Instantly Married

1009 Words
LOVING LANCE Chapter 2 Kung anu ano na ang pumapasok sa isip ko ng mapansin ko na papalapit kami sa isang spot na nasa beach. Nakaayos ng mabuti ang lugar. May mga bulaklak at mga ilaw na nakahilera sa dinadaanan namin. Walang katao-tao sa parteng ito ng beach. Pero may natatanaw akong ilan sa pinakasentro ng decorated part ng beach. Naramdaman kong binitawan ako ng mga lalaking nakahawak sa akin. Inabutan ako ng isa sa kanila ng bouquet ng bulaklak. Nagtataka man ay kinuha ko ito. Inutusan nila akong magpatuloy sa paglalakad, na siyang ginawa ko. Natatakot akong lingunin sila dahil baka may baril silang hawak at barilin ako. Papalapit na ako sa tatlong tao na nasa gitnang bahagi ng beach na ito. Hindi ko sila maaninag mula sa kinatatayuan ko, medyo malabo kasi ang mata ko at hindi ako nakasalamin ngayon. Ngunit ng makalapit ako ay doon ko nakita ang tatlong lalaki. Isa sa kanila ay may kaparehas ng suot ko. Ngayon ay naiintindihan ko na ang nangyayari. Mukhang siya rin ay bihag ng mga lalaki na ito at gaya ko, ay papatayin din nila. Tiningnan ko siya sa mukha at aaminin kong nagagwapuhan ako sa kanya. Sayang naman at mamamatay na kaming dalawa. Nagsalita na ang isang lalaki na nakatayo sa harapan namin. Ang dami niyang sinabi, pero wala akong naintindihan ni isa. Sa tingin ko ay katulad ng mga dumakip sa akin, siya ay taga dito sa Thailand. Gusto ko pa nga sana sabihing Sawadee lang ang alam kong salita dito. Maya maya ay may inabot sa akin ang lalaking kamukha ko ng suot. Isang singsing ang inabot niya sa akin. Hindi ko naman siya matanong dahil baka di niya ako maintindihan. "S̄wm s̄ìng nī̂ (wear this)", sabi niya. Siguro ay binibigay na niya sa akin, dahil hindi naman niya iyon madadala sa kabilang buhay. Well, ako din naman. Parehas lang kaming mamamatay. Pero kahit ganoon pa man ay kinuha ko na iyon, para kahit man lang sa pagkamatay ko may remembrance si Kuyang pogi. Pagkasuot ko ay muli na namang nagsalita ang lalaking nasa gitna. Ang dami na naman niyang sinabi na sa tingin ko ay huling habilin. Ilang sandali ay tumingin ito sa akin. Tumingin din ako sa kanya dahil parang naghihintay siya na may sabihin ako. "Ummm", wala akong maisip. Hindi naman ako nakakapagsalita ng lengguwahe nila. "Khæ̀ phūd ẁā chı̀ (just say yes)", Sabi ng lalaking katabi ko. Hindi ko rin siya maintindihan, at mukhang nagets naman niya. "Ohh, I guess you can't speak and understand Thai. Just say yes to him", sabi nito. Marunong naman pala mag-english. Pero bakit parang okay lang sa kanya. "Don't tell me, hindi ka rin nakakaintindi ng English?", napanganga ako sa sinabi niya. Wait lang. Pilipino din siya? "Wait, Filipino ka den?", tanong ko sa kanya. Pero parang nairita lang siya at muling nagsalita. "Just answer yes to him, para matapos na ang lahat." Napatitig nalang ako ng masama sa kanya. Oo nga naman. Mamamatay nalang kami, bat pinatatagal ko pa. "Yes", sagot ko sa lalaking nasa gitna. At nagsalita na naman siya ng kung anu-ano na hindi ko naintindihan. Napatingin naman ako sa katabi kong lalaki at tango lang siya ng tango sa nagsasalita. Gwapo sana, masama lang ang ugali. Nagulat naman ako ng magpalakpakan ang mga kasama namin dito. Ano bang nagyayari? "Okay, you may now kiss your husband", sabi ng nasa harap namin na naging dahilan para manlaki ang mga mata ko at matik na napatingin sa lalaki. What the hell! Ano daw? Kiss? Husband? What?! "Anong sinasabi - - -", bigla niya akong hinawakan sa kamay at hinila papalapit sa kanya. Bigla niya akong hinalikan. "Wag ka na tumanggi. I'll explain everything to you later. Mukhang hindi mo naintindihan nung sinabi sayo ng mga tauhan ko na kumuha sa iyo", mahina niyang sabi pagkatapos akong halikan. What the hell. (fast forward) "Hi, I'm Lanz, and you are?" tanong ng asawa ko. Kakakasal lang sa amin at nandito na kami ulit sa hotel kung saan ako nagstay kanina. Parang naubos yata ang lahat ng dugo sa katawan ko sa mga nangyari. Una, dinukot ako at inakalang papatayin ng tatlong lalaki na dumukot sa akin. Pangalawa, ikinakasal na pala ako kanina, wala akong kaalam alam. At pangatlo, ikinasal ako sa isang tao na hindi ko man lang kilala kung sino. At heto siya ngayon at nagpapakilala sa akin, hindi bilang bagong kaibigan, kundi bilang asawa. Ikinasal ako ng hindi man lang alam ang pangalan niya, kung sino ba siya, kung taga saan ba siya. Wala naman kaso sa akin na lalaki siya. I'm a bisexual naman. Pero, hindi ko pinangarap ang ganito! "Calvin", mahina kong sabi. Hindi ko alam ang sasabihin. Naiilang ako. Nakaupo lang siya sa kama habang nakatayo ako malapit sa pinto. Hindi pa din kami nagpapalit ng damit. Napatingin ako sa daliri ko kung saan nakasuot yung singsing. Buong akala ko kanina ay binigay lang niya iyon sa akin kanina. "Okay, so that's a good start for a newly wed hahaha. Now, I believe hindi mo naintindihan kung bakit ka nandito, kung bakit ka dinukot at kung bakit ka ikinasal sa akin. I'll tell you everything but you have to promise me that everything will be a secret", mahaba haba niyang paliwanag. Hindi ako sumagot kaya nagpatuloy lang siya. "I'm Lanz Verdillo, ever heard of my name somewhere?", tanong niya, tinaasan ko lang siya ng kilay. "Nope. Bakit, sino ka ba?", maangas kong tanong.Parang ang yabang niya kasi sa tono ng pananalita niya. Kala mong kung sino. Malamang di ko pa naririnig pangalan niya, eh ngayon pa lang naman kami nagkakilala. "Okay mukhang di mo ako kilala. Let me do it again. My full name is Lanrick Cedi Emmanuel M. Verdillo. In the business field, they called me Lance. I'm Lance Verdillo, the only son of Samuel Ricardo Verdillo. Siguro naman kilala mo si dad?", pagpapakilala niya na nakapagpanganga sa akin. What? Nagbibiro lang siya diba? Totoo ba? Totoo bang siya ang nag-iisang anak ni Mr. Samuel Verdillo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD