42-Memories 3

1531 Words

SA Rodeo Drive kami unang nagpunta noon ni Frion. Pangalawang beses ko nang makarating doon dahil noong unang punta ko ay si Frion at Ate Ara ang kasama ko. Hindi nga lang kami masyadong nakapag-ikot dahil madaling mapagod ang hipag ko. "Iba talaga ang shopping vibes dito sa Cali. Parang ang dami-daming pagpipilian." Hindi masyadong maraming tao sa shopping district na iyon. Marahil dahil walang mga Sale items. Off peak season ng mga shoppers. Ang usual na malalakihang sale ay kapag Black Friday Sale na parang hudyat ng simula ng Christmas Shopping sale dahil nasa end ito ng November at ang Independence Day sale tuwing Hulyo. Ang shopping season doon ay hindi kagaya sa Pilipinas na lahat ng okasyon ay may sale at whole year round ay maraming pwedeng puntahang mall na may ma promo at sale.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD