"Muntik na'ko dun," napapahawak pa ako sa dibdib ko.
Sa mansyon muli ako nagpababa dahil gusto ko talagang makita si Lucas. Kinuha ko sa sling bag ko ang face powder at ang lip matte.
It's already 6 in the evening kaya alam ko kung nakauwi na ba si Lucas.
Nagretouched agad ako pagkatapos ay tumungo ako sa gate. Hindi paman ako nakakarating, may lumabas na itim na mercedes benz sa gate kaya ang ginawa ko ay nagtago ako sa halamanan.
Kay Lucas ang kotse'ng iyon. Kung paano ko nalaman, kasi iyon ang ginagamit namin kapag pumupunta kami sa mall.
Nang makitang papalayo na sila, pumara agad ako ng kotse.
"Manong paki sundan ang itim na kotse," i commanded habang tanaw parin ang papalayong kotse.
Huminto ito sa isang high class restaurant kaya bumaba narin ako sa taxi. Sumilay ang sakit sa dibdib ko nang mapagtantong kasama niya si Vivien.
Inalalayan niya siya sa pagbaba hanggang sa makapasok sila sa loob.
I was stopped here for a minute. Sinubukan kong kalmahin ang aking sarili dahil sa nakita.
This is it. Nagkabalikan na sila. And it is because of Zacheo.
Agad kong pinahid ang luhang naglandas sa aking pisngi. Nanginginig akong sumilip sa loob kung saan lulan sila.
Masayang-masaya si Lucas na kahit kailan ay hindi ko nakita noong kaming dalawa ang magkasama.
He snap his finger atsaka may kinuhang maliit na box at lumuhod sa harap ni Vivien. He's proposing to her.
Oh God! How can I take it? Sigurado akong papayag si Vivien na magpakasal kay Lucas.
And my guts was right! Vivien accepted his proposal.
Sa kabila ng pagiging masaya nila, heto ako nagdudusa ng sobra. Sa labas ng restaurant kung saan sila naroroon, I am watching them. My eyes was full of sadness and anger. At the same time ay takot rin ako.
Luminga-linga ako sa paligid nang mapagtantong may nakita akong grupo ng lalaki na pamilyar sa'kin.
"Magpakasaya kayo ngayon Vivien, at bukas na bukas, pupunuin ng luha niyo at pagsisisi kung bakit nangyari sakin lahat ng ito." A tear fell in my eyes and I wiped it.
"Bago pa niya ako mahuli, papatayin kitang babae ka!" I said in anger.
Napagtanto ko ang mga galos at pasa ko sa katawan. It was the time when I was still with him in the Morato. Noong tumakbo ako para layuan siya.
Hindi ko namalayan na natutumba pala ako nang mga panahong iyon, resulting to this bruises.
"Baliw na ang lalaking yun!" I whispered.
Hindi niya talaga ako titigilan sa kabila nang mga naranasan ko sa asawa niya.
Agad ko namang sinulyapan si Lucas.
"Kung sana minahal mo lang ako Lucas. Hindi sana aabot sa puntong kailangan kong manakit ng ibang tao. You made me do this, you'll pay for it!"
"Ayun siya. Habulin niyo dali!" Sigaw ng isang lalaki sa di-kalayuan.
Maya-maya ay hinahabol na nila ako. Kailangan ko munang makapaghigante bago ako nila mahuli.
Kinabahan ako at dali-daling umalis sa lugar. Kailangan kong humanap ng lugar na mapagtataguan.
MALAKAS ang hampas ng alon sa dalampasigan at kasabay rin nang malakas na simoy ng hangin.
May bagyo yata dahil hindi naging maganda ang panahon. Inilibot ko ang tingin sa napakagandang rest house.
I'm in tagaytay waiting for Vivien to come. Madilim narin ang paligid kaya alam kong maya-maya lang ay darating na siya.
Vivien is softhearted. Kahit na gaano pa kalaki ang naging alitan namin ay hindi niya ako itatakwil kapag panganib na ang pinag-uusapan.
Kanina ay tinawagan ko siya upang humingi ng tulong. At nagpa-uto naman siya sa'kin.
Nakaramdam muli ako ng pagkahilo kaya ay umakyat na muna ako sa ikalawang palapag ng rest house. Nagpahinga ako saglit dun nang marinig ko ang boses niya.
"Charlotte?"
Tawag niya sa'kin. Bumaba agad ako upang makita siya.
"Gosh! Salamat at nandito ka na!" I said, my voice was just okay.
Sinalubong ko siya ng peke'ng yakap.
"Anong nangyari sayo?" Tanong niya.
"Mahabang kwento! Halika!" Iginiya ko agad siya sa sofa at pina-upo.
"Kukuha muna ako ng tubig sa kusina, mukhang nauuhaw ka."
Tumango lang si Vivien. Walang kaalam-alam sa mga plano ko.
Pumanhik naman ako sa kusina. Kumuha ng baso at nilagyan ito ng tubig.
"Bago kita patayin, magdudusa ka muna!" Bulong ko. Dinukot ko ang isang sleeping pill sa bulsa at nilagay sa isang baso ng tubig. Dinala ko ito sa sala at iniabot kay Vivien.
"Salamat!"
Sa oras na inumin mo yan, wala kang ka malay-malay sa mga gagawin ko sayo! Kung sana ay hindi kana nagpakita pa kay Lucas, ako sana ang mahal niya ngayon. Hindi sana ito mangyayari sayo!
NAKATAYO ako sa harap ng bintana at may bitbit na baso na may lamang kape. Panay ang haplos ng kaliwang kamay ko sa kanang braso ko saka sinasabayan ng pag higop ng kape.
Isang malamig na gabi sa'kin ang manoud sa nakakalungkot na tanawin. Napakagat pa ako sa pang ibabang labi ko kung kaya't hindi ko namalayang pumapatak na pala ang mga luha ko.
"How could I be so cruel." Pinunasan ko ang mga luha ko at manginis-nginis na kina-usap ang sarili.
"Nang dahil sa isang lalaki nagkakaganito ako. I cannot even stare Vivien dahil inggit na inggit ako sa kanya." Pumatak na naman muli ang mga luha ko.
"You're not that cruel Charlotte." Nilingon ko siya sa likuran ko. Nakangiti siya sa'kin. Lumapit si Vivien sa'kin at kinuha nito ang kape sa kamay ko. Nilapag niya sa lamesa.
"If you think napakasama mo, I don't feel you that way. Kung masama kang tao, edi sana itinuloy mo ang pagpatay sakin, yet you didn't."
Napalunok ako sa sariling laway. Naalala ko ang ginawa kanina. Ang akala ko talaga ay kakayanin ko ang pumatay ng tao para sa pag-ibig pero hindi pala.
Our friendship won. Mas nanaig ang awa at pagmamahal ko sa kaibigan, sa kabila ng inggit ko sa kanya.
Na realize kong marami pa namang lalaki ang magmamahal sa'kin. Kahit na si Zacheo ang gusto ko at hindi niya maibalik sa'kin ang nararamdaman ko.
"Nang kabigin mo ang baso na naglalaman ng sleeping pills at umamin ka, I felt relieved. Your mind never won but your heart did." Dagdag pa ni Vivien.
"I really love him. Kahit alam kong wala akong pag-asa sa kanya. Binigyan niya ba naman ako ng motibo. We even had s*x!" I hissed.
"Ganyan rin ang naramdaman ko nang pagtaksilan niyo ako Charlotte. I was hurt. Kahit hirap na hirap na ako, lumaban parin ako para sa baby ko."
"I had realize Vivien. Hinding-hindi na ako maghahabol sa kanya. I'll let go of him for the sake of you and your baby. Kaya lang..." I hesitated.
"Ano?" she asked. Malungkot ang naging titig ko sa kanya.
"Can I ask you a favor?" Desidido na akong sabihin sa kanya.
"What favor?"
"I want to escape. Away from him!" Sagot ko.
"It's easy Charlotte—"
Umiling-iling ako dahil hindi niya naintindihan ang gusto kong iparating. Ang akala niya ay si Lucas ang ibig kong sabihin kahit si Zacheo naman ang tinutukoy ko.
"It's not that easy Vivien!" Putol ko sa sasabihin niya.
"What do you mean?"
"Tama nga si Hailey. I should've let go Lucas earlier. Sana lumayo nalang ako ng maaga para maka-iwas ako sa posibleng mangyari sakin. All her words happened. Ngayon na karma na ako!"
Bumuhos muli ang mga luha ko. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.
"Hindi kita maintindihan." Aniya ni Vivien. Hinaplos ko agad ang kamay niya at pinaki-usapan.
"Huwag na huwag mong sasabihin kahit kanino ang tungkol sa'kin. Kahit kay Lucas pa o kay Hailey. Never mention me to anyone. I need to leave immediately bago niya pa ako mahuli." Nanginginig ako nang sabihin ko iyon. Kahit na nalilito parin siya ay tumango nalang ang dalaga.
"Sino ba kasi ang humahabol sayo?"
"Hindi na importante Vivien. Gusto kong tayo lang dalawa ang nakaka-alam na nag-usap tayo sa gabing ito. Please, I need you to promise!"
Kilalang-kilala mo siya Vivien at alam kong magtataka ka lang. So I'm gonna keep it up just for me.
Vivien nodded.
Sa kalagitnaan ng pag-uusap namin ay narinig namin ang mga tunog ng sasakyan sa labas ng resthouse kung nasaan kami.
Sinilip namin iyon mula sa bintana. Dalawa ang kotseng naroroon, one from Lucas and sa pagkakatanda ko, kay Zacheo ang isa.
Nataranta agad ako nang makita siyang bumaba.
"I need to go Vivien!" Bulalas ko sa kaibigan.
"B-bakit? Nandito na sila, makaka-uwi na tayo." Giit niya.
"Remember what you promised?"
"Walang makaka-alam kung nasaan ako at saan ako pupunta, okay?"paalala ko.
Pilit siyang tumango. Her eyes was still confused.
"Saan ka dadaan?"
"Sa back door. I need you to clean my mess here." Bago pa ako maka-alis ay ginawaran ko siya ng mahigpit na yakap.
I will miss her.
"Aalis na ako." Bumitaw ako sa yakap namin at nagmamadaling tumungo sa kusina upang makatakas.
Sa pagmamadali ko ay nahulog ko ang kwentas na binigay sa'kin ni Zacheo sa sahig malapit sa back door.
Hindi ko na iyon kinuha pa dahil alam kong nakapasok na sina Lucas at Zacheo sa loob.
Tumakbo ako ng tumakbo at hindi lumilingon sa rest house. Malakas ang ulan at madilim na sa paligid kaya ay hindi ko na maaninag ang dinadaanan ko.
Ang importante ay makalayo ako at hindi niya ako mahuli.
Basang-basa ako nang marating ko ang kabilang resort. Sarado ang mini hotel nila at wala naring katao-tao dahil narin siguro pinaclose nila dahil sa bagyo.
Dumiretso ako sa kotse ni Craig. Iyon ang pinagamit niya sa'kin para raw ay may magamit ako sa mga panahong nangangailangan ako. Like a time like this.
Mabilis kong narating ang hospital at tumungo uli sa silid ni Rico. Alam ko sa mga panahong ito ay gising na siya.
Binukas ko ang pinto ngunit napatigil rin nang mapansin ko ang lalaking nakatalikod sa'kin at nakaharap sa kapatid kong nakahimlay sa hospital bed.
Hugis at paraan palang ng pagtayo ay nakilala ko na agad ang binata. Ang taong kanina lang ay nasa tagaytay at sinusundo si Vivien. Higit sa lahat, ang taong gusto kong layuan.
Dahan-dahan kong isinara pabalik ang pinto at mariing napahawak sa dibdib ko. Bumibilis ang t***k ng puso ko dahil sa kabang naranasan.
It was him again. Bakit ba lagi ko siyang nakikita? Hanggang kailan niya ako titigilan?
Mabilis akong naglakad palayo sa silid ni Rico. I missed him so much but it seems like destiny weren't in favor of us.
Nang makarating sa lobby ay agad kong dinial ang numero ni Craig. Our plans didn't worked.
Pagkatapos nang ilang ring ay sinagot ng binata.
"How was it? Nakuha na ba ng mga tao natin si Rico?" Bungad nito, halata sa boses ang pagka-pagod.
Halos maiyak ako dahil wala akong maisagot sa kanya. Our plan was to get Rico out from this hospital and we'll put him in Craig's condo for one week. After that, we'll processed Rico's papers and our passports para maka-alis ng bansa at doon muna manirahan kasama ni Craig.
Bumuntong hininga siya. "Bakit hindi ka makapagsalita?" He asked, worried. "Paano ko siya makukuha eh nandun si Zacheo? Please tell me Craig. Hindi ko na alam ang gagawin ko," my tears were already falling.
Napasinghap siya. "Hindi pa nga natin nasisimulan ang plano may humarang na," aniya sa mababang boses.
"Maybe, we should left him there for your sake."
Napalunok ako at pinahid ang mga luha ko. Ano ba ang sinasabi niya? Left Rico there for my sake? Hindi iyon parte ng plano.
"A-ayoko Craig. Anong mangyayari sa kanya? I need him to be with me..."garalgal ang boses kong kinausap ang binata.
"Listen Elle. Hindi talaga natin siya makukuha kahit pa sabihing mas may karapatan ka sa kanya. He isn't just a Monterde for nothing!"
"Ikaw lang ang aalis sa bansa kasama ni Uriel," aniya, referring to his manager na umuwi muna sa Pilipinas para sunduin kami.
"Ayoko Craig. You promised na isasama natin siya, then how come maiiwan siya?"
"Elle. Hindi mo siya permanenteng maiiwan. Babalikan natin siya kapag malamig na ang lahat sa inyo ni Zacheo. Kukunin natin siya. I will make an eye for Rico there to ensured his safeness." Litanya niya bago pa ako makapagsalita muli.
Muling pumatak ang luha ko. Hindi ko talaga kaya.
Nang makapasok ako sa kotse ay nag-isip-isip muna ako bago buhayin ang makina nito.
I'm really sorry Rico. I promised babalikan kita. And this time, ay totoo na.