Namulat ako ng mapansin kong may humahaplos sa pisngi ko. Agad akong kinilabutan. May tama parin ako ng alak kaya hindi maayos ang paningin ko. Inilibot ko ang tingin sa paligid. Sa tingin ko ay gabi pa kasi madilim ang kwartong kinalalagyan ko ngayon. Tanging ang dalawang lampshade lang ng kama ang nakikita kong nakabukas.
Nagulat ako ng mapansin ko uli na ang kaninang humahaplos sa pisngi ko ay dumagan na sakin.
"Sino ka?!" Sinubukan kong aninagin siya ngunit dahil sa madilim ang silid ay hindi ako nagtagumpay.
Pamilyar ang kanyang tikas, ngunit hindi ko lang maalala kung saan at kailan ko siya nakita.
"Ang sabi ko, sino ka!?" Galit kong tanong sa kanya. May kabang namutawi sa aking isipan.
Pinilit kong tumayo pero pinigilan niya ako.
Sino ba siya?! A rapist?
"Shhh, relax baby." Nagulat ako nang sabihin niya sa akin iyon.
Nanindig lahat ng balahibo ko. Sino ba tong lalaking to? Bakit tinatawag niya akong baby.
Kinilabutan ako sa sinabi niya. Napasinghap ako nang maamoy ko ang mabango niyang hininga.
"Im going home!" Tatayo uli sana ako ng itulak niya ako pahiga.
Lumakas bigla ang kaba ko sa dibdib. Ano ba ang nangyayari? Bakit ako nandito? Hindi ko matandaan kung ano ang nangyari sakin matapos kong pumasok sa isang hotel. Nakakatakot na. Paano kung may gawin siyang hindi maganda sakin?
"Please, get off me! Uuwi na ako!"
"No, you're not!" Napasinghap ako. His voice seems so familiar to me. I heard it somewhere. Iyon bang boses na sa tingin ko ay nagpabalik-balik sa sistema ko. Sino ba itong estrangherong 'to? At bakit ko siya kasama?
Sinubukan ko siyang itulak pero ayaw makisama ng katawan ko. He even hold my wrists at isinandal iyon sa unan na hinihigaan ko.
Doon ay mas lalong lumakas ang pag pintig ng puso ko. Para iyong sasabog sa kaloob-looban ko.
Juice colored! Wag niya naman sana akong gahasain.
"Ano ba! What are you doing?!" Naiiyak na ako. Baka rapist ito.
May makakarinig naman yata kung sisigaw ako, hindi ba? Tama! Iyon ang gagawin ko.
"We're just having fun here Charlotte. Don't make any noise. Is that how you welcome me?!"
Nagulat ako. Mula sa pagpigil nang mga luhang nagbabadya sa mga mata ko, ay parang bumalik iyon sa pinanggalingan nito. Namilog ang mga mata ko.
Ang kapal ng mukha niyang gawin sa akin ito. Hindi niya ba ako kilala? Girlfriend ako ni Lucas.
"You know me?" Tanong ko na nagulat parin.
Narinig ko ang mahina niyang paghagikhik. Animo'y may nakakatawa sa tinanong ko. Bal*w ba sya? F*ck! Paano kung bal*w nga siya?
"Of course baby..I know you!"
"You're cr*zy!" I shouted.
Ngunit bakit tila ang tamis nang pagkakabigkas niya ng baby sa harapan ko? Bakit ay may kaunting parte sa puso ko ang nakiliti nun?
Yes. Maganda ang boses niya. It's very manly. Ngunit paano naman kung maganda nga ang boses niya pero ang pangit naman ng itsura niya.
Nagpumiglas agad ako ng maisipan iyon. Gusto kong makawala sa kamay ng taong ito. Paniguradong sasaktan niya ako o kaya'y gahasain ako. Isa sa dalawa ang choices niya. Maaari ring dalawa sa choices niya ang gagawin niya sa akin.
"Cr*zy inlove with you!"
Takas yata ang isang ito sa mental hospital.
"Tulong! Can somebody help me!"
Malakas ang pagkakasigaw ko pero tinawanan niya lang ako. Hindi ba siya natatakot na makulong? Sa tingin niya yata ay hindi siya makukulong sa ginawa niya.
"It's a soundproof room Charlotte. No one will hear you!"
Mangiyak-ngiyak akong sumisigaw ngayon. Sinubukan ko uli pumiglas pero dahil sa lakas niya ay hindi ko siya natinag. Hindi ako susuko, matatakasan ko rin ang bal*w nato!
"Sino nag-utos sayo na kidnapin ako?"
"Hindi naman to kidnap. It's a thing called, getting-to-know-each-other."
I remember Hailey. Siya lang naman ang may galit sakin ng sobra. She even spell magic words kuno niya sakin. Nanginig ang labi ko nang mapagtantong hindi lang si Charlotte ang kalaban ko.
Don Crisanto!
Paano kung dahil sa galit sa akin ng ama ni Lucas, ay desperado na siyang ilayo ako sa anak niya?
"Si Hailey ba?" Tanong ko.
Narinig ko ang pagsinghap niya."Sino si Hailey?!"
Napa-irap ako. Nagmama-ang-maangan pa talaga siya. I know Hailey. Gustong-gusto niya na makapaghigante sakin. Kating-kati na ang mga kamay niyang parusahan ako.
"Alam kong sya ang nag-utos sayo na gawin sakin to. Pwes! Pakisabi sa kanya, hindi ako natatakot!" Galit na galit kong sigaw sa kanya.
Doon ay humagalpak siya ng tawa. The way he talk and laugh, pamilyar na pamilyar sakin. Parang nakilala ko na sya somewhere. Come on, Charlotte! Subukan mong tandaan kung saan mo siya nakilala.
"You know what?, kung sino man yang Hailey na yan, thanks to her." Aniya.
"Pwede ba, magpakita ka sakin. Let's see hanggang saan yang kayabangan mong gunggong ka!"
This time ay nilakasan ko na ang pagpupumiglas sa kanya. But I'm not that strong para makawala sa kanya. Mas lalo niyang hinigpitan ang paghawak sakin. Ramdam ko ang mahigpit na pagkapit niya roon. Senyales iyon na nakatali ako sa madilim niyang plano.
Kapag nalaman ko talaga kung sino siya, ay malalagot talaga siya sakin. Ipapakulong ko siya. Tingnan lang namin kung hindi siya luluhod upang humingi sakin ng tawad.
"In a right time Honey. Excited mo naman." He said in a seductive tone.
"Let's start in our honeymoon muna.."
Honeymoon? Anong pinagsasabi ng lalaking to! Is he going to rape me?!
Sh*t! Oh no no!
"A-anong gagawin mo sakin!?"
Manginig-nginig kong tanong sa kanya. Nahagilap ng mga mata ko ang ang anino niyang papalapit ng papalapit sa akin. Naramdaman ko na lang ang paglapat ng labi niya sakin. He kissed me! Napapikit ako at sinubukan iyong iwasan pero sadyang mahina na ang katawan ko to resist him.
Ang bango ng labi niya. Iyon bang labi na animo'y pag-aari ng isang taong may marangyang buhay. Malambot ang mga labi niya. Nagdulot iyon ng kaunting init sa katawan ko.
Agad akong natauhan nang marinig ko siyang umungol. Ano ba Charlotte? Gagahasain ka niya at ganyan ka maka-react? Stop yourself! Pumiglas ka!
I cried. Isang hikbi ang pinakawalan ko. This will be the end of me. Kapag nangyari ito, Lucas would definitely hate me.
"Hindi ako maaawa sa pa iyak-iyak mong yan Charlotte..." Aniya ng bumitaw siya sa paghalik sakin.
"Iba ako sa lahat Charlotte. Kapag ginusto ko, kinukuha ko talaga."
Hinaplos niya ang labi ko gamit ang index finger niya. Naririnig ko pa ang mabibigat niyang buntong hininga.
Hindi parin ako tumitigil sa pag-iyak. Gusto kong pakawalan niya ako. Ayaw ko talaga sa ginagawa niya.
"Please, kung sino ka man. Pakawalan mo na ako..."
"No! Ngayong gabi, akin ka. Tingnan lang natin kung matatanggap ka pa ba ni Lucas if he knows you slept with another man, huh?"
Kinabahan ako. No way! Hindi ako papayag. Hindi ko hahayaang sirain niya kami ni Lucas. Hindi pwedeng tuluyan na akong bitawan ni Lucas.
Kailangan ko siyang matakasan. Pero paano ako makakatakas rito? I can't even resist him. Samantalang ako, walang lakas para pigilan siya sa gagawin niya sakin dahil masyado siyang malakas.
If Hailey planned all this sh*ts. Curse her. Hinding-hindi ko siya mapapatawad. Not until she'll suffer too.
Nagising akong masakit ang ulo ko. Kumirot iyon at tila ay tinutusok ng karayom. Nahihilo rin ako kaya ay hindi ko masyadong naalala ang nangyari sakin.
Nilibot ko ang tingin ko sa kinaruruonan ko ngayon. Im in an elegant room. Hindi ko alam kung nasaan ito. How I wish this kind of room before. Ang akala ko kasi ititira ako ni Lucas sa condo unit niya. Ang ending sa guest room ako nila natutulog palagi. Sinubukan kong tumayo pero sumasakit ang katawan ko.
"What happened?"
Nagulat ako ng makita ko ang katawan kong hubad. Doon nag sink in sa isip ko lahat, ang nangyari kagabi. There's a stranger who abducted me. He even raped me.
Napalunok ako at napahikbi. Muli, ay pumatak ang mga luha ko. Marahas kong itinakip ang kumot sa hubad kong katawan.
Paano na ito? Hindi to pwedeng malaman ni Lucas, baka ipagtabuyan niya ako. Hindi ako papayag na layuan niya ako sa oras na malaman niya ang nangyari sakin.
Nagsimula na namang pumatak ang mga luha ko. Ano na ang mangyayari sakin? I have to live my life with Lucas. Ikakamatay ko kung hindi ako ang papakasalan niya. Hindi ako papayag.
Pinulot ko ang mga damit ko na nakakalat lang sa sahig. Isa-isa ko iyong isinout habang humihikbi parin. My tears don't stop from felling. Lalo akong naiyak kapag naiisip ang nangyari sakin kagabi.
Ang daming kamalasan ang natamo ko. It all happened, in just one night. Naisip ko tuloy ang mga sinabi ni Hailey sakin.
"Make yourself happy Charlotte. Wala akong sinabi na hindi nangyayari. Remember, how powerful my words are?"
Paulit-ulit iyon sa isipan ko na parang sirang plaka. It turns out na tinupad lahat ni Hailey ang mga sinabi niya sa sakin.
Ginamit niya nga ang pera niya para lang makapaghigante sakin.
Ganon ka na ba ka desperada Hailey?
Matamlay akong pumasok sa mansion. Napansin kong tahimik lang ang paligid. Nakita ko kanina sa garden si Donya Bella ngunit hindi ko na siya pinansin pa dahil galit ako sa kanya. Galit ako sa kanilang lahat.
Pagkapasok ko sa kwarto ni Lucas ay nadatnan ko siyang naka-upo sa kama kasama si Sabrina na nakahiga lang at tila'y kinakausap ni Lucas.
Nagulat ako at hindi makapaniwala.
"What's happening here?"
Nagtama ang mga mata namin ni Lucas. Malamig lang itong tumitig sa akin saka tumingin sa malayo.
"Buti naman Charlotte naka-uwi ka na." Aniya ni Sabrina.
Nginitian ko siya ng peke. Feeling concern?
"May dapat ba akong malaman?" Utas ko.
Umiling lang si Sabrina at nginitian ako.
"Sumakit lang ang ulo ko at nagkataon naman na andito lang si Lucas kaya siya yung tumulong sakin para alalayan ako." Paliwanag niya na ikinataas ng kilay ko.
I nodded my head. Naiinis ako. Kapag si Sabrina ang pinag-uusapan nag-aalala siya. Nang ako ang hindi umuwi kagabi, hindi niya man lang ako hinanap.
Wala bang nag-aalala sakin sa mansyong ito? Except sa plastic na Sabrina'ng ito?
Tama nga naman, galit sa akin ang lahat. Sarili ko na lang yata ang kakampi ko sa mga oras na ito.
Now, napagtanto kong kailangan ko palang mahalin ang sarili ko at magtira nang para sa akin. Lahat ng haharang sa mga plano ko ay magdudusa. Lahat sila sinaktan ako. Makikita niyo. Iba ako kung gumanti. Nanunuot iyon sa kalamnan ko at tumatatak iyon sa isipan ko.
Inis kong tinitigan si Lucas. Sinabi niya sa akin na aalis siya ng limang araw para sa trip niya sa tagaytay.
"Magsasaya ka dun tapos ako iiwan mo rito?"
Napasinghap pa si Lucas. Siguro ay naiinis na siya sakin.
"Nandito naman si mommy, you can bond each other at the kitchen, cooking foods."
Seriously?
Umirap ako."Sa tingin mo, makakasundo ko ang mommy mo? Eh nung huli ko siyang pinagluto, hindi niya naman nagustuhan!" Giit ko sa kanya.
Gusto kong ipangalandakan sa kanya kung paano ako e trato ng mommy niya.
"What do you want?"
"Gusto kong sumama!"
Tama! Sasama ako. Hindi pwedeng siya lang ang magsasaya roon habang ako makikipag-plastikan sa mommy at daddy niya.
"Hindi dito ka lang." Pinal niyang wika na ikina-inis ko ng sobra.
Sino ba kasi ang kasama niya roon at ayaw niya akong isama? Si Chelsea ba? Iyong magiging fiance niya?
Inilabas ni Lucas ang wallet niya. Kumuha siya ng pera doon at iniabot sakin.
"Enjoy yourself for 5 days."
"Anong akala mo sakin mukhang pera?"
"Hindi nga ba? Akala mo ba hindi ko alam na nasa ospital ang kapatid mo na nagpapagamot? Lahat ng binigay ko sayong pera, itinustos mo sa kapatid mong may sakit."
Natigil ako sa pagbigkas ng kung anong gusto kong sabihin nang marinig iyon sa labi niya.
Paano niya nalaman na may kapatid ako? Pina-iimbestigahan niya ba ako?
"How did you know?"
Yumuko nalang ako. Nahihiya ako sa kanya. Nalaman niya ang tinatago ko. Ang akala niya siguro ay pineperahan ko siya dahil sa kapatid kong may sakit.
"I'm not that stupid Charlotte. Alam kong gumagawa ka lang ng paraan para mapagamot ang kapatid mo."
Kinagat ko ang labi ko para sana ay iwasan ko ang mahikbi.
"Ipapagamot ko ang kapatid mo."
"T-talaga?" Nauutal kong tanong sa kanya.
"Pero kapag ginawa ko yun, you should stop seeing me. Alam mo naman na hindi kita mahal at hindi talaga kita minahal. Ayaw ko ring mahalin ka. Kung pera lang naman ang pag-uusapan kaya kong ibigay yun sayo ng libre. Just stay away from me at patahimikin mo na ang buhay ko."
Nagsimulang magsipatakan ang mga luha ko. Yet kailangan ko ng pera, pero noon pa man ay mahal ko na talaga si Lucas.
Paano ko siya lulubayan? I don't want to set aside my feelings for him. I loved him so much.
"Ang hirap naman ng kondisyon mo Lucas...." I wiped my tears. Ayaw ko sanang maging martyr ngunit kapag si Lucas na talaga ang pinag-uusapan ay hindi ko mapigilan ang sarili kong mahalin siya.
"Ginawa ko naman ang lahat. Alam kong mahal na mahal mo talaga si Vivien. Sinira ko ang pinagsamahan namin para lang sa mga gusto ko. Pero hindi mo ba naiisip? She suffer a lot ng dahil sayo. Hindi ba alam mo naman talaga ang totoo na ikaw ang ama ng dinadala niya? Look what happened to her."
Muli, napaiyak ako. Lucas is a bastard. Wala siyang awa. Sarili niya lang ang iniisip niya.
"Pinagsisihan ko na yun at ngayong nagbalik na siya, babawi ako."
"What are you talking about?"
Tumawa ako. Nahihibang na naman siya.
"That Sabrina. Umaasa ka ba na siya nga si Vivien?"
"Panong hindi?"
"Sana masaya ka sa desisyon mong yan."
Mabilis kong dinampot ang mga gamit ko na nakahilera sa kama niya. Bago ako umalis ay humarap muna ako sa kanya.
"Wala narin naman akong magagawa. At kahit na si Vivien nga si Sabrina, you cannot change the fact na ikakasal ka parin sa iba."
Nakita ko ang paggulo niya sa buhok niya.
"I can stop it by myself Charlotte, nasa akin parin ang desisyon."
"Tandaan mo Lucas. Sumuko man ako sayo pero hindi sa paghihiganti ko. You better watch your back especially sa babaeng mahal mo. I can do anything para masira ka. I can destroy your precious gem in my own hands." Binantaan ko siya.
He even smirk to me. Hindi siya naniniwala.
"Subukan mo." Tipid niyang sagot.
"I will!" Pagkatapos nun ay umalis na ako.
Kasalanan mo kung bakit ako nagka-ganito Lucas! Ngayon tingnan mo ang nangyayari sakin. Tingnan mo kung paano mo ako sinaktan ng sobra. Magbabayad kayong lahat.