalhan rin ako dahil nobya niya ako.
"Sawa na ako dyan sa kaartehan mo! Na ni kahit sino ayaw kang pakisamahan!"
I chuckled.
Ano bang pakialam ko sa opinyon ng iba? Buhay ko to at ni kahit na piso wala silang naiambag sa akin.
"Yan lang ang dahilan mo? Ang babaw mo naman! I don't even felt the love you'd gave to Vivien." I cried.
Masakit pala. Kahit alam mong hindi ka mahal ng taong mahal mo, pinipilit mo parin ang sarili mo sa taong may ibang gusto.
"Lucas she's dead! Mag move on ka na! Patay na sya!"
"Shut up Charlotte she's not dead. Buhay pa sya."
"Huwag ka na ngang mag bulag bulagan Lucas. Alam nating lahat, na hindi na siya babalik pa. Pinapahirapan mo lang ang sarili mo!"
After I uttered those words, i suddenly felt my head aching. Hinawakan niya ang buhok ko ng mahigpit. He's trying to hurt me again.
"Kapag narinig ko pa yan sa bibig mo, mapapatay kita!" Aniya.
Natakot ako. Kahit paulit-ulit niya akong sinasaktan, iniinda ko nalang ang lahat. I loved him to the point na kahit masakit na, nanatili parin ako sa kanya.
"I'm sorry Lucas, please,..get off me!" Nagmamakaawa ako sa kanya. Ganon parin ang reaksyon niya. Galit na galit na nakatitig sa akin.
"Don't piss me off Charlotte! You know, na pinagtiisan lang kita!...Alam mo?"
Unti-unting humina ang hawak niya sa buhok ko. He faced my face towards him.
"Sising-sisi ako na naniwala ako sa mga paninira mo kay Vivien noon! Siguro nga, na enjoy lang akong kasama ka..no..I enjoyed you para lang sa s*xual urge ko!"
Doon nagsipatakan ang mga luha ko. Tama nga si Hailey, Lucas just want my body to f*ck kapag bored siya. He didn't love me at all. Ako lang talaga tong nagbubulag-bulagan. Mahal ko siya eh. Anong magagawa ko kundi magtiis sa kanya.
I wiped my tears away. Tumayo ako ng maayos sa harapan niya saka tinanggal ang kamay niya sa buhok ko.
"Kaya ba magpapakasal kana sa iba?" I can't stop my tears from falling. Para iyong unos na walang tigil sa pagbuhos. Bumibigat ng husto ang pakiramdam ko. I don't like this feelings. Parang sumakit ang puso ko.
"Saan mo nalaman iyan?"He asked in a cold baritone voice.
Yumuko ako saka pinigilan ang hikbi ko. I bit my lower lips to stop myself from sobbing. Oh God!, I can't take it anymore. Ano pa bang dapat kong gawin? Wala na yata akong mukhang maihaharap sa kanya dahil sa tinding kahihiyan.
"Sagutin mo nalang ako!" Sigaw ko sa kanya.
Pumatak muli ang mga luha ko. Hindi na yata ito titigil.
"Totoo ba Lucas, you'll marry another girl?"
Unti-unting nababasag ang boses ko. Kahit alam kong oo ang isasagot niya, umaasa parin talaga akong magbabago iyon.
Hindi siya umiimik. Silence means yes!
"Bakit Lucas? Sa tagal na ng relasyon natin hindi ka nagbalak na pakasalan ako? At ngayon maririnig ko in just a nap, then boom! You're going to get married! Wow!" I fakely smile at him.
He stared at me. Tinging alam kong pagsisihan kong nakilala ko pa sya.
"I don't loved you. I will marry another girl to fulfill my needs!"
"But I fulfill your needs Lucas!"
"Attracted lang ako sayo Charlotte but I can't live my life seeing you as the mother of my children!" He said.
Napa-awang ang bibig ko. Ang sakit. Ngayon alam ko na kung ano ang feeling na itakwil ka ng taong mahal mo. Naalala ko si Vivien. Ganito ang nangyari sa kanya. Masakit nga pala talaga, but in her case siguro mas masakit ang naranasan niya dahil binuntis siya at iniwanan ni Lucas.
"Ginamit mo na ako at lahat-lahat. Hindi pa ba sapat? Ano pa bang kulang ko? Maganda naman ako. Ano pa bang dapat kong gawin huwag mo lang akong saktan ng ganito!" I cried heavily. Mahal na mahal ko siya. Akala ko natutunan niya na akong mahalin. Hanggang ngayon pala si Vivien parin ang mahal niya! I don't deserve this!
"Umalis kana sa buhay ko! Hindi na kita kailangan as much as hindi mo narin ako kailangan!"
"Hindi ako susuko! Sasamahan kita sa ayaw at sa gusto mo! Even itakwil mo ako ng paulit-ulit. Hinding-hindi ako aalis sa tabi mo! I'll fight for what's mine, at ikaw yun!"
Pinunasan ko ang mga luha sa mga mata ko. Hindi tumitigil ang pagpatak nun. Senyales iyon nang masakit na pagbitaw na iginawad niya sa akin. Martyr na kung martyr. Si Lucas ay akin. Hinding-hindi ko siya susukuan kahit na itakwil niya ako nang paulit-ulit.
Mabigat ang loob kong umalis sa room niya. Pagkalabas ko nadatnan ko ang mga maids na nag bubulungan at tumitingin sakin. Hindi ko na sila pinag-abalahang pansinin pa at dumiretso na sa guest room kung saan ang pansamantala kong kwarto. Magpapalamig muna ako. I want to be alone.
"Nakapagplano na po akong mag pa ultrasound this coming wednesday." Utas ni Vivien nang tanungin siya ni Tita Bella tungkol sa ultrasound ng baby nila ni Zacheo.
"That's good hija. I can't wait to see our apo." Masayang tugon ni Don Crisanto.
Nasa kusina kami ngayon kumakain. Hindi na rin ako umimik pa dahil sa nangyari kanina sa loob ng kwarto ni Lucas. Hindi parin talaga ako okay lalo pa't nasaktan ako sa mga sinabi niya.
"Nga pala Zeo, kailan ang uwi ninyo? Mukhang ang isang linggo ay magiging two weeks na." Pag-iiba ng usapan ng Don.
Zeo chuckle. Na tingin pa siya kay Vivien at tumawa.
Anong nakakatawa? Ang saya niya ah, dahil kahit sampid lang siya sa pamamahay na ito ay tanggap parin siya ng mommy ni Lucas. Ang swerte ng anak sa labas.
"We're staying here muna for good. I want to see something beautiful scenery here. It's been a while since namalagi ako dito. I missed this place so much." Paliwanag niya.
Pasimple kong sinulyapan si Sabrina na kamukha ni Vivien. Nakita ko ang pagngisi niya.
"Lucas,,, how about Chelsea. Next month na namin e fi-fix ang engagement party ninyo. Be prepare for that!"
Natigil ako bigla sa pagkain.
Ayan na! Pag-uusapan na nila ang kasal ni Lucas.
Napansin ko ang reaksyon nina Sabrina at Zacheo. Parang nagulat yata sila. Ang akala ko ay nalaman na nila dahil magkasama naman sila palagi ng parents ni Lucas. Hindi lang naman pala ako ang behind sa lahat.
Kinuyom ko ang kamao ko nang masulyapan ko si Lucas na ngumiti lang at hindi nagrereklamo.
Sa tingin ko talaga ay gusto niya rin ang plano ng parents niya. Ganon niya na ba talaga gustong humiwalay sakin? Kasi ako hindi ko talaga kayang ibigay siya sa iba.
"Ba't naman agaran dad?" Natingin ako kay Zeo ng tanungin niya iyon sa ama niya.
"Well, mayaman ang mga Buenaventura. Not bad for the partnership of the company. In case of bankruptcy matutulungan nila tayo."
"But dad, hindi pwede!" Napatayo na si Zeo. Hindi ko alam kung bakit tutol siya sa desisyon ni Don Crisanto. Pero nakapagbigay iyon sa akin ng pag-asa.
Pag-asa na baka magbago rin ang desisyon ng parents nila at itigil na muna ang plano nilang pagtali kay Lucas sa iba.
Sabrina held his hand. Pinakalma niya ang asawa. Hindi lang yata ako ang nate-tense dito at pati narin si Zacheo.
"Umupo ka nga!"
Sumunod naman siya sa iniutos ng asawa niya at umupo na.
"May problema ba dun Zeo?"
"Wala naman dad. It's just masyado pang bata si Lucas. Look at him, para namang labag sa kalooban niya."
Napatingin ako kay Lucas. Nagbabakasakaling totoo ang mga sinabi ni Zacheo. Mataman lang itong kumakain habang hindi nagpapakita ng kung anong reaksyon sa mukha niya.
Come on Lucas! Bakit hindi ka tumutol?
"Napag-usapan na namin ito. Lucas will marry Chelsea." Pinal nitong wika na ikina-iling ko.
Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Zeo at nakita ko rin ang pagkalito ni Sabrina.
"Besides Chelsea is a beautiful girl. Galing siya sa magandang angkan. Lucas deserve a girl like her...."
Beautiful? Nasaan ba siya at nang makita ko kung maganda nga ba talaga ang magiging fiance ni Lucas? Deserve a girl like her? Bakit? Ano bang meron ako na hindi pwede kay Lucas?
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. I stood up sa gitna nang pag-uusap nila. Nagbabadya na naman ang mga luha sa mata ko. Binalingan ko si Lucas na hindi ako magawang tingnan. I turned my back to them. Walang silbi!
"Ahhhh!" I shouted. Ang sakit. Lahat sila ayaw sakin. They even planning to engage Lucas to a girl whom I don't really know. Karma na ba to sa pang aagaw ko ng boyfriend ni Vivien?
I wipe my tears at kahit paulit-ulit ko ng pinupunasan ang luha ko kusa parin itong pumapatak.
Alam kong mahirap lang ako, hindi ako kagaya nang ibang babae dyan na lahat ng gusto ay nakukuha. May kung anong tumusok sa dibdib ko. Bumibigat na naman ang pakiramdam ko. Nawawalan na ako ng control sa lahat. Akala ko tagumpay na ang plano ko noon pero nagkakamali ako. Mas lalo lang lumala.
Maingay at magulo ang pinasok ko ngayon. Pumunta ako sa bar counter para umorder ng maiinom ko. Bago ko pa tunggain ang alak na nasa harap ko tinitigan ko munang mabuti ang buong lugar. A great place I'd rather live. MTD bar. Heto ako ngayon ulit. Magpapakalasing na naman.
Magpapakasaya at umiwas muna sa mga problemang nagdulot sa akin ng kirot at sakit.
Maka-ilang shot na ang nainom ko kaya, tinatamaan narin ako. Napatingin ako sa harapan ko . Umiikot na ang paningin ko.
Ang kanina'y nag-iisang bartender ay naging dalawa sa paningin ko. Ganon ako kalasing.
Tumayo ako. Naisipan kong sa hotel na muna ako tutuloy ngayon. I want to refresh my mind from not seeing everyone in that godd*mn mansion!
Agad kong inilabas ang platinum card ni Lucas mula sa wallet ko. The last time, he lend it on me ay hindi ko narin naibalik. Hindi niya rin naman kinuha sakin kaya iniisip ko nalang na may gold card pa siya. Sa yaman niya ba naman, hindi na nakakapagtaka kung marami siyang credit cards na hawak.
As I walk along the pathway. Nabangga ako sa isang matigas na bagay dahilan ng pagkahilo ko at pagkahiga. Ang akala ko nga ay semento iyon dahil sa sobrang tigas. Hindi na kaya ng katawan kong tumayo pa kaya hinayaan ko na lang ang katawan kong mahimlay sa malamig na sahig ng hotel. Pumikit ako sa sobrang pagod ng katawan ko.
Gusto ko ng matulog. Ang sama ng gabing ito sa akin....