ALAS-ONSE na nang maisipan naming kumain dalawa. Dahil tinatamad kami parehong magluto, nagpabili na lang si Karina ng pagkain sa driver niya. Habang hinihintay namin dumating ang ipinabiling tanghalian ay sa sala muna kami tumambay na dalawa. Dala ang sketch pad ko at isang matulis na led pencil ay sinusubukan kong mag-drawing ng mga bagong disenyo ng damit. Plano ko ay gumawa ng summer line na mayroong mga swim suits at iba pang mga damit na presko at medyo kita ang balat na bagay sa panahong tag-init. Si Karina ay may hawak na remote ng TV at nagchachannel surfing. May cable naman ang TV kaya't marami siyang pwedeng panoorin. Nakapatong ang paa naming dalawa sa lamesa. Kung titingnan ay dalawa kaming nakaputi na nakaupo sa couch na itim. Nakakadalawang drawing pa lang ako ng swim suit

