ANG kaligayahan dulot ng bago kong negosyo ay nahaluan ng pighati. May mga tao na dumating ngunit may mga tao ring nawala. Nakatatak sa ala-ala ko lahat ng mga tagpong iyon na parang kahapon lamang. KASARAPAN ng tulog ko nang maalimpungatan ako sa malakakas na kalabog at boses na kilalang-kilala ko kung kanino nanggaling. Nagtakip ako ng unan sa ulo sakop ang tainga. Gusto ko pa sanang matulog dahil pakiramdam ko kakapikit ko pa lang. "Besh! Ano ba?! Kapag hindi mo binuksan ang pintuan, sisipain ko na lang talaga 'to! Mahal magpapalit ng mga fixtures ngayon kaya buksan mo na!" Kahit nakatakip ng unan ay umaalingawngaw pa rin ang boses niya. Wala na akong magawa kung hindi alisin ang unan at piliting dumilat. Napahikab pa ako habang dahan-dahang bumabaling sa kanan kung nasaan ang side ta

