bc

Things Will Go My Way

book_age4+
0
FOLLOW
1K
READ
others
like
intro-logo
Blurb

Totoo nga sigurong sa 'Firstlove never die' o baka naman paulit ulit lang talaga ang nararamdaman mo sa isang tao. Apat na taong nainlove si Andreya kay Navien.

Sa buong buhay niya sa Highschool ay si Navien lang ang laman. Ngunit nang siya ay mareject nito ay hindi na niya muling binuksan ang kanyang puso para dito. Mapipigilan ka niya? Magkakatotoo ba ang mga What If's niya? o aasa na lang talaga siya wala?

chap-preview
Free preview
Prologue
Prologue Rejected "Okay, maaari na kayong mag usap sa gagawin ninyong aktibidad. Umaasa akong magiging maganda ang inyong proyekto. Salamat." Bilin ni Mam. Mylene bago umalis, siya ang filipino subject namin. Para sa Final Project namin, maglalaban laban ang lahat ng seksyon sa ginawa namin project. Gagawin naming film ang EL FILIBUSTERISMO. Nag usap kami kung sino ang magiging Maria Clara at ang magiging Crisostomo Ibarra. Ang napili namin ay sina Karen at Heron. At ako naman si Mam. Victorina. Si Navien ang magvi-video at mage-edit. At si Freggy naman ang mag Na-narrator. Si Couleen naman ay ang kaibigan ni Maria Clara/Karen. Si Hades naman ay si Mwallie. Si sisa naman ay si Lridie at ang dalawang anak nito ay Si John Mark As Basilio at si Miguel naman as Crispin. "Saan ang location? Saan natin ito gagawin?" Navien asked "Siguro sa mga lumang bahay?" Couleen said "Pwede din sa bahay nina Francess." Jess asked "Or kung kakailanganin talaga natin ng maayos na location kailangan natin pumunta sa ibang lugar." Freggy said "Wala tayong pamasahe bhie.. wag na, dito na lang." Ching said "Ganito na lang kung sino at anong scene ang kailangan ng maayos na location iyon na lang ang pupunta sa malayo." I said. Natahimik sila. Hindi ko alam kung tama ba na i-suggest ko ang idea na iyon. Pero feeling ko naman okay naman. "I agree." Gene said "Ako din." Heron turned "Oo nga, kasi kung magsasama sama tayo, baka magastusan lang tayo ng marami.." Karen asked "Tsaka isa pa, para na rin mas mabilis tayong makagawa, habang may nag fi-film sa ibang lugar, may nagfi-film din dito." I added. NICE ONE Andreya! You got the point! I know naman Navien, humahanga ka nanaman sa galing ko. Ilang beses na ba kitang napapabilib ngayong year? HAHAHAHA mahulog kana kasi sakin! "Paano yung pag vi-video? Iisa lang naman ang taga video natin? Walang mag vi-vid sainyo kung sakaling magkakasama kami." Lridie asked Gusto niya kasi laging kasama sina Ivaron, Navien at si Dwallie. Kaya dedepensa talaga ito. "Bakit? Hindi ba kami marunog mag vid? Matututunan naman namin yan kung sakali, tsaka nandito naman si Ivaron siya na lang ang magvivid sa kabilang grupo. And besides matagal tagal pa naman ang pag eedit nyan." Nagkatinginan silang lahat. Alam ko naman na may something kina Lridie at ni Ivaron eh, pero EXCUSE ME?! Hindi naman niya pagmamay ari si Ivaron, nandito din ang kaibigan kong si Grayce, crush na crush ang maputing bansot na yoon. "Oh tama na yan, sisimulan nanatin yung film next week. Kailangan makagawa tayo kahit paunti unti." sabi ni Heron Umalis na kami sa pagkakabilog namin ng matapos ang usapang iyon. Hindi pa ito ang proyektong gagawin namin marami pa. Kaya hangga't maaga pa ay maumpisahan nanamin ito. "Nice one Girl!" Rosie chuckled "Anong nice one?" "Nabara-bara mo na naman si Lridie." "Hindi ko siya binabara sinasabi ko lang yung totoo." "Anong totoo?" "I mean, sinabi ko lang na marami pang paraan para mapabilis ang gagawin natin." "Andreya!" sigaw ni Grayce "Oh bakit?" i laughed. "Sinandya mo ba yon?" "Ang alin?" "Ang pigilan si Ivaron kung sakali mang magkakasama sila sa ibang lugar para sa film." she said "Oo girl, masyado kana daw martyr para tignan mo lang si Ivaron, it's time mo naman. Haha " Rosie said "Hindi.. iyon naman talaga ang dapat. Bakit?" i said "Wala lang.. Thank you ah!" she smiled I wonder she loves that man na maputing bansot. Natatakot na naman siya na baka mas lalong lumalim ang pagtitinginan nina Lridie. Pero hindi ko ginawang excuse ang film para mapagtutol ko ang dalawa nina Lridie at Ivaron, alam ko naman talagang may gusto na rin si Ivaron kay Lridie pero para sa film ay ginawa ko ito. Ako rin naman eh. Nangangamba din. Si Navien is with Ching. Maganda si Ching at matalino. Matalino rin naman ako pero hindi magandang tulad niya. Palagi silang magkasama, syempre close friend na sila since Elementary. Paano ba naman kasi Hindi pa rin niya ako pinapansin simula noong malaman niyang may gusto ako sa kaniya. Hindi ko nga lang alam kung kailan kasi simula't sapol, pagsikat ng araw hanggang paglubog, hindi niya ako pinapansin o kinakausap man lang.. "Magfi-film kami si HillCris, sinong sasama?" Navien asked to whole class nang madismiss na ang klase. Halfday lang kasi ang pasok namin kaya may time talaga kaming magawa. "Priority mention sina Maria Clara at Crisostomo Ibarra." Freggy said "Hindi ako pwede eh.. u-uhm..-" "May usapan na tayo Karen na ngayong week gagawa na tayo at makakapag vid na.." biglang tumaas ang boses ni Freggy. "Okay, sige pero dapat mabilis lang ah?" Karen pouted "Okay, fine." Freggy said "Sino pa ang sasama?" Navien asked again Tumaas ng kamay sina Lridie, Ivaron, Heron, Couleen, Freggy, at Ching. "Kayo lang?" Navien asked "Teka lang!" i shouted them. "Diba Ivaron ang napag usapan natin, sa kabilang team ka?" "Hindi pa naman prepared ang iba, tsaka dapat ang priority natin is si Crisostomo." Ivaron said Hindi ako umimik. Tama nga naman hindi pa kami prepared. So may time pa na magprepared kami. "Siguro naman Andreya.. pwedeng sumama sa amin si Ivaron?" Ching chuckled "Tsaka bakit si Ivaron ang pinipigilan mong sumama? Hindi ba dapat si Navien? Hahah." Freggy laughed. Kumunoy ang noo ko at medjo nagblush ng konti. Hindi ko alam kung napapansin nila ang pamumula ko, pero kung mapansin man nila iyon ay dahil inis ko. "Oo nga Andreya.. dapat si Navien na lang ang ipaiwan mo sa kabilang team." Karen shouted Imbes na mainis ako kay Freggy ay napalitan ito ng kaba. What the heck is my system act like this?! Imbes na patulan pa ang sinabi ni Karen at makita ang pagmumukha nila Freggy ay tinalikuran ko na lang sila. Hindi ko tinignan ang reaksyon ng mukha ni Navien dahil baka sumabog na ang kanina ko pang kumakabog na dibdib. Nagtawanan lang sila at tsaka naglead ng closing prayer. Ayokong magmukhang tanga sa mga ipaglalaban ko kasi alam nila kung saan ako mahina kaya hinayaan ko sila sa gusto nilang magiging desisyon. Pero sa oras na puro na lang kalandian at kaharutan ang ginagawa nila ay aapila na ako. Hindi ko sila pinapansin sa tuwing pag uusapan nila ang plano para sa film. At ang planong pagpunta sa ibang lugar. Hindi ako nagbigay ng suggestion sa gagawin nila total two months pa naman yan bago mag finalize ng lahat ng project. Hindi rin ako nagreklamo kung sino ang sasama sa kung saang lupalop man sila pumunta. Dahil kapag umapila ako, alam ko nanaman ang mangyayari. Naiwan ako sa classroom kasama si Heron para ayusin ang mga libro sa bookshelf. Tumayo ako at kinuha ang iba pang libro. "Aray!" namilipit kong sabi "Sorry Andreya.." ani ni freggy Sandali lang ah, pwede ungusan ko muna itong isang ito? Sumusobra na ah? Hindi ko alam kung sinasadya ba niya talaga iyon o hindi eh pero sa pagsososorry niya parang deserve ko pang masaktan! Hindi na ako makatayo dahil sa sobrang sakit! Naiiyak na ako, akala ko pa naman sakit na panandalian lang pero habang tumatagal sumasakit ng sumasakit. "Ahhh s**t! Ang sakit!" sigaw ko pamimilipit. "Andreya.. okay ka lang? napano ka?" Tanong ni Heron "Sorry Andreya, nakaharang ka kasi eh.. sorry.." Nagiiyak na ako sa sobrang pamimilipit sa sakit. Paano ba naman kasi winawagayway nya parang baton yung walis tambo! hanggang sa natamaan ako sa siko. s**t ang sakit kaya noon sa siko. Alam naman niyang may tao sa likod, hindi lumayo. "Potangina mong baboy ka! Kapalan mo naman mukha mo! Magsabi ka kung gusto mong manakit!" i shouted him. Unti unting nawawala ang sakit. Dahil siguro sa naiiyak kona ang sakit kaya mabilis itong mawala. Dahan dahan akong itinayo ni Heron. At tinignan ko si Ching na tumatawa tawa. At si Freggy na nasa harap ko ay parang gulat na gulat. Naaninag ko na may pumasok sa pinto at napatigil sa likuran namin, kasunod noon ay ang pagpasok ni Dwallie sa kabilang pinto. "Luh maka mura ka dyan, hindi ko naman sinasadya." he said with sarcastically vioce at umirap irap. "Walang may pakialam kung sinasadya mo o hindi!" Hindi ko na alam ang idadagdag ko kaya imbes na saktan siya ng physical at makita ng taong nasa likod ko ang gagawin ko ay lalaitin ko na lang siya. "Ang mahalaga baboy damulag ka!" nakita kong napikon siya at tsaka umalis sa harapan ko. Nakita ko ring malaki ang tawa ni Ching sa kinuupuan niya. Natanaw ko rin si Dwallie na nakatayo at nakangiti din. "Ano Freggy? Nakakuha kana ng katapat mo?" Dwallie chuckled. Gumalaw ako at nararamdaman ko nanaman ang sakit. Pinunasan ko ang luha ko at mabilis na pinulot ang nakakalat na libro. Sa sakit ng pagkakahampas sa akin ay hanggang ngayon nararamdaman ko parin. "Saan kaba tinamaan?" tanong ni heron pero hindi ko sinagot. "Hayaan mo na nga yong baboy nayun!" He added Tumayo ako at mabilis na lumabas sa kabilang pintuan dahil alam kong nandun parin ang nakatayong kanina pang tao sa pintuan. Nang makalabas ako ay dama ko parin ang sakit. Pagdaan ko sa pintuan na kanina pang may nakatayo ay naaninag kong si Navien yun. "Napano yan?" he said and i stopped. "Heron, napano yan?" He asked again. Iniwan ko na si Heron. At hinanap ko sina Gene, Rosie at Grayce. Paniguradong nandun na naman iyon sa court. Ang sakit talaga! Ilang minuto na ang lumipas pero dama ko parin ang sakit. "Hey Andreya!" sigaw ni Janine "Oh? Nasan sina Rosie at Gene?" "Nandun sa court, nanonood ng basketball ng 16B. Bakit?" "Wala, tara punatahan natin." "Umiyak kaba?" "Hindi..-wala, napuwing lang." "Wee? Si Navien nanaman yan no? Hay naku! sabi ko naman sayo kalimutan mo na yan eh.. pinapaiyak niya lang yang beautiful eyes mo!" "Ang OA mo sabing napuwing lang ako eh." "O sige sabi mo eh." Papunta na kami sa court para sunduin sina Rosie, Karen, Gene at Grayce. Dahil gagawa na kami ng film. Yes, nagagawa na kami pero hindi pa kami nakakapag-video, inaayos namin ang bawat dialogue ng bawat character sa story. Sa bahay kami ni Francess kung saan nababagay ang scene na gagawin namin. "Grayce! Ano ba? Tara na?" irita kong sabi dahil sa bagal nilang tumayo sa kinauupuan nila. Nang umalis na si Ivaron ay nakita ko ring nagmamadali silang lumabas ng court. Well, Ivaron is with Lridie, magagawa sila ng film ngayon sa Vinzons naman. "Stress na stress?" Gene shouted nang makita niyang iritang irita na ako. Inirapan ko sila at naglakad patungo sa bahay nina Francess. "Andreyaa!" may tumawag sa pangalan ko pero hindi ko pinansin "Andreyaa! Sandali!" sigaw ulit ng lalaki. "Huy Andrean tawag ka ni Heron!" Kalabit sa akin ni Rosie Nilingon ko si Heron, nakakasilaw ang araw kaya nakakunot noo akong humarap sa kaniya. At naaninag kong may kasama pa siyang isang lalaki. "Ano?!" sigaw ko pabalik. I saw him behind Heron's back. "Sasama daw si Navien sainyo! Siya ang magvivideo.." Natigilan ako, at tinignan si Navien sa likod na nagiintay ng isasagot ko. Unti-unti din akong niyuyugyog ng mga kaibigan kong bugaw! Manahimik nga kayo! Mga uungusan ko kayo dyan eh. "Talaga?" I whispered pero agad kong binawi ito sa kahibangan "Hindi.. hindi na. Hindi pa kami prepared." i shouted to them. (Paheart to get tayo kunwari) "Pero sabi mo sakin, pwede nang i-video yung scene nina Rosie at Gene?" he pouted habang naglalakad sila papunta sa amin. "Oo pero-" "Hay naku, mabuti pa nga Ivan, videohan mo na kami. Tara!" paghihila ni Gene kay Navien pero hindi nadala si Navien. "Tsaka isa pa Andreya, hindi ka pa nakakapictorial para sa cover natin. Si Navien ang magpipicture sayo." HA???? Siya talaga? Tsaka AKO NA LANG? bat ako? Namutla ako sa sinabi ni Heron. Kaya imbes na tanggihan na naman sila ay umamba ako tumalikod at magpatuloy sa paglalakad. "What the hell Andreya? Pano mo siya napasama dito?" Jess asked "Ewan ko." simple kong sagot habang abala sa pagaayos ng buhok ko. Natanaw ko sila mula dito sa bintana, sa taas. Natanaw ko sina Rosie, Gene, At Grayce na kinakabisa ang kani-kanilang mga linya. Si Heron naman ay busy sa pagseset ng script niya para sa sunod na scene. I don't mind kung ano nang ginagawa nina Ching, Freggy, Lridie at Ivaron ngayon. Sinilip ko si Navien mula dito sa taas na nagseset ng camera. Binubusisi niya ang bawat anggulo nito. At seryosong hinahanap ang tamang pwesto ng kamera. Malokong tao ito si Navien pero kapag seryoso siya, seryoso talaga siya. Maeffort na tao at palaging present sa lahat ng activity sa school. Makulit at minsan Bully. Kapag galit siya, padabog niyang ilalapag ang ano mang gamit na makita niya, kung hindi naman ay kung ano ano ang minumutib-mutib ng bibig nito. That's why i like him. Mabango at ang haircut niya ang nagpapaakit sa akin (favorite ko kasi yung gupit niya.) Medyo kulot nga lang pero pagnakikita ko siyang bagong gupit at maiksi ang buhok sa paligid ng kanyang tenga ay napanggigigilan ko itong hawakan. Don't mind his blacklips. Hindi naman siya naninigarilyo pero ang itim ng labi niya. By the way kaya ko naman yang papulahin. Joke! Mind his abs, nakita kona ang abs niya. He has a 6packet HAHAHA p*****t! pero nakita ko talaga! Aksidente kasi akong napalingon sa court at nakita kong inangat niya ang tshirt niya para magpunas ng pawis. "Hoy Andreyaa! Sinong tinitignan mo dyan? Baka matunaw yan ah.. Mainit pa naman." MG said. "Ha? Baliw." I chuckled Inayos ko ang pagkakaupo at tinignan muli sila sa labas. Nahuli ko ang tingin ni Navien sa akin kaya ito nanaman at mamutla ako. Hindi nabaling ang tingin ko sa kaniya dahil baka hindi naman talaga ako ang tinitingnan niya. "Andreya.. pipicturan kana ni Navien. Tara na sa baba" yaya ni Heron "A-ako na?" nauutal kong sabi "Oo. Wag ka nang kabahan.. Crush mo naman yun eh." Seryoso ka Heron? Crush ko ang magpipicture sakin? Tingin mo hindi ako ma-iilang? "Ah-e kung si Jess na lang kaya ang magpic sakin? " "Wag na tara na.." Nang matapos si Navien sa pagvideo ng scene nina Grayce at Rosie ay agad akong sumunod para mapicturan na. Keri ko naman, hindi naman pala masyadong nakakailang dahil siguro ay walang ibang tao kundi kaming dalawa lang. Tahimik kaming dalawang walang imikan, awkward pero yakang yaka. Nakailang post din ako para sa tamang posture ng cover. Sa mga sumunod na araw, ay sumasama pa rin sa amin si Navien para mag video kahit na wala naman dapat i-video. Nagtimpla ako ng juice total wala naman akong ginagawa at sila naman ay nasa taas para sa isang scene na kanilang kinakabisa, ay ito na ang gagawin ko. "Nauuhaw na ako!" "Sandali lang, nagtitimpla pa ako." wala sa sarili kong sagot Biglang may lumapit patungo sa kusina. Nakita kong binuksan niya ang ref at naghanap ng tubig doon, ngunit wala siyang nakita. Kaya lumapit siya sa akin. Tsaka ko nakompirma na si Navien pala yon. Kinuha niya ang pitser na hawak ko at tsaka nilagyan niya ang kaniyang baso. Hindi ko siya nilingon at nagpatuloy lang sa pagtunaw ng juice sa baso. "Ahhh.. ang pagod at ang init!" he said. I feel my face overheating. Ito nanaman ang sistema ko. Gumagalaw na naman sa kilabot na dala ng taong ito. Para akong magtratransform na para bang sa oras na gumalaw ako ay may mali akong magagawa. Kinuha ko agaran ang pister at inilagay ng pakalma ang juices. Mahirap na baka matapon. Dinala ko sa taas ang inumin. Iniwan ko na siya dahil pulang pula na ang pisngi ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
612.7K
bc

Inferno Demon Riders MC: My Five Obsessed Bullies

read
525.7K
bc

Desired By The Hockey Captain Alpha

read
6.7K
bc

Alpha's Instant Connection

read
650.9K
bc

The Abandoned Luna's Return

read
1K
bc

His Unavailable Wife: Sir, You've Lost Me

read
10.4K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
35.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook