TOP ♛ 02

4988 Words
CHAPTER II ﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏ Seryoso ang lahat ng biglang magsalita ang Manager nila. "Guys, 10 minutes break!" Nandito sila sa practice room ngayon kung saan tagaktak na ang mga pawis nila. Ang iba naman ay umupo na at meron ding nagsipaghiga na. May TV guesting kasi sila at kailangan nilang magpakita ng dalawang set of performance with a total of 6 songs. Being a Band is really tough. Hindi man sila dumaan sa isang audition pero mula sa training, practice at performance ay talagang pinagbubutihan nila. "Wuuh! What a life." Kanina pa nanunuyo ang lalamunan niya kaya mabilis niya lang din naubos ang isang bote ng tubig na binigay sa kanya. Who would've thought that before they're just normal group of friends who loves music not until kinontrata sila ng pamilya ni Vlad. In his case, During that time nakombinsi siya ng family ni Vlad ng malaki at mabilis na kita which he really needed noong nag-uumpisa pa lang siyang itayo ang company niya kaya agad siyang napapayag pumasok dito and without knowing it naging parte na rin ito talaga ng routine niya and he can say na nag-eenjoy siya. "Hey, kamusta yung chicks mo? Kailan mo siya ipapakilala sa amin bud?" Biglang tanong ni Zi-Em na ikinakunot noo niya. He's not one of his bandmate but he's the composer of their group. "Don't deny it man.. sinabi na sa amin ng P.A mo na may isinabay kang babae papunta dito kanina at sa penthouse mo pa kayo sinundo." It was Gavin this time na natuon na ngayon lahat ang atensyon sa kanya. Tch. Si Kuya Rodel talaga sinabi pa. s**t! Siguradong hindi ako basta tatantanan ng mga baliw na 'to.. "She's our guest, inaanak ni Mommy." Walang ganang sabi na lang niya. "Oh, maganda ba? Can I date her?" Masamang tingin agad ang pinukol niya kay Sky na mukhang di naman tinablan at halatang iniinis lang siya pero kahit biro pa yun hindi pa rin maganda sa pandinig niya. "f**k off bud, baka di kita matansya. She's off limit pinababantayan sa akin yun." Siya man ay nagtataka kung bakit tila naiirita siya. What am I getting mad for? Psh. Di niya tuloy mapigilang mapailing sa tanong niya. "Ano ka yayo? The Invincible pianist of Xnote isa na ring babysitter ngayon? Nalulugi na ba ang business mo?" Gavin teases him too. "Sexy siguro kaya pumayag siya." Vlad continue. "Ewan ko sa inyo." Alam niyang gusto lang siyang asarin ng mga kaibigan niya palibhasa kasi siya talaga madalas mang-asar sa mga ito. "Wow..? Hanciel is guarding a woman dapat na ba kaming kabahan baka iba na yan." Binato niya lang ng towel si Sky na mabilis naman nitong nailagan. "Moron. Baka ikaw I heard about your arrange marriage." May pagkaisip bata kasi ang kaibigan niyang ito pero pagkasalan ang usapan ay agad nagiging seryoso ang mukha nito at makalipas lang ng ilang segundo ngingiti na ulit ito at babalik ulit sa dati. "Sabi sa inyo eh talagang sumusunod lang yang si Hanciel sa Mommy niya, Diba budd?" Biglang pagsang-ayon nito sa kanya kaya naman nagkanya-kanyang iling na lang ang mga kasama nila. Weirdo talaga ang puts.. Natigil lang ang pag-uusap nila ng may pumasok muli sa practice room nila. "Okay everyone from the top!" Sigaw ng Manager nila kaya bumalik na sila sa pagpapractice. Fuck. Pagnaaalala ko pa rin yung nangyari 2 days ago sumasakit talaga ang batok ko. ◁◁ REWIND 2 days ago... "You.... " Hindi makapaniwalang tinitigan niya ang taong nasa harap niya. Hindi niya pa agad nasundan ang sasabihin niya dahil masyado siyang nadadala sa magandang mukha nito. Is she real..? She looks like a doll. And he's wondering why do he feel like this. She feels familiar, like he knows her.. There this kind of excited feeling na makita ang babaeng nasa harap niya but why? Bahagyang iniling niya ang ulo niya para makapag-isip ng tama pero pagtingin niya ulit dito ay mas lalo lang niyang naobserbahan pa ang mukha nito. Napakakinis kasi nito at maputi rin. She also have those kissable lips, a red lips that looks savoring & delicious and her eyes is pretty as well it's somehow look grayish for him and then her cheeks with a flushed is very fascinating to look at, at sigurado siyang walang gamit na make up ang babaeng ito. Damn! A natural beauty indeed. It's nothing new whenever he sees a stunning, elegant & beautiful girls around but this woman in front of him right now is definitely different, she's simply but super gorgeous. Saka lang siya natauhan ng lumakad ito palapit sa kanya pero hindi niya pa rin inalis ang mga mata niya dito. Kahit di ito kalapitan sa kanya ay amoy niya ang mabangong scent nito but then he suddenly stilled and slightly frown because he knows that smell, pamilyar ang amoy na iyon sa kanya at yun ang pinakagusto niyang scent sa isang babae that's why he can't help himself but to feel alive. Crap! Get a hold of yourself Hanciel. Di niya napansin na nakakuyom na pala ang kamay niya na para bang pinipigilan niya ang sarili na humakbang palapit dito dahil baka kung anong magawa niya. For fucksake I just met her. "Who are you? Do I know you? What are you doing here in my penthouse?" Pinalamig na boses niyang tanong dito. Don't let your guard down.. Hindi niya pa rin kilala ang taong nasa harap niya at paano na lang ito nakapasok ng ganun sa penthouse niya? Hindi siya pwedeng magpadala rito dahil lang sa maamong mukha nito pero di rin nakaligtas sa mga paningin niya ng makitang may saya at takot sa mga mata nito. Lumipas ang ilang segundo pero hindi pa rin ito nagsasalita. "So what now? I'm asking you.. trying to be nice in here Miss, before I drag you out in my penthouse or should I just call a police." Hindi niya alam kung bakit pero hindi siya kumportable na titig na titig ito sa kanya na para bang manghang-mangha ito sa kaniya. Oh s**t wait. Is she a a fan? May nakaalam na ba na ako at si Harris ay iisa? But no.. It can't be, tight ang security dito sa building ko.. How? Could it be that my security team in here failed? f**k no..! I will really fire them if they did. Hindi na rin kasi bago sa kanila na may mga babaeng nakakagawa ng kabaliwan dahil sa sobrang paghanga at pagkagusto sa kanila. But she's too beautiful to be a stalker. Think Hanciel.. Imposible din naman isa 'to sa mga naging babae ko dahil for sure I would never forget that kind of face or If ever I met someone like her.. Hell, I'll probably never let go of her.. Then bigla siyang natauhan sa naisip niya at pasimpleng inalog ang ulo niya. Wait— What? Damn. What am I saying?? s**t. Did I really say that? No. No. No I'm just f*****g tired kaya kung anu-anong pumapasok sa utak ko. Then narealize na siya na para na siyang sira sa pakikipag-usap sa sarili niya. Nang hindi pa rin ito sumagot sa kanya ay bigla na lang itong may dinukot sa bulsa nito atsaka iniabot sa kanya bahagya ding umawang ang bibig nito na parang may gustong sabihin sa kanya pero wala namang salitang lumalabas dito and yet, what worst iba ang pumapasok sa isip niya patungkol sa labing 'yon. "What the... Ano sa tingin mong ginagawa mo?" Napakunot noo siya ng makailang ulit nitong inaabot ang phone nito sa kanya at tila mas lumapit pa ito sa kanya. The f**k is she doing? "Hanciel!" Narinig niya bigla ang boses ng Mommy niya sa phone nito kaya kahit ayaw man niya ay napilitan siyang kunin ito sa kanya at doon napansing tila nakahinga ito ng maluwag dahil sa ginawa niya matapos ay bahagyang umatras ito ng kaunti palayo sa kanya. "Mommy? Is that you? Ho—" "Yes, it's me anak. Ngayon ka lang ba umuwe? I was waiting for your call yesterday atsaka bakit ngayon lang ako tinawagan ni Elise? Kahapon pa siya nandyan ah.." Lalo siyang naguluhan sa sinabi nito. Say what? Kahapon pa ang babaeng 'to dito? As far as I remember package or document ang inaasahan kong dumating dito at yun lang ang nakita ko pag-uwi ko. What is this now? "Mom, can you please explain what's happening... It's early in the morning here at sumasakit ang ulo ko." May halong iritasyon na pagkakasabi niya habang patingin-tingin sa kaharap niya. So her name is Elise.. "Okay, but first pwedeng lumayo ka muna kay Elise pumunta ka sa ibang lugar ayokong marinig niya kung ano man ang sasabihin ko sayo. Please.. my Hanciel baby.." Tiningnan niya ang dalaga na di pa rin nagbabago ang posisyon nito kanina at mukhang binabasa ang bawat reaksyon niya kaya naman walang sabi-sabi lumabas siya ng music room at dumiretso sa kwarto niya. "Done. so can you explain now?" Ngayon niya lang din narealize na kanina pa pala niya pinipigilan ang paghinga niya. "Listen Hanciel, Remember sinabi namin ng Daddy mo na may importante kaming iiwan sayo so there she is it's her. She's Elise Stella James, she's my bestfriend's daughter remember your Tita Ellaiza and my promise?" He remembered it palagi kasing nababanggit ito noon sa kanya but still it doesn't make sense wala naman siyang kinalaman dun ni hindi niya pa nga ito nakikita in person. "But Mommy hindi ba pwedeng sa hotel na lang siya mag stay or di kaya doon sa bahay natin sa village why with me? for sure mas may mag aasikaso sa kanya dun." Napaupo na ito sa paanang bahagi ng kama niya habang napapahilot sa batok niya. I can't stay so close to her or s**t will happen! "Because we can't just trust her to someone else.. Elise has a different story baby, okay? Hindi ko siya pwedeng iwan na lang dun sa bahay lalo pa't nagtiwala sa akin ang Daddy niya na di ko pababayaan ang anak niya that's why pinayagan yang makapunta dito sa Pilipinas at ayokong mapahiya baby. Nagkataon lang na kailangan din kami dito ngayon sa Seattle. Isa pa, malapit sila sa pamilya natin lalo na sa Grandpa mo kaya ayaw niyang may masabing masama sila sa pamilya natin." Shit no. What about my f*****g privacy?! Mahirap na baka mamaya may malaman pa ito sa akin.. These place is where I can be Hanciel & Harris at the same time and what if kinasabwat pa ito ni Grandpa para maging spy sa akin. Arghh! Halos sabunutan niya na ang sarili niya dahil sa gustong ipagawa sa kanya ng Mommy niya. "Pero Mom—" "You promise me Hanciel. You don't want me to get mad at you right? Unfortunately wala ako dyan para alalayan at bantayan siya at dahil ikaw ang nandyan baby I trust you on her." May halong pagbabanta nito sa kanya and he knows her Mom very well masama itong magalit. "And you think pag dito siya sa akin mas magiging okay siya? I'm still a man Mommy di ba mas nakakailang yun?" Nauubusan na siya ng dahilan. Naisip niyang pwede naman sigurong punta-puntahan na lang ito sa house nila but not staying here in his place. Just thinking about only him & her in one place in one house? That's not very like him kaya nga siya bumukod dahil mas trip niyang mag-isa na kahit katulong ay wala siya and now what? Kung di lang talaga dawit ang pangalan ng Lolo niya. Shit. s**t. s**t! "Just for a month Hanciel, that's all she need.. Ipasyal mo siya make her see the world. Tingin namin mas mag-oopen up siya sayo at mas maiintindihan mo siya kesa sa amin, can't you do that baby?" May bakas ng lungkot pero seryosong sabi ng Mommy niya. "How—?" May halong frustration na sabi niya. I can't stand having a woman in my house.. Dugtong niya sa isip niya. Even his exes lalo na yung mga naka one night stand lang niya ay di talaga siya nagdadala ng babae sa tinutuluyan niya. He lives alone for a very long time and he loves it but there she is suddenly invading his private life. Kaya ko nga ba? for one month.. Just for f*****g one month.. But staying with someone that long in here.. Tch. It feels like a punishment. "Hanciel baby, Anong napansin mo sa kanya kanina?" Biglang tanong ng Mommy niya. "What? Ano bang tan—" "Just answer me, Hanciel." His mother cut him off again. "Tch. Nothing, Basta pagpasok ko kanina tinanong ko kung sino siya but then she doesn't answer me or talk to me. She just keep staring at me like a robot but I can see that she's afraid of me.. Bakit ba Mommy?" Hindi niya talaga ito maintindihan kung minsan. Ayaw niyang sabihin na nagagandahan siya dito that he finds her attractive baka mamaya kung ano pang gawin at maisip ng Mommy niya bigla. Hell no. Hindi niya hahayaang mangyari yun walang pwedeng makialam kung sino ang gugustuhin niyang makasama in the future. Not even today not even tommorow as in not now. "Oh my God! Hindi talaga kami nagkamali ng Daddy mo baby! That's what were talking about.. We can't read her face at all, for us she's just emotionless girl but ikaw nakikita mo yun! I can't believe this." Tuwang-tuwa ito at halatang nasiyahan sa sinabi niya. Emotionless? Really? Ba't hindi naman ganun ang nakita ko kanina, Are my eyes playing tricks on me? Biglang nagreplay sa utak niya yung mukha ni Elise kanina. "Mommy tingin ko lang yun malay ko ba yun talaga yung nararamdaman niya." Naiiling na sagot niya. "Just keep her safe Hanciel, if magkasakit man siya tawagan mo kami kaagad you promise baby at talagang magagalit ako sa iyo pagpinabayaan mo siya. Treat our guest very well. Sige na, I have to end this call na I love you, okay?" Hindi na siya nakapagpaalam pa dahil bigla na lang nitong binaba ang call sa kanya, mukhang iniiwasan talaga ng Mommy niya na magtanong pa siya or magdahilan pa siya. And now what?... Tumayo na siya at naglakad palabas ng kwarto niya pero ganun na lang ang gulat niya ng makitang nasa labas na ng pinto niya si Elise. "Here. Thanks." Tatalikuran niya na sana ito ng may maalala siya. He may not be very kind, sociable and friendly guy to a woman but oh well, he still have manners. "I'm Hanciel Roman Richardson pasensiya na kanina, I don't know if you already knew about this but yeah your staying here in my place.. What else.. then kung may kailangan ka just say it. Oh Hell, I forgot you may not understand everything i've just said but whatever." Nilahad niya ang kamay niya without expecting na tatanggapin yun ng dalaga kaya naman bahagyang napasinghap siya ng makipagkamay rin ito sa kanya lalo na ng maglapat ang palad nila kaya agad niya rin itong binawi na para bang napaso siya. And that feeling again... She just smile right? Or guni-guni ko lang? Damn. This is crazy.. Nakitang niyang bahagya itong umiling na mukhang naintindihan nito lahat ng sinabi niya pero dahil sa di siya sigurado kaya naman tinanong niya ito ng makasiguro. "Naintindihan mo ako?" May pagkamanghang tanong niya kay Elise. Isang tango naman ang tugon nito. That's cool. Nakakaintindi pala siya ng tagalog well, kahit saang anggulo mo kasi siyang tingnan mukha siyang foreigner.. But what about her talking? Why wouldn't she speak at all? "Why aren't saying anything? Ahm.. Sorry to ask this pero pipe ka ba?" He tried to sound nice. He just wanna know kung bakit simula pa kanina di niya pa ito naririnig na magsalita. Napatingin ito sa ibaba at nahalata niyang nalungkot ito pero iling ang sinagot nito sa kanya. "So you can talk? but you just don't want to talk to me." Nakita niyang bahagyang binuka nito ang bibig nito na para bang may sasabihin sa kanya ngunit wala namang lumabas na kahit anong salita dito, napansin din niya na may pag-aalinlangan sa mukha nito. He was waiting for her to say something pero titig na titig lang itong muli sa kanya. Damn. Forget it, the hell I care... I should be glad right dahil ayoko sa maingay... Sino ba ako para iparinig yung boses niya? Tch. Never mind. He don't want to admit it but he was so curious pero ayaw niya rin namang pilitin ito. Naalala niyang kailangan pa pala niyang ayusin ang schedule niya and also maghanap ng pasyalan. Tch. Now I also have to be a babysitter and a tourist guide at the same time, oh yah I also need to hide all those gifts from my fans mahirap na. Napabuga na lang siya ng hangin sa dagdag na trabaho niya. "Okay then babalik na ko." Naglakad na siya pabalik sa kwarto niya. "Hanciel." Natigilan siya bigla sa paghakbang niya at sa di malamang dahilan nakaramdam siya ng sobrang kaba sa narinig niya. What the— Did she just call my name? Dahan-dahan siyang umikot paharap rito para kumpirmahin na ito nga yung narinig niya pero hindi na lang ito ngayon basta nakatayo sa harap niya dahil may hawak na itong note pad na may nakasulat na... [ Let's eat breakfast together. 。^‿^。 ] walang kaemo-emosyong mukha nito. Nagpasalit-salit ang tingin niya sa hawak nito pati na sa mukha ni Elise. Pfft! What? She really looks like a freaking robot.. And that emoticon.. He tried not to laugh baka kasi maoffend ito but for some reason he finds her unique. "Ikaw ba yung nagsalita kanina?" Hindi niya napigilang magtanong dito pero hindi ito sumagot at nakatitig lang sa kanya. Guni-guni ko lang siguro. s**t. Now I'm hearing things.. Kulang pa ata talaga ako sa tulog. Mukhang hindi na ito makapaghintay sa sagot niya kaya naman ng makitang malalim ang iniisip niya ay basta na lang siya nitong hinawakan sa pulsuhan atsaka sabay nilang tinungo ang kusina. Habang siya naman ngayon ang parang naging robot na sunud-sunuran rito. Bumalik lang ang utak niya ng binitawan na siya ni Elise at inaayos na ang kakainan nila. Wow. This girl is full of surprises. [ END OF FLASHBACK ] "Guys, panu ba yan mauna na ako may gagawin pa ako." Nauna ng nagpaalam si Gavin na sumunod naman ang iba gaya nila Sky at Vlad. "Here.. Ito na yung mga pinapahanap mo." May iniabot itong folder sa kanya. "Thanks Peril bud, don't worry I already send it to your account." Di na siya nag-abalang silipin pa ang nasa loob at ngayon tanging tatlo na lang silang nandon. "Tch. Are you sure that nothing is between you two? You have it bad ma' friend." Zi-Em give him a teasing look. "Whatever." Ayaw niya ng ipagtanggol ang sarili niya sa pang-aasar ng mga ito dahil siguradong hindi naman siya nito paniniwalaan ano man ang sabihin niya. "Well I have to go, Adiós suckers." Paalam ni Zi-Em sa kanila. Until naiwan na lang siyang mag-isa, ayaw niya naman pumunta agad kung saan hinihintay siya ni Elise dahil medyo iniiwasan niya itong makita kumportable kasi siyang kasama ito at hindi yun normal para sa kanya lalo pa't kakikilala niya palang dito at sa babae pa. Then his mind where somewhere else again. Panu after kasi ng pag-aalmusal nila ni Elise nung araw na iyon ay nasundan pa ito ng mga kakaibang tagpo at masyado ata itong naging attach sa kanya dahil kung asan siya nandun din ito, how? Halimbawa, Pagnaghuhugas siya ng pinggan inaagaw agad ng dilag ang hawak niya at ito na ang nagpapatuloy nun, madalas din ang pagsunod nito sa kanya na para bang buntot niya minsan nga nagugulat na lang siya kasi akala niya wala dun ang dalaga at sa ilang beses niyang pagpasok sa kwarto niya lagi niya ring naabutan ito sa labas ng pinto niya pero wala naman itong sinasabi na kahit ano sa kanya. The Hell. Hindi man lang ako makaramdam ng inis or pagkairita sa ginagawa niya. Tch. Why? He thinks he's getting crazy that's why he really wants to keep a distance from her. "Ang lalim ng iniisip huh.. Is it your girl?" It was Russel na umupo sa kabilang side ng couch na inuupuan niya kung saan nagpapalipas oras siya. Russel Arcenal, one of his buddies. Madalas talaga ay pumapasok ito sa LDE at nanonood sa jamming session nila. "Remind me why shouldn't I punch you right now. She's not my girl, okay?" Sumandal siya sa couch at ipinilig ang ulo niya. "It's because I'm your friend and so handsome that my clients will kill you.. Ohkay then any problem?" Sinulyapan niya ang katabi na busy na ngayon sa pagtipa ng phone nito. "You're a doctor but I don't think what's in my mind is within your field bud. " "Try me, Anong malay mo naiintindihan ko pala." Nakatingin na ito ngayon sa kanya kaya naman napaisip siya kung sasabihin ba niya kung ano man 'tong gumugulo sa isip niya dahil sa grupo nila hindi naman talaga siya ganun kaopen sa kanila kungbaga siya yung madalas tagapakinig lang sa kanila kaya nagdadalawang-isip siya kung magkukwento ba siya. Maybe I just let it out. "Fine. I'm just confused.. You know that girl.. Elise, she's living with me right now and guess what I'm okay with it." Halatang naweweirduhan na siya sa sarili niya. "Hahaha! Okay? Interesting. Knowing you bud.. Ako man sa kalagayan mo magtataka nga ako, I'd like to meet her. Anong meron sa kanya at ganito nalang niya makuha ang atensyon mo huh?" "Psh! May mas malala pa akong iniisip dun bud. My Mom told me that she's always expressionless nor doesn't have any emotion on her face at all but then I can see it! Di ko alam kung gumagawa lang ba ng imahinasyon yung utak ko para paniwalain yung sarili ko na yun nga talaga yung nararamdaman niya or kung totoo man yung mga nakikita ko sa kanya also she doesn't talk as in mute kaya mas lalo akong naguguluhan." Halatang gulong-gulo na talaga siya sa mga nangyayari sa kanya. And that's one more thing bakit hindi ito nagsasalita? Is it a trauma, stutter or anything? He tried calling her Mom to ask about it but it won't get through at all it was always on a voicemail. Idagdag mo pa na mabilis nakakaramdam ng init ang katawan ko sa kanya. f**k you lust! "I think because you're dealing something new on her. I mean ngayon ka lang siguro naka-encounter ng gaya niya that's why she caught your eyes and can't help yourself to be nice on her. Hanciel bud, you're only nice to a woman if it's a family hindi naman siguro dahil naawa ka sa kanya?" Napaisip siya sa tanong ni Russel pero ang huling sinabi nito ang mas pumukaw sa atensyon niya. "No. It's not pity bud, hindi awa ang nararamdaman ko sa kanya." That's so bullshit I don't pity her . "Then maybe you finally met t— I mean mas magandang sabihin that you're attractive to her kaya hindi mo magawang mainis o pagsupladuhan siya. You should be thankful bud because yung ayaw mong ginagawa ng isang babae hindi ginagawa ni Elise, right? Kaya ka siguro komportable kahit pa may kasama kang babae ngayon sa bahay mo." Hindi siya nakasagot dito at kahit siya napaisip sa sinabi nito. Russel is right. Why am I too concern with her.. ? I should be glad right? Dahil tahimik itong kasama at hindi mareklamo. It might be the reason why I'm comfortable around her pero may kulang.. may iba talaga. "I don't know bud maybe because unlike sa ibang tao kung galit sila galit talaga as in makikita mo but with her feeling ko nagiging manghuhula ako and it makes me crazy!" Napasuklay na siya sa buhok niya. "Hahahaha! Bud, you've always been crazy at nakakapagtakang ngayon mo lang nalaman yun. Diba you always been a flower lover?" Napakunot noo siya sa tanong nito. "Now what about it? Ano namang connect?" "Hahhaha! Really? Doesn't she reminded of you of something? Naki creepyhan nga sila sayo minsan pagkinakausap mo at sinasabi mong naiintindihan mo yung bulaklak ito pa kayang si Elise na tao." For a second, it feels like everything he asked has been answer. "Then you think na kung ano man yung nakikita kong reaction sa kanya yun talaga yung ipinahihiwatig niya?" Feeling niya talaga may naalala siya kay Elise pero hindi naman pala ito kung sino kundi ano. Well yeah, she really reminds me of a flower. "Nope, but there's only one way to find out.. Just ask her para di mo isipin na nababaliw ka na." Naparolyo tuloy siya ng mata sa sagot nito kanina lang convince na siya ngayon di na siya ulit sure, as if matatanong niya yun kay Elise eh iniiwasan niya nga na magkalapit sila ng matagal. "Ya right, as if I coul— s**t! Anong oras na? f**k. I need to go! Thanks bud keep it a secret." Nagmamadali siyang ipinasok ang mga gamit niya sa bag niya. "Really.. You have it bad, man.. Goodluck." Nakita niyang mukhang may gustong itong iparating sa kanya but ofcourse di niya ito inintindi. "Whatever, I really have to go." Psh. Why do they always say that? Mga ewan. "Sure, you owe me a drink." Pahabol na sabi ni Russel at patakbo siyang umalis diretso sa parking lot para kunin ang kotse niya. Sinabi niya kasi kay Elise na doon na lang siya sa isang cafe hintayin nito na kasama ngayon ni Kuya Rodel para magbantay rito masyadong napahaba ang usapan nila ni Russel kaya baka sobrang nainip na ito. Ipapasyal niya kasi ito ngayon dahil yun ang bilin sa kanya at sa pagkakaalala niya ay nakita niyang excited ito. "Fine, I will ask her. I can't believe it she actually reminds me of the flowers bakit di ko naisip yun?" Nagmamaneho na ito sa lugar kung saan sila magkikita ni Elise. Hindi niya alam pero di niya mapigilan ang ngumiti. Hmn.. Yeah right, Magkasing ganda rin naman sila ng bulaklak.. Oh s**t. Did I say some cheesy words? Sa totoo lang di niya talaga ito magawang iwan mag-isa sa penthouse niya dahil paniguradong mabobore ito at malulungkot yun doon lalo pa't wala rin naman siyang maid roon. Meanwhile ▷▷▷ She was having her latte at Rosie cafe at the moment. Dito kasi siya dinala ng assistant ni Hanciel. I wonder ano kaya ang ginagawa niya ngayon? Kanina kasi ay nagstop by sila sa tapat ng di kataasang building malapit roon and the way Hanciel looks and dress up mukhang hindi naman office ang pinuntahan nito kanina. I still can't believe that he was never bothered by my facial reaction and my voice.. Tita was right.. He never changed. Hanciel was very good looking person from head to toe, she just want to see that face as much as she can although she knew that he might be creeping out by her behavior for these past few days. That night, when she saw Hanciel sleeping in the couch makes her very emotional and yet her heartbeat were super fast like the first time she saw him at talagang matagal niya itong tinitigan. It feels like a dream, akala niya noon wala na talagang kapag-a pag-asa na makita niyang muli ito after what happened to the both of them. Umiyak rin siya ng gabing iyon habang pinagmasmasdan ito dala marahil ng sobrang saya, lungkot at takot ng makita niya ulit ito. She even kissed his cheeks like the old days, unti lang ang panahon na makakasama niya ito kaya naman susulitin niya talaga. He looks matured now.. She remembered again the jet black hair, thick lashes and eyebrows, define nose, kissable lips na kahit sino pagkakamalang isa itong prinsipe na tahimik na natutulog ng gabing iyon at nang magkaharap nga sila kinabukasan with his blue eyes malalaman mo talagang may lahi ito and he is so manly by his looks like his muscles are all at the right places and the smell, like she thought the whole place has his scent. Refreshing and calming. Pakiramdam niya bigla nalang namula ang pisngi niya because she never look to a man that way before. Yes, she still watch television, magazine and even get updated in the internet especially if it's about Hanciel and yet may mga naging other guy friend din naman siya pero iba pa rin talaga pag-in person yung taong iniistalk mo. Hindi rin niya napigilan magsalita ng isang beses ng banggitin niya ang pangalan nito dahil kahit papano munting hiling niya na sana ay maalala siya nito kahit pa sabihing may pagkaselfish yung ginawa niyang iyon. Actually halos maiyak talaga siya nung araw na magtagpo sila sa music room nito at sobrang pagpipigil talaga ang ginawa niya. I just hope na hindi siya masyadong magtanong, if something happens I must contact Tita immediately. Nawala siya sa pag-iisip niya nang biglang may tumikhim sa harap niya. She knows very well that her face doesn't give any reaction at all but right now? she was really shock. It's been a long time since she saw him and he looks different right now that's why she can't help herself but to be stunned to his appearance. "It was really you.. I can't believe this, Elise Stella James."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD