"What are you doing here?".nagulat na tanong ni Shaun. Hindi niya inaasahan ang pagdating ng dalaga sa opisina niya. Napaaga ang pag train sa kanya ng ama bilang bagong CEO ng Saavedra group of companies.
"Just visiting you,its been five days since we’ve seen each other.".sabi ni Natasha at umupo sa harapan niya.
"Im sorry,im very busy".hingi paumanhin ni Shaun. Late na siya na nakakauwi at ang dalaga naman ay maaga umaalis. Bago mag 7 am kailangan na niya mag punta ng coffe shop.
" Busy working or drinking? Ang layo ng tingin mo".at itinuro nya pa ang baso ng brandy na nasa harap niya.
Nagkibit balikat lang si Shaun. Tumayo na ito. At hinawakan siya sa kamay. Sa helipad siya dinala ng lalaki.
"Where we going Shaun?" Tanong niya dito.
"Let's unwind, you will like the place. I heard from my staff you work hard. We will spend weekend in Palawan.".sabi nito. Hindi na siya tumanggi. Knowing she will spend weekend with Shaun is such a great idea!
Pagbaba nila ng airport me sasakyan na naghihintay sa kanila. Dumaan muna sila sa isang mall at bumili ng personal na gamit.
Dinala sila ni Shaun sa isang magandang beach house. Hindi niya inaasahan na meron na pala nauna sa kanila. Andito din ang mga kaibigan nito meron din mga babae.
"Shaun dude, akala ko hindi ka na makakarating. ".nakangiting bati ng isang lalaki. Pag pinagsama sama pala ito at ang mga barkada nito ay parang nagbukas ang langit at nalaglag ang mga anghel sa katauhan ng limang lalaki.
"She's also here?".mahinang sabi ni Natasha pero nakaabot sa tainga ni Shaun at sinundan ng tingin ang kanyang tinitinggan. Si Ivanna na nakaupo sa isa sa rattan na chair at nakatingin din sa kanya.
Lumapit dito si Shaun at bumulong sa mata ng iba parang humalik siya sa pisngi nito.
Umiwas ng tingin ang dalaga sa mapayapang dagat siya nakatingin. Kahit parang binabayo ng malakas na alon ang kanyang dibdib. Nagseselos siya.
"Where is my room?".walang gana na tanong niya kay Adam. Napag alaman niya na kina Adam Santillan ang me ari nang magandang beach house na ito.
Agad na tinawagan nito si Ivanna.Nagpaalam ito kay Shaun at lumapit sa kanila ni Adam.
"Bring here to her room .".utos nito sa babae na agad naman tumalima.
Dinala siya ni Ivanna sa isang kwarto na makikita sa bintana ang malawak na dagat me isang katamtaman na bed na puti ang bedsheet.
Lalabas na sana ang babae ng tawagin niya ito.
"Ivanna,pinsan ka ba ni Adam?".tanong niya dito.
"Hindi ,housemaid lang ako nina sir Adam".sabi nito pero hindi makikitaan sa mukha niya nanahihiya siya sa trabaho niya.
Nabigla siya sa narinig. Hindi siya nakapagsalita.
"Anything else?".tanong nito na nakapagpabalik sa sandali niyang pagpunta sa outerspace.
Umiling lang siya. At tuluyan na itong lumabas.
Naiwan siya na nahulog sa matinding pag iisip. Hindi niya alam kung ano ang iisipin. Kaya hindi nito pwede piliin si Ivanna over her kasi sigurado na tutol ang mga magulang nito. Ginagamit lang ba siya ng lalaki?.
"Are you okay in here?".boses ni Shaun sa kanyang likuran na nakapag palingon sa kanya dito.
Pilit siyang ngumiti dito at tumango.
"Ayusin mo na gamit mo ng makakain na tayo".sabi ni Shaun.
Nagpakilala ang mga kaibigan ni Shaun si Adam Santillan na anak ng mayaman na angkan ganun din si Terence na ilang beses na din niya nakita, si Christian Kane na prefer na tawagin na CK ,at si Simon ibarra na isang anak ng haciendero, na me sariling plantation at wine production na distributor sa ibat ibang panig ng bansa.
"I like your name, Simon ibarra. Did you find yourMaria Clara ?".nakangiti niyang sabi dito. Na bahagya lang ngumiti sa sinabi niya.
"Juice pa please. ".maarte na sabi ng isa sa babae na bisita ni Adam lagi itong nakadikit dito. Kung di siya nagkakamali si Jonah ito ang rising star na lagi nakabuntot kay Adam. Mayaman din ito pero hindi kapantay sa kanilang yaman.
Nilingon niya si Ivanna. Maganda talaga ang babae,at walang lalaki na hindi mapapalingon dito. She looks so innocent and pretty. There is something in her na makakakuha ng atensyon ng kahit sino.
Simple lang ito pero kababakasan ng kumpiyansa sa sarili,mas insecure pa nga ang mga babae na kasama nito . At siya me inggit din dito kasi siya ang mahal ni Shaun. Wala pa din pala siya compare sa babae. Maaring nasa kanya na ang lahat, social status,pera magandang mukha. Pero hindi sa kanya si Shaun!