Chapter Thirteen

901 Words
"Where is Natasha?"salubong ang kilay ni Shaun. Andito siya sa coffee shop para sunduin ang dalaga at mag dinner sana sa labas. "Maagang nag out Sir. Sinamahan si Abby, me lalakarin daw"sagot ni Benita isa sa kanyang tauhan sa coffee shop. Agad niyang dinukot ang kanyang celphone. As usual ito ang tao na kayang mabuhay na walang celphone,kasi deadma lang kahit me text or calls. If you want to talk to her,you have to go and find her and tell her personally. "Sgt. Oliver,where is Natasha?" Mabuti na lang marunong sumagot mga bantay nito. "Boss,hindi namin mapigil si Miss Natasha!"ang boses nito ay parang hindi mapalagay. "Wait,tell me what's going on?"Nababahala niyang tanong . Ano na naman kayang kalokohan ang ginawa ng nuknukan na pasaway na dalaga? "Sumali si Miss Natasha sa underground kick boxing match!"sagot nito. "Ano?Asan kayo?Pigilan nyo siya,pupunta na ako diyan!"matapos sabihin nito ang lugar nagmamadali siyang umalis sa coffee shop. Mga mamahaling sasakyan ang sumalubong sa kanya. At sa labas nang building me nakabantay na agad siyang hinanapan ng identification card. "Sgt. Oliver!"tawag niya sa lalaki. "Boss Shaun!"sinalubong siya nito at dinala siya sa loob ng gym.Matapos magbayad nang 50 thousand na entrance fee. Amoy sigarilyo ang sumalubong sa kanya,at malalakas na sigawan. "Fight! Fight!"nilibot niya ang paningin madami mga asean na marahil from china at korea me mangilan ngilan din na european. Lumapit pa siya sa pinaka unahan. Sa pinakagilid ng ring. Sakto naman na napadako sa kanya ang naglalaban na napatumba nang katunggali. Para siyang binuhusan nang malamig na tubig sa nakita.Nakasubsob si Natasha me dugo sa labi nito at ilong. "Natasha,stop this!"sigaw niya dito. Tumingin sa kanya ang dalaga. "Pag pinigilan mo ako. Ikaw ang bubugbugin ko!"sagot nito sa kanya .Pagkasabi noon ay tumayo na ito.Muling umakto sa pakikipaglaban. Wala siyang nagawa kundi panoorin ang dalaga. Hindi dahil natatakot siyang mabugbog nito kundi nakita niya sa mga mata nito ang matinding determinasyon. Parang maghahalo ang balat sa tinalupan kapag inawat niya ito. "Boss, mga Professional nag train sa kanya sa ganyang larangan. Libangan niya ang kickboxing" hindi niya namalayan na nakalapit na si Sgt. Oliver sa kanya.Ano pa ba ang inaasahan niya sa babae? Hibdi ito ang tipo na titigil ng bahay at mananahi o mag burda bilang libangan. He can't stand the sight of her,throwing punches and kicks. Parang siya ang tinatamaan pag nagagantihan ang babae. "This is really bullshit!"Hindi niya matagalan ang nakikita kaya agad siyang umalis ng boxing ring. Nagtuloy siya sa lobby at don matiyagang naghintay. "Lord keep her safe!"hindi niya alam pero ngayon lang siya nakapagdasal ng wala sa oras. Hindi niya alam kung ilang beses siyang nagpabalik balik. Kung lupa lang tinatapakan niya marahil napatag na ito. Hanggang lumabas mula sa loob ang dalaga. Naka dark shades ito ang suot na jacket na me hood ay naka talukbong sa ulo.Me nakasukbit itong backpack sa balikat. "My God,Natasha.!"hindi niya alam pero agad niya itong niyakap nang makita na nakakalakad ito at hindi naka stretcher. "Shaun! Back off im hurting all over!"asik nito. Agad naman siyang kumawala sa pagkakayakap dito. Tumingala siya sa akin at ngumiti kahit me putok ito sa labi. Totoo pa din ang ngiting sumilay dito. "Nag alala ka? Salamat!"sabi nito at nagpatiuna nang lumakad. "Boys! Mag day off na kayo."lingon nito sa mga bodyguards. Binuksan nito ang backpack at me dinukot. Inihagis ito sa dalawang lalaki.Dalawang bundle nang pera marahil tig sampung libo. "Share ninyo! Enjoy!"sabi nito na kumaway pa sa dalawa. "Thank you Miss Nash.” Pasalamat nang mga ito at masayang ngumiti sa dalaga na tinanguan naman nito. "Let's go Shaun.Dalhin mo ako sa hospital!"sabi nito at sumakay na sa kanyang sasakyan. "Me masakit sa iyo? Saan?"agad nitong inusisa ang kanyang mukha. Pati ang braso at binti ay hindi nakaligtas sa pag busisi nito. "Relax!"sabi nito at tinapik ang kamay na sige pa din ang paghawak sa kanya. "Let's go!"sabi niya dito nang hindi gumalaw ang lalaki. Mataman lang nakatitig sa kanya. "What?!"inalis ni Natasha ang shade at me dinukot sa bulsa ng backpack. Isang compact mirror at concealer. Agad nitong sinipat ang sarili at itinago ng make up ang mga mapupula nitong marka. Na alam niya soon magiging pasa ito. "Why you have to do that?"mahina ang boses ni Shaun na tanong dito. "Why not?. Nag enjoy na ako nagka pera pa ako!"sagot nito na balewala lang. "Natasha im serious,you scared the hell out of me!"sabi nito. "Why? Ok na nga yon para pag ma paralized ako. Pumangit ako .you have all the reason para mag back out ka sa engagement." "Or mamatay ako you'll be free."dagdag pa nito. Hindi naman niya inaasahan ang biglang paghampas nito sa manibela. Napapitlag naman ang dalaga si inakto niya . "Your talking nonsense. Naalog na yata ang utak mo!"gigil nitong sabi. At ang lalong hindi niya inaasahan ang pagkabig nito sa kanya. Kiss her on her forehead and whisper to her ears. "Please Nash,don't make me worry and don't make me scared ever again". Wala naman sa sarili na napatango siya. Naramdaman niya ang heavy breathing ni Shaun ganun din ang malakas na t***k ng puso nito. Matapos ang ilang saglit na parang pinakalma ang sarili. Nagmaneho na ito. Sinabi niya kung saan hospital sila pupunta. Nang makarating na sa destinasyon,nauna na siyang umibis sa sasakyan nito. "Hey,hindi diyan ang ER". Tawag nito sa kanya. "Alam ko!"sabi lang nito at nagtuloy tuloy nang lumakad. Sumunod lang si Shaun sa kanya. "Why here?"nagtatakang tanong nito nang tumigil si Natasha sa labas ng operating room. "Abby."tawag nito sa babae na nakaupo sa waiting area ng OR. Lumapit ito sa kanya. Namumugto ang mga mata. "He will be fine,don't worry!"pag alo nito sa babae na hindi na naman napigilan ang pag iyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD