"Hindi. Di ko naman siya gustong makita. Isa pa, kung ayaw niya makipagusap, e di 'wag! Siya naman nakipaghiwalay. Wow ha, ako si Freya Sevilla, maghahabol sa lalake?! Kahit pa 10 years kaming mag-jowa wala siyang mapapala na sa 'kin simula nang layasan niya 'ko sa seminar sa simbahan!" Napapailing na lang ako kapag naalala ko kung ilang taon ang sinayang ko sa taong iyon. Si Stefano na nagpropose magpakasal tapos ay iniwanan naman ako sa simbahan. Ang ipinagpapasalamat ko na lang ay noong seminar sa simbahan niya ako iniwan at hindi sa mismong kasal. Pagkatapos noon ay nagpadala lang siya ng text message at isang sulat na nakaipit sa puting rosas na nagpapaalam at nakikipaghiwalay. "Hindi mo ba talaga namimiss ang gagong 'yon?" Follow up question ni Karina. Napairap ako at napabuntongh

