Chapter 19

876 Words
“ What are you thinking?" tanong ni Shaun sa kanya na nakapag pahinto sa kanya sa pagbaba ng sasakyan.Nandito na sila sa parking area ng condo nito na tinutuluyan nila. "Bakit mo naman natanong yan?"ganti niyang tanong. "Mula ng lumabas tayo ng restaurant,naging tahimik ka na.Something wrong?" pag aalala nito sa bigla niyang pagtahimik. "Wala. Me naisip lang ako.” mahina niyang sabi. "Like..?" hindi talaga siya titigilan ni Shaun. Kayan napabuntong hininga na lang siya. "Is it possible that Adam might love Ivanna. You know.." pambibitin niya sa sasabihin. "Why it bothers you anyway?” nalilitong tanong ni Shaun. "I dont know. I am just thinking if it is possible.You know against all odds affair.” Sagot niya dito. "If they really love each other it's possible. C'mon its getting late." yaya nito sa kanya at bumaba na ng sasakyan. Pinagbuksan siya ng pinto at inakbayan siya na sumakay ng elevator. Pasara na ang elevator ng biglang me humabol na sumakay dito. "Bradley.?” nagulat na sabi niya . Hindi niya inaasahan na makikita pa niya ito. Ngumiti ang lalaki sa kanya. At tumango. Naramdaman niya ang mas madiin na paghawak ni Shaun sa kanyang balikat. "Your also staying here?" tanong niya dito.Hindi pinansin ang pagpisil ni Shaun sa kanyang balikat. "No, me bibisitahin lang ako." sabi nito at pinindot ang 10th floor. Hindi na siya nagsalita kasi naramdaman niya na bumaba ang palad ni Shaun sa kanyang beywang at bahagya pang hinalikan ang tuktok ng kanyang ulo. Inaamoy amoy nito ang kanyang buhok. Baka isa pang salita niya at halikan na siya ng binata para lang ipakita na pag aari na siya nito. Pagdating sa 10th floor. Pinigilan nito ang kanyang paglabas. Akala niya ay paunahin lang nito si Bradley pero laking gulat niya ng muling pindutin nito ang ground floor at muling magsara ang pinto ng elevator. "Hey, what are you doing? Im so tired Shaun. I want to rest now.” pag rereklamo niya dito. "Me too. But we will rest somewhere else." sabi nito. Wala nang lakas para makipag argue pa siya kay Shaun. Padabog siyang sumakay sa sasakyan nito at ipinikit ang mga mata. Pinaharurot nito ang sasakyan. Naramdaman na lang ni Natasha na ibinaba siya ni Shaun sa isang malambot na kama. Masyado siyang napagod kaya hindi na niya kaya pang magmulat ng mata. Naramdaman lang niya hinalikan siya nito sa noo at ipinatong sa katawan niya ang comforter. Hinila na siya ng matinding antok. "Natasha,.oh s**t!"sambit ni Shaun. Kalalabas lang niya ng banyo at bagong paligo. Nakatapis lang siya ng tuwalya. "Why?" nakataas kilay niyang tanong dito. Ang reaction kasi nito ay hindi niya kayang maipaliwanag. Parang matatae na pusa?. Hindi ito sumagot nakasunod lang ng tingin sa kanya. Lumapit siya sa dresser at binuksan ang drawer. Kinuha ang hair dryer na nakita at nagsimula siyang patuyuin ang buhok. "Where are we anyway, at kanino room ito? I like it." sabi niya sa lalaki na parang namatanda. "Can i ..?" hindi nito matuloy ang sasabihin mataman lang nakakatitig sa kanya. "What?".sabi niya at tumayo siya at lumapit sa lalaki na parang estatwa,mata at adams apple lang gumagalaw dahil sa paglunok nito ng laway. Tumingala siya dito,nakataas ang kilay at me pilyang ngiti sa labi. More or less ay alam niya kung bakit ganito ang lalaki. Hindi sumagot si Shaun sa halip bigla siya nitong hinapit ng yakap at hinalikan ang kanyang mga labi. They kissed for ages naglandas ang labi nito pababa sa kanyang leeg. Nararamdaman ni Natasha ang matinding pagnanasa na lumalabas sa katawan ni Shaun. "Close the door mga anak.” boses ng mommy ni Shaun kasunod ang pagpinid ng pinto ng kwarto na inuokopa niya. Napapahiya na kumalas siya kay Shaun. "Ikaw..".namumula ang mga pisngi niya at hindi makatingin dito. "We've been living on the same roof for quite long time now. They already think we did" it" anyway ." Nanunukso nitong sabi at muli siyang hinila palapit sa katawan nito. Kinurot niya ito ng bahagya. "Tumigil ka nga. Anong susuutin ko?"tanong niya dito. Binuksan nito ang pinto at nakatayo don ang naka uniporme na katulong na me hawak na mga paper bags. Kinuha nito ang mga iyon at inabot sa kanya. "Me kasama ka pala and yet you kissed me right there and then." sabi niya at iningusan ito pumasok siya sa walk in closet at nagbihis. Paglabas niya naka upo si Shaun sa gilid ng kama naghihintay pa din sa kanya. "You bought this for me? I like it. Thank you." nakangiti niyang sabi. Kahit madami siyang pera na pambili iba pa din ang pakiramdam na me nagbigay sa kanya. Masaya na meron nag effort sa kanya at nag iintindi. "Kay mama galing yan sa boutique nya. Sorry kung ngayon lang kita nadala dito." hinging paumanhin nito at hindi man magsalita si Shaun alam niyang nagustuhan nito ang suot niya. "Akala ko pa naman ikaw na pumili nito." tinalikuran niya ito at humarap sa salamin. "She wanted a daughter, having you here makes her feel so happy. And she wanted a grandchildren too.." sabi nito looking at her in the mirror. Lumingon siya dito. "I dont know what to say Shaun. Do you think we are ready to become parents?" tanong niya dito. "Yeah maybe your right.. i am ready and willing to take the responsibility but i think you are not.." me himig pagtatampo ito. At lumabas na ng silid. Naiwan siyang nakikipagtitigan sa salamin. Hindi pa nga ba siya handa?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD