Chapter 16

2037 Words
Ala una ng hapon nang dumating ang inutusan niyang magdala ng kotse niya kaya naman ay hindi na namin sinayang ang oras at bumyahe na kami pabalik ng San Diego. Nagpahinto lang ako sa labas ng mansyon nina Lucas. "Are you sure dito ka bababa? He's Lucas brother at baka mabisto ka pa niya," nag-aalala niyang giit. I shrugged my shoulder and smiled at him. "Sandali lang naman ako rito," sagot ko. Pinakiusapan ko muna si Kio na huwag niyang ipaalam kay Zacheo ang pagtulong niya sa'kin bago kami maghiwalay ng landas. Humarap uli ako sa mansyon at tinitigan ang kabuuan nito. I will miss this, even though the memory was painful. Natawagan ko na kanina si Craig. He's very worried dahil hindi niya raw ako ma contact ng isang buwan. Hindi ko rin naman sinabi sa kanya ang naging sitwasyon ko at baka kasuhan niya pa si Zacheo. I just said na naging busy lang ako sa kapatid ko at nanakaw ang cellphone ko kaya ganun. At first ay nagduda siya pero kalaunan ay tinigilan niya na rin ang pagtatanong tungkol sa'kin dahil napansin niyang hindi ako komportable. "Sana nandyan ka lang sa loob Lucas..." I uttered bago sumilip mula sa labas ng gate ng mansyon hanggang sa lanai ng bahay. Wala ang mga guards nila at tila ay may ginagawa sa loob kaya kahit pumasok ako ngayon dito ay hindi nila ako mapapansin. I decided to go in when I suddenly stopped because of what I saw. It was Tita Bella and Sabrina—i mean Vivien. They were laughing at each other na tila ba ay tunay silang mag-ina. I felt pain stabbing my wounded heart. I never saw Tita Bella smiling like that to me. Maybe because ayaw niya talaga ako para kay Lucas kasi sa tingin niya si Vivien ang karapat-dapat sa bunso niya. Nakaramdam ako ng awa para sa sarili. Sa tingin ko ay ang dumi kong tao. Walang gustong makisama sa'kin. Lahat sila tinalikuran ako. The only precious I had right now was just Rico and Craig. Nagngitngit ako sa galit nang may iniabot sa kanya si Tita Bella na agad niyang tinanggap. Napatakip pa siya sa bibig niya nang makitang ang binigay sa kanya ni Tita ay isang mamahaling limited edition bag. Agad akong tumalikod bago punasan ang luhang pumatak sa pisngi ko. That's possible 'cause she's their favorite. Kahit kailan ay hindi ako tinrato ni Tita ng ganon. She's mean to me. No! They're mean to me! Lahat sila, walang pinagkaiba. "Okay ka lang ba dyan sa condo ko?" Mahinhing tanong ni Craig sa'kin minsan habang tinawagan ko siya. I smiled kahit alam kong hindi niya ako nakikita. "Hmm yeah...hindi na ako makikita ni Zacheo rito." "Good. Suit yourself and feel at home!" He chuckled before ending the call. Tumayo narin ako atsaka nagbihis na ng damit. This time, bibisitahin ko si Rico sa hospital. Tinawagan ko lang si Alliyah kanina upang itanong kung maayos lang ba si Rico sa hospital, and she said malapit na raw gumaling ang kapatid ko. I stopped in Jollibee to buy foods. Balak kong dalhan si Alliyah kasi alam kong gutom na iyon kakabantay kay Rico. Speaking of which, Alliyah is a closed friend of my younger brother. The very first time he was in the hospital, she were there to took care of him. Kahit na nahihiya ako sa pagtulong niya, she never agreed on relaxing dahil kaibigan niya raw ang kapatid ko. I stood up when the thing in my hand sounded. Pumunta agad ako sa counter para kuhanin ang order ko. Habang sumasakay ng taxi ay sa labas lang ng bintana ang tanaw ko. The weather was nice. Maganda rin sana kung malaya akong makakapagliwaliw kasama ni Rico. I've been wishing about it. And I think one day, my wished would be granted. Natigil lang ako sa pag-iisip nang makarating na ako sa hospital. Sumakay lang ako sa elevator hanggang makarating sa 5th floor pagkatapos ay iginiya ko ang sarili sa silid ni Rico. And there, I saw him laying in bed with Alliyah on his side. Alliyah landed her gaze on me. Naawa agad ako nang mapansin ko ang dark circles sa mga mata niya. She's tired at kulang pa sa tulog. Agad siyang lumapit sa'kin para bumeso. Masigla niya akong nginitian. Hindi rin siya makapaniwala na sa halos isang buwan kong hindi nagpakita sa wakas ay nakita niya narin ako. "Kumusta ka ate Elle? Nabasa ko ang reply mo sa'kin kaya napanatag agad ang loob ko. I thought hindi ka na magpapakita eh." I chuckled and brushed my hands in her hair. She's very sweet and kind. No wonder why Rico had a deep feelings for her that she didn't noticed. Inosente, ika nga. "Pwede ba naman 'yun? Eh namiss ko nga kayo eh," i replied smiling. Nakangiti niya akong binigyan ng monobloc saka umupo sa tabi ko. Ngayon ay nakatingin kaming dalawa sa natutulog na si Rico. Hindi parin nagbabago ang ayos niya. He's lips was very pale and his body was still skinny. Ilang buwan na siyang naririto sa hospital at nagpapagaling. Hindi ko rin naman siya makausap nang maayos kasi kapag nagigising siya ay wala ako palagi. Nagi-guilty tuloy ako dahil sa mga ginagawa ko. Ang totoo ay nagliliwaliw lang naman ako sa piling ni Lucas na wala rin namang gusto sa'kin. Kung tutuosin, dapat ay sa kanya ko binabaling ang atensyon ko lalo pa't nahihirapan siya sa sakit niya pero ayun ako sa kakahabol sa taong may iba namang gusto. "Lagi ka niyang hinahanap sa tuwing nagigising siya. Naaawa rin ako sa tuwing wala akong maisagot sa kanya kung nasaan ka. Ang sabi ko nalang nagtratrabaho ka para mabayaran ang bills niya dito sa hospital..." I heaved a heavy sigh. I'm sure nahihirapan na ang kapatid ko. Napeperwisyo ko narin si Alliyah. "Wala ka bang pasok?"pag-iiba ko ng topic dahil nagiging emosyonal na siya. "Semester break namin ngayon. Gusto sana akong isama ni mama sa probinsya kaso tinanggihan ko. Alam mo na, Rico needs my help..." "Nandito na naman ako Alliyah. Umuwi ka na muna sa inyo at magpahinga ka. You sound tired." Nag-aalala kong suhestyon bago tapikin ang balikat niya. Ngumiti lang siya at muling tinitigan si Rico. "I'm really okay ate. I'm worried about you..." "What do you mean?" "K-kasi ano—"natataranta niyang giit. Hindi siya mapakali at panay ang pagkagat sa kuko niya. From a calm expression to a tensed one. "Kasi ano?" I asked. "M-may naghahanap kasi sayo lagi rito?" "A-ano?" "Palagi ka niyang tinatanong sa'kin kung nagagawi ka raw ba rito. Kilala ka niya ate eh, hindi ko alam kung kaibigan mo siya o ano—" Napatakip ako sa bibig ko nang pumasok sa isipan ko ang imahe ni Zacheo. Siya lang naman yata ang maghahanap sa'kin at wala ng iba. Hindi rin naman si Craig kasi kilala siya ni Alliyah at baka naglupasay na ang isang'to sa kilig kapag nakita ang binatang artista. "Matagal na ba siyang pumupunta rito?" "Ngayong linggo lang ate..." Nanginig ang buong sistema ko sa narinig. Malamang ay hinahanap niya na ako. Oh no, hindi niya ako maaaring mahanap. Kapag nagkataon ay wala na akong takas sa kanya. Kinalma ko ang sarili at hinarap si Alliyah. "Minsan lang ba siyang dumadalaw dito? Anong oras siya nagagawi rito?" I almost murmured. Nag-isip pa si Alliyah sandali bago ako tingnan muli para sagutin. "Araw-araw eh madalas ngayong oras siya bumibisita rito..." I stood up quickly and run to the door. Maingat kong binukas ang pinto atsaka sumilip sa labas. Hindi nga nagkamali si Alliyah nang sabihin niyang ganitong oras ito nagagawi rito dahil nasilayan ko agad siya sa di-kalayuan na nagmamadaling naglalakad papunta sa silid kung saan narito ako. "A-anong gagawin ko Alliyah..." Alam niya na kung ano ang ibig kong sabihin. Maybe she knew why I was this tensed when we talked about him. "P-pasok ka muna sa banyo. Ako na ang bahala'ng iligaw ang atensyon niya." Agaran niyang sagot bago ako itinulak papasok sa banyo. Kung robot lang ako ay hindi ako mahihilo sa paglalakad ko ng parito't paroon, ngunit dahil ay isa lamang akong hamak na tao, nakaramdam agad ako ng pagkaduwal. Mabilis kong tinakpan ang bibig ko at maingat na binuksan ang takip ng toilet bowl. Doon ay nagsuka ako ng nagsuka. Weird! Wala naman akong nakain na panis or pagkaing ayaw ng sikmura ko. Masyado nga akong mapili sa mga kinakain ko maliban nalang noong nasa bahay ako ni Zacheo. Kaninang umaga ay nag toast lang ako nang bread na pinaresan ko rin lang ng mainit na kape. Kaninang lunch rin ay menudo ang inulam ko which is nasanay narin naman ako dun. Tumayo ako sa pagkakaluhod at dumiretso sa lababo upang magmugmog at maghilamos. Pagkatapos ay nag-angat ako ng tingin upang makita ang itsura ko sa salamin. Ngayon ko lang namalayan ang maputla kong labi. Natulog naman ako ng maaga kagabi ah. Or is it just normal dahil hindi parin mawala ang kaba sa sistema ko? For petes sake, sino ang hindi kakabahan kung nandyan parin sa labas si Zacheo. Isang oras na akong nandito sa loob at wala pang senyas ni Alliyah ang nagsasabing lumabas na ako. "Parang may narinig ako dito sa banyo..." Napalunok agad ako nang marinig ko ang baritono niyang boses na sa tingin ko ay nasa labas na ng pintuan. "A-ah ang totoo..." Naku Alliyah 'wag mo'kong ilalaglag! "What?" "M-may pusa kasi talagang nag-iingay dyan sa loob eh..." Agad akong nakaramdam ng panghihina. I felt my knees were a pair of marshmallow. Nahihirapan rin ako sa paglunok ng sarili kong laway. Pakiramdam ko ay nanuyot ang lalamunan ko sa sobrang kaba. Ilang minuto pa akong naririto sa banyo nang buksan ni Alliyah ang pinto at kinausap ako bago lumabas. "Naka-alis na yata ate Elle," aniya habang hindi parin mapakali sa pag-alalay sa'kin. "Aalis narin ako Alliyah bago pa niya ako mabalikan rito..." Tumango ang dalaga bilang sagot. Nilapitan ko agad ang natutulog na si Rico at maingat siyang hinalikan sa noo. Hindi niya na naman ako makikita kapag nagising siya. "I'm really sorry Rico. I promise I'll see you whenever it's safe." "Gotcha!" Mula sa elevator na nilabasan ko ay naka-abang na agad si Zacheo. Halos mapatalon ako sa gulat nang higitin niya ako sa braso at dinala sa madilim na parte ng parking lot. "Aray! Ano ba?!" I exasperated when he finally let go of me. "My guts was right. Ikaw nga ang nasa loob ng banyo kanina!" I gasped in frustration. Bwesit! Nahuli na ako, hindi ko pa nga nasisimulan ang pagtakas. "Fine, fine! You got me!" I raised my brows towards him. "Happy?" Inis ko siyang tinalikuran at naglakad nalang palayo ngunit nakasunod parin siya. "Are you really that stupid? How can you be so sure na hindi kita mahahanap?" I scoffed. "Alam ko namang mahahanap mo'ko eh. Ang point ko is, ang ganda ko ba talaga para habul-habulin mo?" Tumalikod muli ako sa kanya at naglakad palabas ng parking lot. As usual, nakasunod lang siya panay ang talak. "Iba ang habol ko sayo..." "And it was s*x," diniinan ko pa ang huling salita kaya narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. At mukhang tama nga ang sinabi ko. "But sorry Zacheo. I don't do s*x sa mga taong may asawa na. Unless, the wife is away..." Kalmado lang ang pagkakasabi ko na halata namang hindi niya binibigyang pansin. Ang importante sa kanya ay ang makasunod siya sa'kin. "Listen you woman!" May diin niyang giit. Nagtuloy-tuloy lang ako sa paglakad hanggang sa may dumating na taxi sa harapan ko. Ngumisi ako at hinarap ang binata. "I'm listening Mr. Monterde. Let me say this words to you..." I started with a mocking reaction. "I'm thankful dahil naging sakit ka sa ulo ko. And I bet it's gonna be the last time you'll see this beautiful face of me again...cause I'm leaving Adios!" And before he could speak any words I already enter the taxi and commanded the driver to speed it. Narinig ko pa ang pagmumura niya nang makita akong nakasakay na sa loob. He thinks he won this time. Buti nalang talaga at may utak rin ako kahit papano. He lost!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD