Akala ko noon, okay na ang lahat. Stefano and I set a date for our wedding, sa eksaktong tenth anniversary namin ng July 30 naka-set ang kasal. February noong nag-date kami at nagpropose siyang muli kaya't nilakad kaagad namin kaagad ang mga papers. Milagro din na nakapagpareserve kami ng slot sa Manila Cathedral sa araw ng kasal. Ang kailangan na lang ay umattend kami ng mga series of seminars para sa mga magpapakasal. We planned our wedding without telling his parents. Ni walang pamamanhikan na naganap. Ang sabi ni Stefano ay nasa Brunei ang parents niya at one week before the wedding pa darating. Hindi na ako namilit pa dahil hindi naman talaga kami close ng parents niya. We were civil whenever we would meet. Sa siyam na taong relasyon namin ni Stefano ay tuwing may okasyon lang kami

