Chapter 6

1993 Words
"Magkano?" Tanong ko sa matandang babae na nagtitinda ng mansanas sa gilid ng daan. Papunta na ako sa hospital kung saan naka confine ang kapatid kong si Rico. Tumawag sa akin si Aliya kanina upang ibalita sakin na gusto raw ni Rico ng mansanas. Kaya naman nang masulyapan ko ang mga tindang mansanas ay hindi na ako nag atubili pa at bumaba na agad sa sinakyan kong jeep kanina. "Kinse, isa!" Sagot niya naman sa akin. "Kinse? Ang mahal ah! Ikaw ba mismo ang pumitas niyan?" Reklamo ko naman sa matanda sa harapan ko. Napangiwi siya."Aba'y wala ng mura sa panahon ngayon! Lahat ng prutas ay nagsitaasan na ang presyo. Itong mansanas ko na nga lang ang pinakamura sa lahat ng nagtitinda rito!" Suminghap ako dahil sa sinabi ng matanda. Mukhang nagsisinungaling lang naman yata siya eh para maka benta. Umiling ako at kumuha ng pera sa bulsa ko. "Dalawa nga!" Binalot iyon ng matanda saka inilahad sa akin. Ni head to foot niya pa ako bago ako tinalikuran. Ano nay? Sexy ba ako? Napangiti nalang ako sa kabaliwan kong naisip. Epekto na siguro ito nang paghi-hysterical ko kagabi. Napa-igtad ako nang marinig ko ang phone ko na nagri-ring. Nang mabasa ang nakasulat roon ay kumunot ang noo ko. "Don't just call me, kung hindi ka rin naman makikipagkita sakin!" Nakabusangot kong giit sa kabilang linya nang masagot ko na ang tawag. Narinig ko ang pagsinghap niya na nagpapikit sa mga mata ko. Bakit ba kapag gumaganyan siya ay nakokonsensya ako? "Magpalit kaya tayo ng posisyon at nang maranasan mo ang sitwasyon ko ngayon?" Craig uttered in a soft but irritated voice. "Pwede naman siguro, para naman yumaman din ako at maging sikat na artista!" Ani ko na itinawa niya lang. "Akala mo naman, madali lang iyong gawin! Bukod sa araw-araw na pag-alis ko para sa shoot, lagi naman akong tinatawagan ni Ivy para sa photoshoot ko sa product namin! Alam mo yun? Nakakapagod!" Umirap ako sa kawalan. " Who ordered you to do those things? Hindi naman ako ah!" "Nagsasabi lang ako ng totoo dahil ini-easy mo lang yata ang pag-aartista, pagmomodel at ang pagiging CEO at the same time." Sagot niya sakin. Well, I'm not. Bakit niya naman ba kasi ginagawa ang lahat ng iyon. Mayaman na siya at isang sikat ng model, pero bakit niya pa pinasok ang industriya ng pag-arte? To earn billions of profit kahit sobrang yaman na nila? I can't believe this man. Kaya ang daming naghihirap eh, kasi nauubusan na ng opportunity na makapagtrabaho dahil nasa kanila na ang lahat. "Whatever!" "Ang sungit mo ah! Kanina ka pa..."Giit niya sa mahinang boses. I pouted. From the thought of we were friends pero ang layo ng agwat naming dalawa, makes me feels sick. Mayaman siya pero ako mahirap. Hindi ko alam na nag-e-exist pa pala ang ganoong klaseng friendship ngayon. Me and Hailey were excluded. Ang inakala ko talaga noon magkaibigan kami. Now, I realized na napaka bias niya pala. Bagay talaga sila ni Vivien. A gold digger and a gold giver. "Sorry, if you think me that way. I'm just tired and exhausted." I explained. Sa tanang buhay ko ngayon ko lang naramdaman ang ganitong klaseng sitwasyon. Sino pa ba ang masisisi ko kung hindi ang sarili ko lang. I put myself in this kind of situation, so there's no one to blame but me. "You know what? You're tall and pretty. I had already offered you to be our model para sa Lunox Magazine. Paniguradong kikita ka ng mas malaking sahod kapag ginusto mo..." "I can't leave him there." Utas ko. Ang tinutukoy ko ay walang iba, kung hindi si Lucas. The man I loved. "He don't deserve you." Aniya na nakapag-pa-simangot sa akin. Noon pa man ay ayaw niya na talaga kay Lucas. Noong sinabi niyang lubayan ko siya dahil ito ang magpapahamak sa akin ay hindi ako nakinig. Ang tanging inisip ko lang noon ay ang panandaliang kasiyahan sa piling niya. Hindi ko inisip ang magiging resulta ng mga pinaggagawa ko. "I can't live my life without him." "You can Charlotte! Please, accept my offer..." Napakagat ako sa labi ko. Naguguluhan ako sa mga eksena sa utak ko. May punto siya, kapag tinanggap ko ang offer niya ay hindi na ako mahihirapan. Makakabili na ako ng sarili kong unit at mabibili ko na lahat ng mga gusto ko. Pero kahit gaano pa ka ganda ang naging offer niya, nakikipagtalo parin talaga ang utak ko sa puso ko. My heart keeps pounding on Lucas. Sinasabi nitong huwag ko siyang iwanan. Lalo pa't magkasama sila sa iisang bubong ni Sabrina. Hindi malabong hahabol-habulin niya ito. "I'm sorry Craig. Hindi ko talaga kaya." Nakabusangot kong pinatay ang tawag niya. Wala narin naman kaming pinag-uusapan pa at napupunta nalang kami lagi sa bangayan. Knowing Craig. Hindi iyon nagpapatalo sa mga usapan. Kung ano sa tingin niya ang tama, ay iyon na talaga. Inilagay ko sa maliit kong sling bag ang cellphone ko atsaka inayos ang pagkakasukbit nito sa balikat ko. Sumulyap ako sa harap ng kalsada upang maghanap ng hihintong jeep. Nagtitipid ako ngayon sa pamasahe ko dahil credit card lang ang dala ko at maliit lang ang dala kong cash. Medyo malayo pa naman ang hospital rito kaya for sure mahal ang mababayaran ko if ever magta-taxi ako. Pumara ako sa papalapit na jeep sa akin. Yumuko ako dahil naiinitan ako sa tama ng araw sa mukha ko. Naramdaman ko nalang ang paghinto ng jeep sa harapan ko. Nang iangat ko ang tingin ko sa humintong jeep ay kumunot ang noo ko. Ang inexpect kong jeep ay naglaho. Hindi ito jeep, kundi isang van. A black van. Ang akala ko ay huminto lang ito dahil nakarating na ito sa destinasyon nito pero nagkakamali ako. Nakita ko ang pagbaba nang dalawang lalaki sa loob ng van. Naka coat sila at may mga maskara sa mukha. Nanlaki ang mga mata ko nang higitin nila ako sa braso. Pinipilit nila akong makasakay sa Van. "A-anong ginagawa niyo?!" Naguguluhan kong sambit sa kanila. Hindi sila nagsasalita at patuloy lang sa ginagawa. Dahil sa tinding gulat at takot, ay napasigaw ako. Nagpumiglas ako upang sana'y makawala sa kanila. Itinukod ko pa ang dalawang binti ko sa pintuan ng van upang maiwasan kong makapasok sa loob. Hindi ko alam kung ano ang pakay nila sakin. Kidnap for ransom ba o tatanggalin nila ang mga organs ko at ibebenta. "Dalian niyo! Babae lang yan!" Narinig kong wika ng lalaking nasa loob ng van. "Ano ba bitiwan niyo ako. Tulong!" Malakas kong sigaw upang may makarinig sa akin. Napahikbi ako ng tuluyan na nila akong maipasok sa loob. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Sa lahat ba naman ng pwede nilang dukutin, ako pa talaga? Kung ransom, wala talaga akong pera o kahit relatives na mayaman. Kung sa organs ko naman, pwede rin. Hindi pa ako nagkakasakit kaya malay kong iyon pala ang pakay nila sa akin. "Sino kayo?!" I shouted. "Tumahimik ka nga!" Galit na utas sa akin ng isang lalaki. Hindi ko sila makilala dahil sa mask nila. Napapitlag ako nang may tumunog na cellphone sa tabi ko. Ang akala ko nga ay akin yun dahil magkapareho kami ng ringtone pero nang pulutin iyon ng matabang lalaki ay nanghina ang katawan ko. "Yes boss! Easy pissy! Naisakay na namin siya. Na e ready narin ni Matthew ang yate. Signal niyo nalang po ang hinihintay namin." Aniya sa kabilang linya. Yate? Saan nila ako dadalhin? Sino ang tinatawag nilang boss? Pagkababa niya ng tawag ay sinenyasan niya ang kasama niyang nasa tabi ko. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin nun pero naramdaman ko nalang na tinakpan niya ng panyo ang ilong ko. The next thing I knew, I found myself lying in a queen sized bed, gasping for air. Madilim ang paligid kaya hindi ko maaninag kung nasaan ba talaga ako. Nakapatay rin ang lampshade at munting liwanag lang ng buwan ang nakikita kong umiilaw sa may paanan ng kama. Kanina pa ako gising at nakikiramdam lang sa paligid. Hangga't maaari ay hindi muna ako gagawa ng ingay at hihintayin nalang ang mga posibleng tagpong mangyayari sa gabing ito. Gusto ko pang mabuhay, at ayun sa napapanood ko sa mga pelikula, mas mabuting maging alarma muna sa mga sitwasyon upang mas maging madali ang pag-iisip ng solusyon sa pagtakas rito. "Honey...." Napapitlag ako nang marinig ang boses na iyon. Iyon bang boses na narinig ko na kumakailan. "W-who are you?!" I asked calmly. I need to confirm that voice. That familiar voice. "Guess it!" Utas niya na ikinalunok ko ng sobra. Confirmed! His voice is the same with the voice of person who raped me. Kung ganon, iisa sila? Oh my Gosh! If this was true. Ano ang pakay niya sakin? To rape me again? Sino ba siya? Sino ka ba talaga? Naramdaman kong tinabihan niya ako sa paghiga. Idinantay niya ang braso niya sa tiyan ko, kaya naramdaman ko ang paghinga niya sa taenga ko. I frozed when I smell his scent. Ang bango niya, typical na gumagamit siya ng mga mamahaling pabango. Ganon yata siya ka yaman. "I-im afraid." Wika ko nang maakit ako sa pabango niya. "Afraid of what?" He asked in a manly tone. Doon ay napalunok ako. Ewan ko ba at kapag nagsasalita na siya ay nanghihina ang katawan ko. Nanghihina hindi dahil natatakot ako sa kanya kundi nanghihina ako baka ay hindi ko mapigilan ang sarili kong patulan siya sa kabaliwan niya. "You're a psychopath! Paano mo nasisikmura ito?!" "Psychopath?! Seryoso Charlotte? Iyan ang tingin mo sakin!?" Sunod-sunod ang mga tanong niya sa akin kaya halos manginig ako sa sobrang takot. "Of course! I don't know you and you only know me! If you're not a psychopath, maybe obsess ka lang sakin?" I uttered straightly without letting any air come out from my mouth. I heard him chuckle. May bahid iyon ng inis. Siguro ay natamaan talaga siya sa mga sinabi ko. "Kung hindi psychopath, obsess na man! And yeah, I know you...but you also know me!" "R-really?" Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko upang mahulaan ko talaga kung sino siya. Ayaw kong magmukhang clueless lalo pa't pamilyar talaga ang boses niya. "Why won't you believe?" "Then why won't you reveal yourself?" Matapang kong saad sa kanya. Naramdaman ko ang pag-upo niya at may kinuha na kung ano sa drawer niya. Biglang bumukas ang ilaw. Pagkakataon ko na upang makilala ko siya. Nanlaki ang mga mata ko at napatakip ako sa bibig ko. "Z-zacheo?" Hindi ako makapaniwala. It's him. Zacheo Monterde. Sabrina's husband. Pero bakit? Bakit siya nandito? Bakit iisa ang boses nila nung taong gumahasa sa akin at ng taong kumidnap sakin. Kung ganoon, siya lahat ang may pakana nito? She kidnapped me and the worst raped me. Why? Bakit niya ito ginagawa? "Why are you surprised?!" Aniya. Nakatitig lang ako sa kanya at hindi ko ma e proseso ang mga nangyari. Wala akong masabi dahil sa dami nang gusto kong tanungin ay para iyong nagtraffic sa kaloob-looban ko at naghahanap ng madadaanan. "I already gave you my voice and yet you seems clueless everytime you asked me if who am I!" "B-bakit?" I curiously ask. "Bakit? Hmm, let me think of a reason." Kunwari ay nag-isip pa siya at pilyo niya akong binalingan. "Ahh, dahil gusto kita?" "Anong pinagsasabi mo? Ilang beses mo lang akong nakita, nagustuhan mo na agad ako?" "I get it. You forgotten me. Sa tagal ba naman na ng panahon, ako lang yata ang hindi nakakalimot!" My forehead knot. Hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi niya. "What are you trying to imply?" "I'm just a person in your past. A nobody to you..." Napalunok ako. Sa pagkakasabi niyang iyon ay tila hindi siya nagsisinungaling. A person in my past? The heck! Bakit wala akong matandaan? "Bakit sino ka ba talaga?" I ask as I bit my lower lips. "Forget it!" Aniya bago ako tuluyang iwanan sa kwarto niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD