Honeymoon?

1379 Words
"Okay mukhang di mo ako kilala. Let me do it again. My full name is Lanrick Cedi Emmanuel M. Verdillo. In the business field, they called me Lance. I'm Lance Verdillo, the only son of Samuel Ricardo Verdillo. Siguro naman kilala mo si dad?", pagpapakilala niya na nakapagpanganga sa akin. "Ikaw? Anak ka ng isa sa mga pinakamayayamang businessman sa Pilipinas? Wag mo nga akong pinaglololoko," dinuduro ko pa siya. Nakakainis. "Yes, and I'm telling you the truth. Here." Inabot niya sa akin ang cellphone niya at pinakita ang family picture nila. Nagsasabi siya ng totoo. "So, bakit ka nandito? At bakit mo ako pinadukot? Bakit ako ang napili mong ikasal sa iyo? Bat hindi babae? Andami kong tanong, pasensya na", sunod-sunod kong tanong. Natawa lang siya at ngumiti. "First of all, hindi ako ang namili sayo. I ordered my bodyguards, and nagkataon na ikaw yung nakuha nila. Now regarding sa kung bakit lalaki ang pinadukot ko, I don't want to have burden kung mabubuntis ko yung babae na kukuhanin nila. And...", bigla siyang tumayo at lumapit sa akin. "I already had s*x with a guy before, and I find it more heavenly and sensational", bulong niya sa akin sabay hawak sa likod ko. Tinulak ko naman siya ng malakas na tinawanan lang niya. "Hindi ako bakla!", sigaw ko sa kanya. "Well, hindi ganoon ang nakikita ko. And you never know hahahahaha", sabi niya at tumawa lang. Sinamaan ko lang siya ng tingin. Ilang minuto rin namayani ang katahimikan sa pagitan namin ng muli akong magtanong. "So ano na ang mangyayari? Pwede na ba akong umuwi? Hinahanap na ako ng mga kaibigan ko." "We're going home tomorrow. Magpaalam ka sa kanila. Pack your things up. We'll going back in the Philippines. Ipapakilala kita sa mga parents ko", nakangiti niyang sabi. Napanganga naman ako. "Ipapakilala? Nasisiraan ka na ba ng bait? Bakit mo ako ipapakilala sa kanila?" "Because you're my husband", nagpintig ang mga tenga ko sa sinabi niya. "What if hindi ako sumama?", naiinis kong sabi. "Edi ipapakuha ulit kita sa mga tauhan ko" natatawa niyang sabi. Napasimangot naman ako sa sinabi niya. Akala niya siguro nakikipagbiruan ako sa kanya. Nakita ko naman na sumeryoso ang mukha niya. Tumayo siya at lumapit sa akin. Napaatras naman ako. "Wag kang lalapit. Sumasakit ang ulo ko. Gulong gulo ako, okay?", nakayuko kong sabi. Naramdaman ko siyang lumapit at hinawakan ako sa balikat. "Calvin, I need you. I need you in this one. Please. I'm willing to explain everything, just let me. Please", nakatingin siya sa mga mata ko at somewhat, nakaramdam ako ng sincerity. So pumayag ako. Naupo kami sa kama at nagsimula siyang magkwento. "My father will arrange a marriage for me. Ipakakasal niya ako sa anak ng bestfriend niya, na hindi ko gusto. Once kasi na maikasal kami, her family wants me to live with her sa kanila, which is weird kase di'ba dapat yung babae ang titira sa bahay ng lalaki. And most of all, ayokong matali sa kanya. I still want to be free, to do all the things I want. And to mention na rin, She's living here sa Thailand." "So bakit ka nagpakasal sa akin, ayaw mo palang matali", tanong ko sa kanya na tinawanan niya. "Wait, so fake ang kasal natin?", dagdag kong tanong sa kanya, muli na naman siyang tumawa. Mukha ba akong clown? "Of course not! Hindi fake ang kasal natin", sagot niya. Hindi ko alam pero, medyo natuwa ako na ewan. "Kaya nagpakasal ako ay para tigilan na niya ako. And kaya sa lalaki ako nagpakasal ay para talaga mawalan siya ng urge to marry me. She's rushing the wedding for no reason, and bukas na yon", sabi niya na nagpalaki ng mga mata ko. Bakit parang nakakaramdam ako na malaking gulo itong pinasok ko. "Nakakatakot naman itong pinasok kong gulo." "Don't worry, I will assure your 100 percent protection. Walang mangyayaring masama sa iyo. You just have to be my husband, attend gatherings and events, live with me in our own house which I had just bought. Sundin mo lang yon, and everything will be fine", hindi pa din ako maka-oo, hindi ako sure. Paano nalang ako haharap sa mga magulang ko? Like, "Mom, Dad, kasal na po ang bunso niyong anak. Kasal na po ako, pero di ko po kayo mabibigyan ng apo dahil lalaki po ang asawa ko." Iniisip ko pa lang ang mga bagay na ito ay kinikilabutan na ako. Plus yung situation niya, sobrang complicated. Parang ako ang maiipit sa sitwasyon niya. What will happen to me pag nalaman ng mapapang-asawa niya na kasal na pala siya. At ano ang mangyayari kung malalaman ng Dad niya na kasal na siya at hindi na matutuloy ang kasal na gusto niyang mangyari? For sure hindi ako matatanggap non. Tsaka hello. 22 pa lang ako. Teka, ilang taon na ba siya? "I know you're still doubting. But please I need your help. Please, maybe until everything comes back to normal again", hinawakan niya ako sa kamay para maging mas convincing. Hindi ko alam ang sasabihin. Ayokong pumayag, pero may nagtutulak sa akin na huwag tumanggi. "I promise, hindi ka nila magagalaw, if you're thinking na they will get back on you. I will assure your safety while you're with me. But again, I need you. Please", mukha naman siyang sincere. Kaya napatango nalang ako. Niyakap naman ako sa sobrang kasiyahan. Hindi ko alam kung anong mangyayari pagkatapos nito, bukas, at sa susunod naga araw, lalo na kapag nakaharap ko na ang mga taong sinasabi niya. Pero bahala na. "Thank you, very much. I owe you this one, Calvin Verdillo", nanginig ang buo kong katawan sa sinabi niya. Oo nga pala, mag-asawa na kami. "Pwede ba, wag mo na uulitin yan, dahil kinikilabutan ako. Hindi nga kita lubusang kilala." sabi ko dito. Tinawanan lang niya ako. "We should work on that one. I'm sure they will dig into our relationship kaya mabuting alam natin ang isasagot sa kanila. Let's go back to the beginning." sabi niya. At muli siyang nagpakilala. "My full name's Lanrick Cedi Emmanuel Matthews Verdillo. 23 years old, and gaya ng alam mo na ako ang nag-iisang anak ng parents ko", pagsisimula niya. At marami pa siyang kinuwento. Like mga hobbies niya, pinagkakaabalahan, mga paboritong kainin, mga madalas puntahan na lugar, schedule, sport, personal life, and even s*x life. Napamura nalang ako sa ilang kinuwento niya. "How about you?", tanong niya sa akin. "Ummm.. Full name ko is Calvin Aeon Aguas De Leon. 22 na ako. And I just graduated last week, actually kaya kami nandito is para makapagbakasyon", at gaya ng ginawa niya ay nagkuwento din ako tungkol sa buhay ko. Ang dami namin napag-usapan. Napag-usapan na rin namin ang lahat, parang nakaplano na rin talaga ito na matagal na niyang binuo. Sinabi niya sa akin ang mga bagay na dapat naming isagot sakaling itanong iyon sa amin. Gaya ng kung paano kami nagkakilala, gaano na kami katagal, mga ganoong bagay. Nakapagpakita na rin siya sa akin ng mga larawan ng taong dapat kong tandaan. Kabilang na doon ang kanyang pamilya. Natuwa naman ako sa mga nangyari ngayong gabi. Aaminin ko, nakakaexcite itong gagawin namin. Sana lang ay hindi kami magkamali. Hindi ko man alam ang kalalabasan nito, o kung magiging successful ba ito, ay nakikita ko na magiging masaya ang lahat. Bilang isang curious na nasa ganitong edad ng buhay, go lang ako ng go. Sa ngayon ay maghahating gabi na at nakaligo na rin kami pareho at naghahanda na matulog. Suot pa kasi namin ang mga damit namin sa kasal kanina. Kailangan kong maghanda. Kailangan kong ihanda ang aking isipan at sarili dahil simula na ng isang nakakabaliw na buhay ko bukas. Bigla kong naramdaman ang presensya niya sa likod ko. Tama nga ako dahil tinulak niya ako at pumatong siya sa akin. Ganoon nalang ang gulat ko ng halikan niya ako. "Baka nakakalimutan mo, kaya ipapaalala ko sayo. We just married a while ago. And you know what comes after a marriage. And it's a honeymoon", mahina niyang bulong habang magkadikit ang aming mga noo. Muli ay hinalikan na naman niya ako. He's right. I just marry him. An instant marriage. I am his husband now.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD