Chapter 19

1981 Words
Mabilis akong nagbayad sa driver at bumaba sa taxi ng matanda. For pete's sake, ten minutes na akong late. Ano nalang ang sasabihin nila? Na I'm very unprofessional pagdating sa trabaho ko. Sa tanang buhay ko, ngayon ko lang yata naranasang ma late ng ganito ka tagal. And it's because of Craig. Tumakbo ako papasok sa Foto Trendz Corporation at pumasok sa punuang elevator. Ang kanina'y maingay na mga tao sa loob ay natahimik. Napapansin ko pa ang pagsilay ng mga ngiti nila sa labi. "Hola señorita Elle, buenos dias," bati sa'kin ng isa sa mga empleyado ng kompanya. I smiled as I can, not to make my image bad to them. Kilala nila ako dahil matagal rin akong nagtratrabaho rito bilang model ng mga photography nila. Pinahid ko ang pawis na tumatagaktak sa noo ko at umatras sa pinaka-sulok upang magretouch. Nang matabunan ng mga empleyado, inilabas ko agad ang face powder at lip gloss para mag-ayos. Sa 15th floor pa ang labas ko kaya mataas pa ang oras ko para makapag-ayos ng sarili. Binaba ko ang skirt ko ng mapansing tumataas na pala ito. Nag spray rin ako ng pabango na bigay pa sa'kin ni Craig kagabi noong lumabas kami para kumain sa isang mamahaling restaurant. I quickly run outside after I heard the elavator open. Sa pasilyo palang ay halos talunin ko na ang ilang distansya upang marating kaagad ang silid kung saan gaganapin ang photoshoot ko. Maingat kong pinihit ang door knob at pumasok sa loob. "Lo siento, llego tarde," pagpaumanhin ko nang makaharap ko ang photographer. Halos kanina ay mainit ang ulo niyang kinakausap ang mga staff, ngunit ng makita ako ay nag-iba agad ang timpla ng itsura niya. He smiled. "Está bien Elle." Binalingan niya ng tingin ang assistant make-up artist. "Rita, por favor ayúdala a prepararse para la sesión de fotos." Aniya na ang ibig sabihin ay tulungan raw ako sa pagprepare para sa photo shoot. Agad na tumalima ang babae at iginiya ako sa changing room. Nilapitan agad ako ng personal assistant ko at iniabot ang damit na susuotin ko. It was a leather brown button down jacket with a pair of fitted cropped top checkered tube. And a black leather above the knee skirt that will surely hugs my skin well. After I changed my clothes, I immediately walk towards Rita, who's busy preparing the makeup kit. Umupo ako sa swiveling chair at humarap sa salamin. Lumapit naman agad siya at sinimulan na ang pagme-make-up sa'kin. "Where's Maybelle?," referring to a person who's usually gumagawa ng make-up ko. "I've been calling her kanina pa pero hindi siya sumasagot, may sakit na naman yata," aniya, patuloy parin siya sa paglalagay ng foundation sa mukha ko. I smiled. Good thing Rita was a filipino. Hindi ako masyadong mahihirapan sa pagsasalita ng Spanish dahil paminsan-minsan ay tinuturuan niya ako. And it was an advantage to me dahil may alam na ako sa pagsasalita kahit kunti palang ang nalalaman ko. She knew how to speak both Spanish and tagalog dahil dito siya nakatira ng halos sampung taon. Kaya sa tuwing umaalis o wala si Maybelle ay siya ang nag-aassist sa'kin. "Five minutes more and we'll start the photoshoot...," sigaw ng photographer, si Agustí. Napairap nalang ako ng makatayo. Marunong naman palang mag-english, pinahirapan pa ako. Tatlo kaming babae ang magiging modelo nila sa HOLAS at sa This Year's Face Trend magazine naman ay dalawa lang kaming e-fi-featured nila. Inabot rin ng dalawang oras ang nakakapagod na pagpo-pose ko roon bago kami natapos. As usual, mas marami akong compliments na natatanggap dahil sa professional kong pagmo-model. Isang taon palang ako sa industriya ng pagmomodelo rito sa Spain pero halos maka-abot na ako sa tuktok ng tagumpay dahil sa madalian kong pag-angat. Hindi maipagkaka-ilang ang kasikatan ko ay aabot rin ng Pilipinas. Imagine a filipino woman can be this successful at rito pa sa Spain? Marami yata akong natutunan sa pamamalagi ko rito ng tatlong taon. Palabas na ako ng building nang marinig na tumunog ang cellphone ko. As I saw the screen, it was Craig. "Hmm?" "Nasa'n ka?" He asked directly. Luminga pa ako sa paligid kahit alam ko kung nasaan naman talaga ako. "Foto Trendz Corp. Why?" "You'll be surprised sa sasabihin ko...," I scoffed. Lahat nalang yata ng lumalabas sa bibig niya, surprise. Ano na naman kaya this time? "What is it?" I asked. Pumara pa ako ng taxi nang makitang may papalapit sa gawi ko. Agad akong pumasok sa taxi nang makahinto ito sa harap ko. Sinabi ko kaagad ang destinasyon at mabilis naman iyong pinaandar ni manong. "Mamaya ko na sasabihin pag-uwi mo," aniya bago ako babaan ng tawag. Sa Toledo bridge palang ay umulan na, kaya naman ay basang-basa akong nakapasok sa gate ng apartment. Nag-doorbell agad ako. Napasimangot pa ako nang wala man lang nagbukas ng pinto. Hindi pa ba naka-uwi si Craig? Namasyal ba siya? At dahil may spare key ako, inilabas ko nalang 'yon mula sa bag ko at maingat na inunlock ang door knob ng bahay. Bumungad sa'kin ang makalat na sala at ang nakabukas na tv. I heaved a sigh bago damputin ang remote at patayin iyon. Umupo muna ako saglit sa couch at hinilot ang sentido ko. Sino ba ang hindi ma-e-i-stress kung pati ang remote ay may nakadikit na icing ng cake. "Putang-ina?" I cursed. Agad kong kinapa ang pwetan ko nang maramdaman ang malagkit na bagay na dumikit roon. Pasimple ko itong inamoy. It was an ice cream. Hindi ko alam kung paano ko pa lilinisin 'tong couch. Ayaw ko rin namang kumuha ng taga-linis at baka ma-issue pa kami ni Craig, sikat pa naman siya. Mali, sikat kaming dalawa. Maya-maya ay umakyat na ako sa ikalawang palapag ng bahay. Bukas ko nalang lilinisin ang mga 'yon at pagod na pagod ako mula sa trabaho. I need to relax myself. Nang marating ang silid ko ay bumuntong hininga uli ako. Wala rin roon si Craig. Isa lang ang alam ko, he's in his room with them. At dahil magkaharap rin lang naman ang silid namin ay hindi na ako nagdalawang-isip na humarap sa pintuan ng kwarto niya at walang gana iyong binukas. "Mimi!" Tili ni Zhane ang unang bumungad sa'kin. He quickly run towards me at niyapos ako sa binti. His face was covered with chocolate ice cream at ang dungis-dungis niya sa soot-soot niyang big boy shirt. I leveled our faces and then gave him a kiss on his cheeks. He gestured his little hands para magpabuhat at iyon nga ang ginawa ko, kinarga ko siya. Sinulyapan ko agad si Craig, sinamaan siya ng tingin. Ang loko ay nakangiti lang at hindi inalintana ang ekspresyon ko. "Craig!" He raised his brows. "What?" He asked, as if he hadn't done anything to Zhane, his lips still smiling. "Sira ka ba? Umalis lang ako saglit ang kalat na ng bahay!" "And look at Zhane? Ginawa mo ba namang pulubi," i murmured, still my look didn't avoided his. He chuckled. "Ano ka ba? Okay lang as long as nag-eenjoy siya at hindi siya nag-iisa," he uttered. "What do you mean?" He tilted his head towards his side, may ngiti parin sa labi. Sinunod ko naman siya at napatingin sa katabi niya. There. Ang nakadapang bata ang nasulyapan ko. Hindi ako nagulat sa posisyon nito sa pagtulog. Ang ikinagulat ko ay ang napakadumi nitong mukha nang ipihit ko siya paharap sa'kin. Gutay-gutay rin ang berdeng sando'ng soot-soot niya na may bahid pa ng icing. "Craig!" I almost yelled at the person infront of me. Mabilis siyang nakaka-ilag sa mga malalakas kong suntok. Buti nalang talaga ay karga ko itong si Zhane kung hindi, ay baka sa sahig na niya pinupulot ang mga ngipin niya. "My poor Zeal...," Dahan-dahan kong hinalikan ang pisngi nito bago ko harapin si Craig na napapahawak pa sa t'yan niya at panay ang tawa. "Habang wala ako, ginawa mong katawa-tawa ang mga anak ko?!" "I didn't do that to them. They wanted it and as a loving ninong—" Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita niya dahil nabato ko na siya ng teddy bear na pinulot ko pa sa kama niya. "Labas!" Sinunod niya agad ako at natatawa paring lumabas. Umiling nalang ako at tinitigan ang natutulog na si Zeal. Sa magkapatid ay ito talaga ang napaka-antukin. Kapag umuuwi ako sa trabaho ay hindi ko na siya naabutang gising pa hindi tulad nitong si Zhane na talo pa ako sa pagpupuyat. Pumanhik ako sa silid kong karga si Zhane. Inilagay ko siya sa baby crib niya bago ko balikan si Zeal sa kama ni Craig at inilipat rito sa kama ko. I walked towards their closet. Kumuha ako roon ng slumber suit nila. A blue and a purple one. Tulog parin si Zeal ng makabalik ako. Hinubaran ko agad siya at pinunasan gamit ang baby wipes na kinuha ko rin sa drawer ng bed side table. I wore him the purple one pagkatapos ay inihiga siya sa crib niya. Tulog mantika talaga. Sunod kong ginawa ay kinarga ang nakatayong si Zhane sa crib niya. Hindi ko mapigilang matawa sa itsura niya. Nagmukha siyang nangudngod sa putik dahil sa dami ng chocolate ice cream na nasa mukha niya. Inihiga ko agad siya sa kama. At katulad ng ginawa ko kay Zeal, hinubaran ko rin siya at pinunasan upang malinisan. Tumawa pa siya dahil siguro sa lamig ng wipes na dumampi sa mukha niya. Lumabas tuloy ang dimples niya sa kanang pisngi. Pagkatapos ko siyang bihisan ng blue slumber suit niya ay binalik ko siya sa crib niya, this time ay nakahiga na. Iniabot ko naman ang babyron niya sa bed side table, tinanggal ang takip at pinasuso sa kanya. Nang makatulog si Zhane ay bumaba ako papuntang sala. Naalala ko agad ang surprise na sinasabi ni Craig kanina noong tawagan niya ako. Naabutan ko siya sa sala na ngayon ay nanonoud na ng palabas sa telebisyon. Basketball na naman. Umupo ako sa single sofa na nasa tabi niya. Humikab at nanood rin. "Spell the tea...," i started making him faced me. He chuckled. "Oh, i almost forgot it!" "Ano ba kasi 'yun?" "You wouldn't believe it!" "Ang alin?" "It's about Rico," nakangiting wika niya. Napatigil ako at mabilis siyang nilingon. Ilang taon rin akong walang narinig na balita mula sa kanya, kaya nang marinig ang pangalan ng kapatid ay na-excite ako. "What about him?" Halos yugyugin ko na ang balikat niya upang magsalita lang siya. Nginitian niya ako ng ubod ng tamis bago ibinuka ang labi niya. "He's doing well na. Maayos na siya." Hindi ko alam kung paano ako nakatulog ng gabing iyon nang dahil sa magandang balita ni Craig. Ayon sa kanya, bumalik na raw sa pag-aaral si Rico and now in his senior year in high school. Hindi pa nga lang confirmed kung sino ang tumatayong magulang niya dahil madalas sinusulyapan lang siya sa malayo ng mga tauhan ni Craig at ang madalas na kasama niya ay si Alliyah. We have plans on going back next week to the Philippines para makuha na siya. And we will staying there for good narin dahil doon rin naman ako lumaki at gusto kong makasama narin ang kapatid ko. "Finally, you'll both see your tito Rico na, yehey!" Kausap ko sa kambal na ngayon ay kumakain ng agahan sa baby's chair nila. At dahil hindi nila ako maiintindihan, they only giggles. Lumabas pa ang dalawang ngipin ni Zhane na nagpatawa sa'kin. Si Zeal naman ay panay ang hampas ng maliliit niyang kamay kay Zhane. They were only two years old, mas matanda ng isang minuto itong si Zeal. I can't believe I boar this two little angels. Ang akala ko talaga noon ay hindi ko kaya nang malaman kong hindi lang pala isa ang ipinagbubuntis ko kung hindi dalawa pala. Zeal Lloyd Francisco and Zhane Lloyd Francisco. My children and my loved.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD