bc

The Billionaire's Heartthrob (SSPG)

book_age18+
934
FOLLOW
11.7K
READ
billionaire
HE
brave
heir/heiress
sweet
bxg
friends with benefits
like
intro-logo
Blurb

⚠️ 🔞 Matured content⚠️🔞

Handa ka bang masaktan kahit iisa ang inyong ipinaglalaban? Handa ka bang tanggapin kung Ikaw mismo ang magpapalaya para sa inyong kapakanan?

Bumalik si Sebastian para hanapin ang babaeng sinaktan niya. Ngunit sa pagbabalik niya. Ang tanong, mahal pa ba kaya siya ni Marie? Ang babaeng lubos niyang minahal ngunit siya naman ang sinaktan nito. Mapapatawad kaya siya ni Marie?

chap-preview
Free preview
Prologue
Prologue ELISHA MARIE POV "Two red lines?" Saad ko habang hawak ko ang pregnancy test. Halos hindi ako makapaniwalang magbubunga ang gabing may mangyari sa amin ni kuya Seb. Hindi niya ito alam na ako ang babaeng iyon na ginawang regalo noong araw ng kan'yang kaarawan. Nanginginig ang aking kamay habang titig na titig pa rin sa hawak kong pregnancy test at hindi ko rin alam kung ano ang aking gagawin. Malalaman ito ni dad at ni mom. Malalaman din ito ni Kuya Seb at baka kamuhian pa niya ko kapag nalaman niyang ako ang babaeng iyon. Maygad! Ano ba ang pumasok sa isip ko at bakit ko ito nagawa sa kan'ya? Magkapatid kami ni kuya Seb at alam kong magagalit siya dahil iyon na lang ang kaya niyang ibigay sa akin sapagkat tutol din ang aming mga magulang. Umupo ako sa gilid ng aking kama at dito na tumulo ang mga luha ko. Sa kabila ng mga sinabi niya sa akin na kalimutan na lang namin ang aming nakaraan pero ako ay hindi ko iyon malilimutan. Mananatiling Isang magandang alaala iyon para sa akin at para sa magiging anak naming dalawa. "I'm sorry kuya Seb. I'm sorry kung nagawa ko sayo ito. Dahil sa sobrang pagmamahal ko sayo ay nagawa ko ang hindi dapat na mangyari sa ating dalawa." Malungkot kong bigkas dito. Bawat patak ng aking luha ay may katumbas na sakit na nadarama at lungkot sa aking puso dahil puputulin ko na kung ano namamagitan sa aming dalawa noon pero mananatili pa rin siya sa aking puso magpakailan pa man. Bitbit ko ang isang maketa habang tumatakas ako. Gabi ngayon kaya hindi nila mahahalata ang pag-alis ko. Naisipan ko ng gawin ito dati pa na umalis na lang dito sa mansyon kaysa pag-aralin ako ni dad sa ibang bansa. Napabuntong hininga ako nang maalala ko siya. I missed him so much. Kaya minsan ay nalulungkot ako kapag naaalala ko siya. Kulang ang buhay ko kapag hindi ko siya nakikita. Maingat akong naglalakad dahil palabas pa lang ako ng gate. Magagalit talaga si dad kapag nalaman niyang tumatakas ako. Pinaghandaan ko na rin ito na kung mangyari mang pagalitan niya ko ay aamin na ko. Sa wakas, nakalabas na rin ako. Halos takbuhin ko na ang daan papuntang highway. Maliwanag naman ang daang tinatahak ko kaya hindi ako natatakot kahit ako lang mag-isa. Ilang hakbang na lang sana upang marating ang highway ay doon ako nakaramdam ng ilang patak ng ulan. Bubuhos pa yata ng malakas na ulan ngayon. Nakaramdam tuloy ako bigla at nilukob ng matinding takot nang may humintong sasakyan sa tapat ko. Gusto kong umiyak dahil baka kay dad itong sasakyang huminto. Samut saring emosyon agad ang aking nadarama ngayon at kung anu ano na rin ang pumapasok sa aking isipan. Gusto kong tumakbo ngunit hindi ko magawa dahil hindi naman bumababa ang sakay nito. Hindi ko rin makita ang loob nito dahil black tinted ang bintana ng sasakyan. Bumukas ang bintana at unti-unti ko ring nakikita ang driver. Isang babae at hindi ako sigurado kung ano ang pakay nito sa akin. "Hi, pumasok ka na sa loob." Umiling ako dahil hindi ko naman siya kilala. "Com'on, trust me." Sabi pa niya ngunit kinakabahan talaga ako sa babaeng ito kung bakit pinipilit niya kong pumasok sa loob ng kan'yang sasakyan. Ngumiti siya. "Huwag kang magsisisi kapag nabasa ka ng ulan." Tumingin ako sa langit. May ilang kidlat akong nakita at sobrang dilim din ng langit. Arrrgghhh!! Inis ko rito. Kung kailan nakaplano na ko sa pagtakas ay ganito pa ang aabutin ko sa daan. Kaya no choice kundi sumakay sa sasakyan niya. "Sige," napipilitang sagot ko kahit kabadong kabado ako. Ngunit ngumiti ulit siya pagkasakay ko. Dito ako naupo sa backseat dahil may nakaupo naman sa front seat. Hindi na ko nagtanong kung sino sila. Hindi na rin ako nagtanong kung saan kami pupunta. Basta ang gusto ko lang ay makalayo sa lugar na ito. Lumipas ang ilang oras na aming byinahe. Madaling araw na nang huminto ang sasakyan mula sa tapat ng penthouse. Nakarating kami rito habang sinasalubong sa daanan ang ulan kanina. Nakarating ako rito na hindi nila ako kinakausap. Pero ewan, mukha naman silang mababait sa akin. At dito na rin sila nagpakilala sa akin na parang matagal ko na silang kakilala dahil dito na raw ako titira sa kanila mula ngayon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook