Chapter One
"Oh s**t!"Isang nabiglang tinig na nakapagpalingon kay Natasha sa plano niyang paghuhubad.
Masyado siyang exhausted at stress. Kadarating lang niya galing ibang bansa,sapilitan ang pag papauwi ng kanyang magulang.
She’s been staying in New York,pero dahil sa kanyang lifestyle.She was threaten by her parents na mawawalan siya ng mana if she will not behave!
"What are you doing here in my condo?" Nagulat pang tanong ni Shaun.Parang kelan lang sa flash report lang niya ito nakita nakikipag away sa isang bar sa New york. At ngayon heto sa harapan niya.Ginala niya ang mga mata at nakita niya ang dalawang maleta na nasa paanan ng kama.
"Ask your parents."Sabi lang niya at itinuloy ang paghubad ng kanyang damit,leaving only her undies.Sumampa siya sa kama at pumasok na sa loob ng comforter at pumikit ang mga mata.
"Hey!" Lumapit si Shaun sa babae at hinila ang comforter, pero nakipaghilahan si Natasha dito.And in her angry voice she shouted.
"I am so tired! Give me time to rest and we will talk later, ok?"at muling hinila ang comforter at nagtalukbong.
Napatitig na lang si Shaun sa babaeng natatabunan ng comforter at nagpupuyos ang kalooban na lumabas ng kwarto.Mabilis ang mga hakbang.
"What?"hindi makapaniwala si Shaun sa narinig mula sa ama.Kasalukuyan siyang nasa opisina ng ama na isang CEO at may ari sila ng isang sikat na TV network at telecommunications company.
"She's your future wife Shaun.She has to stay with you.Masyado siyang nagiging brat sa new York. That's why her parents brought her here.And as her future husband she's your responsibility now" Parang balewala lang na sabi nito.
Napatayo siya mula sa kinauupuan at parang wala sa sarili na nag palakad lakad sa loob ng opisina ng ama.
"She's unbelievable papa, I dont understand why you choose me a wife like her!No i am not going to marry her!"pangtanggi niya.
Sakit na nga sa ulo ng kanyang magulang kaya ang pasasakitin naman ay ang ulo niya?Hell,no way!
"Give her a chance Shaun!She just need some attention. She's a a senator’s daughter,kaya kailangan niya nang magpapatino sa kanya.Bago pa masira ang pangalan ng ama niya".Pagkumbinse ng kanyang ama.
"Why me?".tanong niya na hindi pa din makapaniwala.
"You knew long ago that you were destined to marry someone. You even agreed to your late grandpa".sabi pa nito.
Ang kanyang namayapang lolo ay dating vice president ng Pilipinas.Ayaw sumunod sa tapak ng namayapang lolo ang kanya ama na nag iisa nitong anak.Kaya naisip ng lolo niya ang ipagkasundo siya sa anak ng pulitiko para siya o ang apo sa kanya ang magiging pulitiko din.Si Natasha ay anak ng senador at apo ng dating pangulo ng bansa!
"Since you are already here.Let's go. We have to meet someone".sabi ng kanyang ama at magkasunod silang lumabas ng opisina nito.
Sa isang kilalang restaurant sila nagtuloy,ang alam niya pag aari ito ng pamilya ni Natasha Montecillo.
Hindi siya nagkamali,hindi pa sila nagtatagal nakaupo lumapit na sa kanila si Mrs. Montecillo.
"Hi,Carlos.This must be your son Shaun."nakangiti nitong bungad sa amin.
Matapos mag kumustahan ang dalawa,lumipat ang tingin sa akin ng ginang.Alanganin itong ngumiti sa akin.
"I know you're shocked for seeing my daughter in your place. It's been arranged way back before,napadali lang because we can't control Natasha anymore." Sabi nito.
Hindi siya nagsalita. Inabot naman nito ang kanyang palad na nasa ibabaw ng mesa.
"Please Shaun.Help my daughter.Just give her a chance na makilala siya. This engagement might help her to become more mature and responsible."
Pagsusumamo nito sa kanya. Nakikita niya ang paghihirap ng loob nito bilang isang ina.
Nagpawala siya ng malalim na buntong hininga.Alam naman niya na naipag kasundo na siya.Malapit siya sa kanyang lolo,kaya nang nasa hospital bed ito suffering from lung cancer.Sumang ayon siya sa habilin nito.
"Shaun apo, baka hindi na magtagal si lolo.Ipagpatuloy mo ang gusto ko apo makatulong tayo sa mamayan ng bansang ito." Paputol putol nitong sabi.
Napakahirap tingnan ang kalagayan nito. Para itong nalulunod sa hirap nitong huminga. Hindi nito nakayanan ang treatment dahil na din sa may katandaan na ito.
"I want you to continue in politics, and marry Nicholas grand daughter."habilin nito. Ang tinutukoy nitong Nicholas ay ang lolo ni Natasha. At napatango na lang siya,bilang pag sang ayon.
" He is aware of that,Nerissa. We don't expect lang that it will be this early. I did not even prepare Shaun first to handle the company.Akala ko after pa nilang maka graduate." Sabi ng kanyang ama na nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.
" Im sorry Carlos, but we badly need your help specially Shaun to help Natasha not to do more damage on his father image. You know.." sabi nito na ang tinutukoy nito ay pagtakbo ni Mr. Montecillo bilang VP ng bansa.
"I understand." sabi ng kanyang ama.
"Shaun,please take care of Natasha. "
Sabi nito at inabot sa kanya ang isang calling card.
"She doesn't like bodyguards pero kailangan niya iyon. Informed them that you will be the one to be incharge of her. They know what to do".habilin nito sa kanya.
Mabigat pa din ang loob ni Shaun matapos ang pag uusap.
He will do everything para lang ang babae na mismo ang humiling na wag ng ituloy ang napagkasunduan ng kanilang mga lolo!