Chapter 4

1705 Words
Huminto si Elisha Marie sa paglalakad nang hindi sinasadyang marinig ang mga pinag-usapan ng mag-ina. Hindi rin sana niya gustong pakinggan ang usapan ng dalawa ngunit narinig niya ang kan'yang pangalan. Tumawa pa ang mga ito dahil natutuwa pa sila kay Elisha Marie. "Bakit naman sila natutuwa sa akin?" Bulalas niya habang nasa halaman siya nakaupo at doon nagtatago. Nasa garden kasi sila nag-umagahan. "Yes mom, she is funny. And__ "And what Sebastian?" Tanong ng mommy niya. "She's sweet and loving." Huminto si Seb at tila may iniisip pa. May gusto pa siyang sabihin dahil minsan ay napapansin niyang yumuyuko ito kapag kinakausap niya ito. "And shy." Dugtong pa niya. "Sinabi mo pa anak. Kaya ikaw na muna ang bahala sa kan'ya. Bilang kuya, ikaw ang magtuturo sa kan'ya. Balak ko rin sanang ampunin na lang si Elisha Marie. Para maging legal mo na siyang kapatid." Nagka-tinginan ang mag-ama. Kuryusong napatingin sila kay Corina. "Why mom? Bakit mo naisipang gawin iyon?" Takang tanong ni Sebastian. Tipid na natawa si Corina. "Dahil gusto ko siyang maging anak. Gusto ko siyang maging kapatid mo." At impit siyang ngumiti saka nalungkot nang maalala niya ang nakaraan. Hindi na kasi nasundan pa ng isa pang anak dahil sa nangyari sa ikalawang baby nila. At ngayon, balak niyang ampunin na lang si Elisha Marie. Nang malaman niya kay Lourdes na walang mga magulang ang bata at siya na lamang ang nag-aalaga kay Elisha Marie ay doon naman nagka-interest si Corina na ampunin na lang si Elisha Marie. "Kung papayag si Lourdes sa gusto mo." Sabi ni Tomas. Tumingin si Corina Kay Tomas. "Tomas, matanda na rin si Manang Lourdes at may iniindang sakit. I want to help her but she doesn't want to." At napatayo si Elisha Marie mula sa matayog na halaman. Napansin naman iyon ni Sebastian na parang gumalaw ang halaman eh hindi naman humangin ng malakas at dahil malapit lang siya sa mismong pinagtataguan ni Elisha Marie ay tiningnan niya ito. Patungo naman si Elisha Marie sa kusina para tulungan ang Lola niya. Imbes na maglalaro sila ni Daniela ngayon ay tutulungan na lang niya ang kan'yang Lola. Malaking tulong na rin iyon para mabawasan ang mga trabaho niya. Alam naman ni Elisha Marie na may dinaramdam na sakit ang kan'yang Lola. Hindi naman niya iyon masyado pinag-aalala dahil ang alam niya ay normal lang ito sa mga matatanda ang magkaroon ng sakit. Pero Hindi niya alam kung Malala ba o sakit lang ba sa katawan niya sa tuwing napapagod ito? Iyon lang naman kasi ang kadalasang napapansin ni Elisha Marie sa Lola Lourdes niya. Kapag napapagod ito ay ang katawan niya ang hinihilot nito. "Elisha Marie!" Tawag ni Sebastian nang habulin niya ito bago pa man siya makapasok sa loob ng kusina. Huminto naman si Elisha Marie sa paglalakad at tiningnan niya si Sebastian. "Bakit kuya? May ipag-uutos po ba kayo?" Tanong ni Elisha Marie ngunit nagtaka si Elisha Marie kung bakit may ngiti sa labi ang kuya Sebastian niya. "Are you done eating your breakfast?" Umiling si Elisha Marie. "Halika na roon sa garden. Kumain ka na muna. Hayaan mo na lang muna ang mga trabaho riyan. May ibang gagawa para riyan." Ngumiti si Elisha Marie dahil hindi na mapapagod ang Lola Lourdes niya at makakapunta na rin siya ng ilog mamaya. Magpipicnic sila kasama ang mga kaklase nila. Susulitin nila ang bakasyon dahil ilang linggo na lang ay pasukan na naman nila. "Kuya, nakakahiya po kina madam." Natawa si Sebastian sa sinabi ni Elisha Marie. Patungo na sila sa garden. "Bakit madam ang tawag mo kay mommy? Pwede namang mommy." Nahinto si Elisha Marie dahil sa narinig niya. Tama nga ang narinig niya kanina na balak siyang ampunin ng kan'yang mommy. Nalungkot siya. Naku paano na 'yan? Magiging kapatid ko na si kuya Sebastian. Pero crush ko na si kuya Sebastian. -Sabi ng isip ni Elisha Marie "Elisha," tawag ni Sebastian. Biglaan ang pagkagulat ni Elisha nang mapatingin siya kay Sebastian. Nakalimutan niyang nasa tabi lang pala niya ang kan'yang kuya. "Bakit kuya?" Na parang nagulat ito. "Ang lalim ng iniisip mo ha." Puna ni Sebastian. Tipid na tumawa pa ito. "Ang cute mo kapag nagugulat." Namula ang pisngi ni Elisha Marie sa sinabi ni Sebastian. "Oh, natahimik ka na naman?" Saka niya pinisil ang kaliwang pisngi ni Elisha Marie. Naalala pa ni Sebastian kagabi nang manood silang dalawa. Lihim lang niyang sinusulyapan si Elisha Marie. Paano na naman kasi, she hides behind the pillow when there's a kissing scene going on in what they're watching. Hindi naman malaswa ang pinapanood nila dahil thriller iyon na may pagka-comedy rin. Parang naroon na nga ang lahat ng genre sa isang movie na kanilang pinapanood. At iyon, hindi naman sila naboring sa panonood ng movie kagabi. Halos umabot na rin sila ng alas dose pasado at pagkatapos niyon ay hinatid pa ni Sebastian si Elisha Marie sa kuwarto ng mag-lola. At nang gabi ding iyon ay lihim na ngumiti si Sebastian sa tapat ng pintuan ng kuwarto ng mag-lola. And that's why he said, Elisha Marie is cute. "Kuya naman!" Singhal ni Elisha Marie nang mapa-hawak siya sa pisngi nito. Nahiya siyang tumingin kay Sebastian kaya naman nag-walk out na lang ito at naunang nagpunta sa hapag-kainan. Nagkibit-balikat na lang si Sebastian at sumunod na rin ito kay Elisha Marie. "Oh, kumain ka na Elisha Marie. Ahhmm... Marie na lang kaya ang itawag ko sayo iha?" Sabi ni Corina. Tapos na rin itong kumain ganun din ang asawa niya. "Pwede naman po madam," sagot ni Marie at natawa na naman si Sebastian na nasa tabi na rin niya. Tinapunan ni Marie ng masamang tingin si Sebastian ngunit nakangiti pa rin ito sa kan'ya. "I told you na mommy na lang itawag mo kay mommy. Diba mom?" Tanong ni Sebastian. "Yes, gusto kong mommy na lang itawag mo sa akin. Hindi ba dad?" Tanong din ni Corina sa asawa niya. "That's great pero natanong niyo na ba si Marie kung gusto niya?" Tanong ni Tomas "Ako ho? Bakit po ako? Pwede po bang ipaalam ko muna ito kay Lola Lourdes?" Natawa ang tatlo sa sinabi ni Marie. Parating naman si Lola Lourdes sa gawi nila na may ngiti sa labi niya. "Narinig ko iyon Marie. Pwede mo silang tawagin ng mommy o daddy kung iyon ang gusto nilang itawag mo sa kanila," pag-sangayon ng kan'yang Lola. Ngunit malungkot pa rin si Elisha Marie dahil lihim niyang nagugustuhan si Sebastian. "Sige po," sagot ni Elisha at malungkot siyang ngumiti at umupo na lang. Tahimik siyang kumain na hindi na nakataas ang isang paa nito. Napansin ng lahat na malungkot si Elisha Marie. Parang alam ng kan'yang Lola ang iniisip nito. Alam niya kung ano ang nararamdaman niya. Tutol siya sa kagustuhan ng mga ito na ampunin siya. Sana iba na lang ang mga naging magulang ko. Sana hindi na lang sila. -Sa loob loob ni Elisha Marie. Nahalata ni Sebastian na malungkot si Elisha Marie. "Hindi ba siya natutuwa na magiging parte na siya ng pamilya? Ayaw ba niyang magkaroon ng pamilya? Kanina ko pa ito nahahalata sa kan'ya?" -Sa loob loob ni Seb. "Ahmm... Kumain ka lang diyan iha." Ngumiti si Marie. "Seb iho, Ikaw na muna ang bahala kay Marie. May pag-usapan lang kaming tatlo sa loob," sabi ni Corina sa anak niyang si Sebastian. "Yes mom, ako na ang bahala kay Marie," sagot naman ni Sebastian. Naiwan ang mga ito sa garden habang patapos na rin kumain si Marie. Hindi niya pinapansin si Sebastian kaya tumikhim pa ito para pansinin lang siya ni Marie. Ngunit hindi talaga pumapansin si Marie. "Marie," tawag ni Sebastian na dati ay Elisha ang tawag niya. "Ang tahimik mo na naman? May iniisip ka ba?" "Wala kuya, tinatapos ko lang kumain. Ayoko magsalita kapag kumakain ako." Sagot ni Marie. "Hindi ako naniniwala. Tapos na rin siyang kumain. Alam kong may iniisip siya. Halata kong nalulungkot siya. Hindi naman siya gan'yan kagabi nang magkasama kaming manood ng TV." Sa loob ni Sebastian. "Gusto mo bang manood tayo sa kuwarto ko. I have new one. Gusto kong panoorin natin iyon." Suhestiyon ni Sebastian. Tumingin lang si Elisha Marie at maya-maya ay kumuha ito ng saging saka niya ito buong kinain. Napatulala na lang si Sebastian sa ginawa ni Elisha Marie. At nang maalala niya yung napanood niya kagabi bago niya ayain si Elisha Marie na manood. Parang may something siyang naiisip na hindi maganda. "Oh sh*t! She is f******* nice and she knows how to eat the d**k!" - Sa loob niya habang pinapanood niyang kumakain ito ng saging. Ginawa ni Sebastian na d**k ang saging at nagiging green minded na ang kan'yang isip. Biglang napatingin si Elisha Marie kay Sebastian. Nahuli niya itong nakatitig ito sa kan'ya. Nagtaka si Elisha kung bakit ito nakatingin sa kan'ya. Napatingin siya sa saging na kinuha niya. Buo pa ito at hindi pa niya nababalatan. Hindi pa kasi ubos sa bunganga niya yung nginunguya niyang saging. "Gusto ba niya itong saging? Baka gusto niyang subuaan ko siya?" Sa loob ni Elisha. Binalatan niya ang saging at pagkatapos ay itinapat niya ito kay Sebastian. Napakunot ng noo si Sebastian sa aktong pagtutok ng saging sa bibig niya. "Kuya kagatin mo na. Kanina mo pa ko tinitignan eh. Ito na ang saging oh." Napakamot si Sebastian ng kan'yang ulo. "Alright, kakainin ko ng buo 'yan but in one condition." "Anong condition kuya?" "Manonood tayo ng movie." Sagot ni Sebastian. Ngumuso si Elisha Marie. Magpipicnic kasi sila sa tabing ilog ngayon kasama ang mga kaibigan niya kaya yung saging na hawak niya ay siya na ang kumain. "What the hell she is doing?! Mautak talaga itong si Marie." Sa loob ni Sebastian. "Kinain niya ang saging so it means ayaw niyang kong samahan na manood ng movie." Napailing na lang si Sebastian. Lihim na napatawa na lang si Marie dahil naisahan niya ang kuya Sebastian niya. "Anong akala niya sa akin? Sunod-sunuran? Mas mautak ako sayo kuya kaya sorry ka na lang. Mas gusto ko pang makasama ang mga kaibigan ko kaysa sayo. At dahil magiging kuya na lang kita. Iiwasan na lang kita kaysa tuluyang mahulog ang loob ko sayo." -Sa loob ni Elisha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD