Madrid, Spain
"Nasa shooting area pa si Craig at inihabilin niyang hintayin mo nalang siya mamaya," kakapasok palang namin sa apartment ni Craig ay iyon na agad ang narinig ko kay Uriel.
My eyes wandered. Maganda ang apartment ng binata. The theme were pale green and dark green. Maliit lang ang sala at kita rin lang ang maliit na daanan patungong kusina. His pad was designed for one or two person only.
May maliit rin lang na hagdanan sa tapat ng couch patungo sa second floor ng apartment kung saan naroroon ang kwarto ng binata.
Maingat kong binitawan ang bagahe ko at hinarap si Uriel na ngayon ay binubuksan na ang mga ilaw.
I sighed. "Susunod ka rin sa kanya no?" I asked. I was planning to cooked food for us kahit na hindi naman ako marunong magluto talaga.
Kararating lang namin dito at kanina pa kami hindi kumakain kaya alam kong hindi lang ako ang nagugutom rito.
"Yup. Kailangan rin kasi ako 'dun. Atsaka doon narin ako kakain, if you don't mind asking. May niluto narin naman si Craig sa kusina, kumain ka nalang. Hindi na nga lang iyon mainit kasi kanina pa siya naka-alis pero isalang mo nalang sa oven kung hindi ka sanay," aniya.
Tumango nalang ako bago niya ako iwanan. Buti naman pala at doon nalang siya kakain. Isa pa, nahihiya rin akong makipag-usap sa kanya dahil hindi kami close at manager siya ni Craig.
Ihahatid ko pa sana siya hanggang sa labas ng apartment pero tinanggihan niya agad ako. Ang sabi niya ay hindi na raw kailangan pa at alam niyang may jetlagged pa ako sa byahe.
Hindi narin ako nagreklamo pa at dumiretso nalang sa kusina para kumain. Gutom na gutom narin ako dala narin siguro ng pagod.
Tama nga ang sinabi ni Uriel. The food wasn't that hot anymore pero hindi parin naman ito panis kasi kaluluto palang nito ni Craig bago siya umalis kanina.
Dahil hindi ako sanay na kumain ng hindi mainit, isinalang ko agad ito sa microwave oven.
Ilang minuto ko lang iyon hinintay bago ilabas at naghanda ng mga pinggan para kumain.
Pagkatapos kong kumain ay bumalik ako sa sala para kunin ang maleta ko at pumanhik sa taas.
Napangiti pa ako nang mapansin ang nakadikit na bondpaper sa pintuan ng isang kwarto.
'Charlotte Elle Francisco's room'
Ang weird ni Craig. May pa ganito pa talaga. Pangit naman ng hand written. Seriously? Maganda naman ang sulat kamay niya ah bakit parang ito ay minamadali.
Naisip ko agad si Uriel. O baka naman siya ang nagsulat nito.
Umiling-iling nalang ako at pumasok nalang sa loob ng silid. Nang makita ko ang kama ay agad akong tumalon roon at humimlay.
Tila'y naging magnet ang mattress dahil kahit nasa malayo ako ay nahila ako nito.
At dahil sa tinding pagod na naramdaman ko ay nakatulog ako.
Nagising ako dahil nakarinig ako ng tunog ng tv. Mukhang naka-uwi na si Craig ah. Pupungas-pungas akong bumangon at sinilip ang digital clock sa bed side table.
It's already past 11 at nanonoud parin siya ng palabas? Hindi ba siya napagod sa shooting niya?
Tama nga ang naiisip ko nang mamataan ko siya sa couch at babad na babad sa panonoud ng teleserye. His hands were in the back rest of the couch while his legs was crossed.
Prenteng-prente siyang naka-upo roon habang may nginunguyang Pringles. At kung paano ko nalaman ay dahil sa lalagyan nito na nasa maliit na pabilog na mesa.
"Elle!" Bungad niya sa'kin bago ako lapitan at bigyan ng mainit na yakap.
I hugged him back and tap his back.
Bumitiw rin naman agad siya at iminuwestra ang katabing upuan para paupuin rin ako.
"Bakit gising ka pa?" I asked, sa kanya parin ang tingin.
"Wala kaming shooting bukas kaya okay lang kahit pagod ako..."sagot niya, still his eyes was on the television.
My lips pursed. "Tapos nagpuyat ka pa? Isn't that a bad habit? Dapat nga ay matulog ka ng maaga kahit na tagalan mo nalang ang pag gising mo bukas." Pagsesermon ko pa.
"I'm watching drama eh." He hissed.
Agad akong tumitig sa pinanoud niya. And my mouth forms an 'o' when I saw him there with Hailey Pryl Buenaventura. His leading lady for that drama.
"So, andito rin siya sa Madrid?" I curiously asked without looking at him.
Na curious tuloy ako kung saan siya tumutuloy ngayon. May apartment rin kaya siya rito? Where? Katabi rin lang ba ng apartment ni Craig?
"Yeah, we've always seen each other," tipid niyang sagot habang focus na focus parin sa pinapanood.
"Hindi ko nga lang siya masyadong pinapansin."
My forehead knotted. "Bakit naman?" I asked. "Inaway ka niya kaya bakit ako makikipag-usap sa mga taong may galit sa'yo," his sexy voice lurks into my system.
I tilted my head towards him at sinamaan siya ng titig.
"What's wrong with that?" Natatawa niyang tanong. Napansin niya yata ang hindi maipinta kong mukha.
"Craig! Kami lang naman ang nag-away, hindi ka kasali," pagtatama ko.
Totoo naman talaga. Kami lang ni Hailey ang may alitan kaya kahit magkaibigan kami ng binata ay hindi siya pwedeng maki-alam lalo pa't wala namang ginawa sa kanya si Hailey.
"But we're friends. Friends always had their back together. Problema ng isa ay problema rin ng lahat. Kaya kung kaaway mo siya, kaaway ko narin siya."
"Hindi naman iyan magandang ehemplo Craig."
I tsk and faced again the television. "Artista ka pa naman."
As usual, natatawa lang siya sa tabi ko at kumagat ng Pringles. Hindi pinapansin ang sinasabi ko.
Pagkatapos naming manood ng trailer ng drama nila ay pumanhik na kami sa kanya-kanya naming silid.
Mag-aayos pa nga sana ako ng mga gamit ko eh kaso pinigilan niya ako. Aniya'y ipagpabukas ko nalang raw at baka pagod pa ako sa byahe.
Kinabukasan, ay naabutan ko siya sa kusina, nagluluto ng ulam. At ang gago, naka topless lang habang soot-soot ang asul na apron. Hindi man lang nag damit, kahit alam niyang may kasama na siya ngayon sa apartment niya.
"I know what you're thinking..."
Inirapan ko siya at dumiretso sa fridge para kumuha ng malamig na tubig.
"Hindi ba dapat kape ang iniinom mo?" Puna niya ng mapansin ang pag-inom ko ng malamig na tubig.
I shrugged my shoulder at nilapitan siya. Inilagay ko ang baso sa sink, hinugasan bago ko siya hinarap.
"Hindi ako mahilig sa kape eh," matabang kong wika.
His lips pursed and raised his brows. And then landed his attention to what he was doing earlier.
Habang kumakain ay panay ang kausap niya sa'kin. Magiliw naman akong sumasabay sa mga sinasabi niya.
Ngunit nag-iba lang ang timpla ng itsura ko nang banggitin niya si Rico.
"Narinig kita kagabi, panay ang hagulhol mo."
"It's just, I already missed him. Ano nalang ang sasabihin niya, ni hindi na nga ako makadalaw, iniwan ko pa siya sa Pilipinas,"
Nanubig ang mga mata ko ng sabihin ko iyon sa harap ng binata. Kapag si Rico na talaga ang pinag-uusapan kahit may pagkamaldita ako ay lumalambot ako.
He sighed. "It's okay Elle. Nangako ako diba?," he held my hands, and the assurance was visible in his eyes. "Kapag okay na ang lahat babalikan natin siya, right?"
Mabilis akong tumango bago ibinalik ang toon ko sa pagkain. Paminsan-minsan ko pa siyang sinisilip at nginitian.
Without Craig, my life wouldn't be this colorful. He always make me feel how to bear my pains and sorrow. Laking pasasalamat ko at nariyan siya palagi sa tabi ko bilang kaibigan niya.
With just helping me to flew here in Spain was already a big help to me, pa'no pa kaya kapag natulungan na niya akong makuha si Rico? I would literally be the happiest woman on Earth.
Natigil ako sa pagkain nang makaramdam ng pagkahilo. Agad kong sinapo ang noo ko at ipinikit ang mga mata. Kahit noong nasa airport pa ako ay nakakaramdam na ako nito, baka dala ito ng stress at pagod.
Tumayo ako upang sana ay iligpit ang pinagkainan ko ngunit napahinto rin nang bumalik ang pagkahilo ko. Dumidilim ang paningin ko at tanging ang mahina ngunit may pag-aalalang boses ni Craig ang siyang huli kong natatandaan bago ako mahimatay.
"You're three weeks pregnant Misis Francisco," ang katagang iyon mula sa labi ng doktora ang nagpatigil ng mundo ko.
Maya-maya ay naramdaman ko ang paghaplos ni Craig sa likod ko. Napansin niya yata ang nanunubig kong mga mata. Napakapit ako sa comforter sa may bandang t'yan ko at pinilit na pakalmahin ang sarili.
Hindi ko matanggap.
Paano ko tatanggapin at bubuhayin ang bata'ng ito kung wala rin namang ama?
"I'll prescribe you a vitamins for your pregnancy. And please, if you have time, you can consult me every week to do your healthy check-up."
Pagkalabas ng doktora ay mabilis kong pinahid ang mga luha ko. I faced Craig with a sad look.
"Ano'ng gagawin ko kay Craig...," humahagulhol kong wika.
Hindi ko siya narinig na nagsalita bagkus ay panay hagod lang siya sa likod ko. Comforting me.
"Craig, hindi ko na alam ang gagawin ko!"
"Shh. Don't worry. I'm here. You can always rely on me. It's a blessing, hindi mo dapat 'yan iniiyakan kahit wala 'yang ama."
Kahit wala akong alam sa pagbubuntis ay hindi naman ako binigo ni Craig sa pagpapa-aalalang nariyan siya upang tulungan at alalayan ako.
Sa first trimester lang naman daw ng pagbubuntis ang medyo mahirap dahil naririyan ang pagsusuka, pagkahilo at paglilihi. Kapag natapos ang trimester na iyon ay hindi na raw ako masyadong mahihirapan.
Sa ika-anim na buwan na ako ng pagbubuntis ko nagpa-check-up. Ang sabi naman ng OB-gyne ko na healthy naman raw ang pagbubuntis ko at uminom lang ako ng vitamins for my daily routine.
February 14, 2022
Maaga akong nakatanggap ng tawag mula kay Craig. Ang sabi niya ay hindi siya makaka-uwi mamaya dahil he had to celebrate the valentine's to a special person.
"Sure! Enjoy your date kung sino man siya. Sana next year kasal na ang e celebrate niyo!"
Napahalakhak pa ako nang marinig ang malakas na tawa ng binata sa kabilang linya.
"Hindi na muna. I'll have my limitations..."
Kunwari ay ginagaya ko siya sa mga sinabi niya. At nainis nga siya dahil hindi ko na siya narinig pa na nagsalita.
The next thing I knew, binaba na niya ang tawag.
Sumipol ang ngiti ko sa labi at mabilis na inistalk ang account niya sa i********:.
Craig Lunox, 520M followers, 6 following.
Pinindot ko ang mga account na finollow niya. Sa anim na iyon ay kasali na roon si Hailey. Apat na lalaki ang finollow niya including his gay make-up artist. Ang dalawang natitirang babae ay si Hailey at si Savannah Monleon, his co-leading lady in his previous project.
Ito yatang si Savannah ang dat niya ngayon. Hindi rin naman pwedeng si Hailey kasi nga ayaw niya sa dati kong kaibigan. And knowing Craig, hindi siya nakikipagdate ng hindi artista.
Ang goal niya kasi ay mas sumikat pa lalo pa't halos lahat ng mga naging leading lady niya ay may malaking fandom.
Aniya'y makakatulong raw ang mga iyon sa charisma at popularity niya.
Umiling-iling ako at nag scroll sa mga pictures niya. Ang huling post niya ay iyong kissing scene nila ni Hailey.
Tsk ang baduy naman ng kinaption niya.
The ending we never had?
Pinatay ko nalang ang cellphone ko at nahiga nalang sa kama. Maya-maya ay hinahaplos ko ang umuumbok kong t'yan.
Simula noong makalipad ako papunta rito ay hindi ko na ma contact si Alliyah. She deactivated her social media accounts including his twitter and WeChat.
Iyon ang nakapagbibigay lungkot sa'kin. Tila ba ay tinanggalan niya ako ng karapatang' kamustahin sila ni Rico.
May balita pa naman ako kay Rico dahil may inutusan si Craig na magmanman sa kapatid ko. Ang problema nga lang ay pati sila hindi rin makalapit.
Para ko naring' inilayo ang sarili ko sa kanya, sa kagustuhan kong layuan si Zacheo.
Maghintay ka lang Rico. Tutuparin ko lahat ng mga pangako ko.
Even if it'll takes months or years. As long as I'm willing to take a risk again makuha at makita ka lang muli.