Maaga akong ginising ni Manang Lory kinabukasan, tamad pa ko bumangon.
Dumating na daw pla si Mom kanina at gusto nya sa sabay sabay na kami mag agahan.
Mabigat ang katawan kong bumangon, para akong zombie naglakad at kumilos.
Naghilamos, nagtoothbrush saka nagsuklay ng buhok. Nang Napansin ko na mas humaba na pala ang hair ko, naisip ko paputulan mamaya.
Pagbaba ko sa dining area ay naabutan ko sina Mom and Dad na sabay nag aagahan.
Tila meron silang masayang pinagkekwentuhan.
"Hi Dad, hi Mom." masayang bati ko habang naupo sa tabi ni dad (syempre Daddy's girl eh!)
Kumagat ako ng bacon habang nakikinig sa usapan nila.
"Iha alam mo ba nakauwi na pla ang Tito Bernard mo?" Baling sakin ni Dad.
"Hmmm tito Bernard?" Nagtatakang tanong ko.
"Oo yun kababata ko taga kabilang bayan, kilala mo yun. Ang anak nya yun ang kasa kasama nyo maglaro nina Migs noong mga bata pa kayo." paliwanag pa nya.
Saglit akong nagisip? Kababata? Sino nga ba bukod kay...
Ahhh si Luis!
"Ah opo Dad naalala ko na po si Tito Bernard, kasama nya po ba si Luis?" Excited na tanong ko. After all these years hindi na maimagine na magkikita uli sila ni Luis. Ano na kaya itsura nya ngayon?
"Oo iha, kakabalik lang nila galing US to take care some business." sagot ni Mom.
"Naalala mo ba nun mga bata kayo, kung ano anong kalakohan ang ginagawa nyo, eto naman si Migs ay madalas umiiyak at nagsusumbong." natatawang kwento ni Mom.
Napatawa naman ako dun.
Paanong hindi iiyak si Migs nun eh lagi syang talo sa jack en poy para kunwari maging asawa ko.
Come to think of it nga naman, hindi pala si Migs ang 1st love ko.
It was Luis.
Pumalit lang si Migs nang umalis na sina Luis para magmigrate sa US.
Bigla tuloy ako naexcite makita siya ulit.
"Pupunta kaya sila sa birthday party ni Gov, later Dad?" Hopeful na tanong ko.
"I think so iha, sa pagkakaalam ko invited sila."
Napangiti ako ng malaki.
Nagmamadali ako magbreakfast at nagpaalam sa kanila pupunta pa ko ng parlor mamaya, gusto ko kasi new look ako pag nakita ni Luis.
Pagkaligo ko ay nagpasama na ko sa driver namin papuntang parlor sa may bayan.
Pinabawasan ko ng konti yun buhok ko saka pinalagyan ng style. Naisipan ko din palagyan ng hi lites.
Pagkatapos ko magpaparlor ay feeling ko lalo ako gumanda. Dali dali ako umuwi ng bahay para magprepare para sa party mamaya.
7pm daw yun party, meron pa ako 3 oras para mag ayos. Dumating na din make up artist na nahire ni Mom para mag ayos sa aming dalawa.
Nilagyan nya ako ng eyeliner, mascara, medyo dark color na eye shadow, blush on and red lipstick. Sunod nya na sana aayusin ang hair ko, kaso sinabi kong kakaparlor ko lang kaya nilagyan nya lang ng konting style yun hair ko na bagay naman sa red cocktail dress ko.
6:30 ay nakaayos na kami ni Mom, knowing Dad kasi ayaw kasi nun nahuhuli sa anumang event na pupuntahan. Sumakay na kami sa van bago dumaresto na sa venue.
Madami na mga nakaparadang mamahaling mga sasakyan sa labas. Big open area yun place, para syang malaking garden na semi japanese style.
Ibat ibang klase ng bulaklak ang sasalubong sayo pagpasok, may malaking man-made pond din na may maraming japanese coy.
Puno ng pagkain ang mahabang table, habang may mga waiters na nagiikot na may dalang tray na may mga inumin.
Napakaganda ng lugar, ang mga ilaw na nagkalat na nakalagay sa mga bilog na bola ay nagbibigay ng maaaliwalas na ambiance.
Mabilis kami sinalubong ni Gov pagpasok namin. Saglit ko syang binati ng maligayang kaarawan bago humalik.
Hinanap ng mga mata ko sina Amanda, nakita ko sila sa isang table kasama sina Enzo at ang kambal.
Nagpaalam muna ako sa magulang ko na kasalukuyang kakwentuhan ni Gov bago ako dumaretso sa table nina Amanda.
"Hi guys, ang aga nyo naman dumating." sabi ko habang umuupo sa bakanteng silya.
"Oo nga eh, excited ang mga parents namin. Palibhasa ngayon na lang ulit nagkaroon ng malaking handaan dito sa bayan natin." bored na sabi ni Enzo.
Nakasuot sya ng black coat and white tie, yun hair nya na madalas ay messy na nakagel ngayon ay neat na nakabrush up. Kamukha nya lalo si Daniel Padilla, mas naging gwapo ang loko. Kaya yun mga girls sa kabilang table kanina pa ang lingon at ngiti sa pwesto namin.
"You look so fabulous." in unison na bati nina Tiff , Tracy and Amanda.
"Kayo din naman girls." puri ko din sa kanila. Pareho din elegante ang suot nina Tiff and Tracy.
"Wala ata si Nathan?" tanong ko kay Tiff.
"Parating na yun, may emergency operation daw kasi parents nya kanina." Nathan's parents are both surgeons.
"France!" may tumawag sakin.
Paglingon ko nakita ko si Migs na papalapit sa table namin.
Ang gwapo nya sa suot na tuxedo, yun neat nya tignan sa mohawk haircut nya. Kamukha naman nya si Enrique Gil.
Tumayo ako at sinalubong siya.
"Wow you look so beautiful tonight France..." may paghangang sabi nya habang minamasdan ako mula ulo hanggang paa.
Medyo naconscious naman ako "Thanks, you don't look bad yourself." puri ko din sa kanya.
Isang makahulugang ngiti lang ang sinagot nya.
Inaya ko siya malapit sa punch area, iniwan nya muna ako para kumuha ng juice.
Nang mapansin ko si Louise na papalapit sa akin, titig na titig at minamasdan ako pababa bago sa mukha ko.
"Close your mouth or you might catch a fly." pabirong bati ko sa kanya.
Makalaglag panga naman kasi ang kagandahan ko ngayon, masisisi mo ba sya?
Anyway ang pretty and sexy nya rin naman tonight..She's wearing a black backless dress, medyo fit kaya kitang kita ang hubog ng katawan nya.
Nahimasmasan sya sa sinabi ko bago matamis na ngumiti.
Lumapit at bumulong sakin ng "You look so damn hot tonight...." mapang akit na boses na sabi nya.
Bumilis na naman ang t***k ng puso ko, na tipong automatic na pag kasama ko sya...wala sa sarili nakagat ko ang lower lip ko bago pilyang tumingin sa magandang mga mata nya.
"Hey Louise nakarating ka din pala." si Migs yun habang papalapit samin at may dalang 2 baso ng punch.
bumuntong hininga muna si Louise bago humarap kay Migs.
"Yeah nakaabot kasi si Dad kaya isinama na ako dito." parang irita na sabi nya.
Panira naman kasi ng moment eto si Migs oh.
Inabot sa akin ni Migs yun baso.
"See you later guys puntahan ko muna si Dad." paalam ni Louise bago tuluyang lumayo.
May naramdaman akong panghihinyang nang umalis sya.
Maya maya pa inaya ako ni Migs na magsayaw sa gitna, may mga ilan ilan na din nagsasayawan doon.
Ipinatong ko ang mga kamay ko sa balikat nya habang ang mga kamay nya ay nasa bewang ko.
Hinapit nya pa ako, romantic kasi yun sounds. Mas nilapit nya pa yun mukha nya sa akin saka ako tinitigan ng malagkit.
"You're still so pretty France...or should I say you got prettier.." pabulong na sabi nya.
Napasmile ako. Naalala ko kasi yun maliit pa kami nina Migs, madalas din kami magsayaw noon, nag aaway sila ni Luis kung sino ang partner ko.
Speaking of Luis.
"Migs alam mo ba bumalik na sina Luis dito, remember him yun lagi natin kalaro ng mga bata pa tayo?" excited na sabi ko sa kanya. Hindi ko mapigilan ang excitement ko na makita ulit si Luis.
Umilap bigla ang tingin nya "Yeah I heard.." maikling sagot nya.
Sakto naman natapos ang kanta at sabay kami bumalik sa table namin ng makasalubong namin ang pamilyar na lalake.
"Tito Bernard?" Parang hindi pa ako siguradong sabi ko. Nag iba na kasi ang itsura nya medyo nagkaedad na din.
"Frances? Wow look at you, you've grown into a such beautiful lady." nakasmile na sabi nya ng makilala nya din ako.
"Thank you Tito, kasama nyo po ba si Luis?" Excited na tanong habang lumilingon sa likod nya.
Oh my gosh I can't believe na magkikita na ulit kami ni Luis.
"Yes, wait lang tatawagin ko." habang tumigin sa kanan nya saka may tinawag.
Pagbaling ko sa kanan isang tao lang ang nakita ko na lumalapit sa direksyon namin.
Teka... is that Louise?
It means.....siya ang kalaro namin dati? Paano nangyari yun?!