Chapter 14

1566 Words
"Louise?? Ikaw si Luis??" gulat na gulat na naibulalas ko. Ngumiti lang siya, lumabas yun dimples nya...oh damn, that dimples.. why I didn't notice the resemblance before? Pero paanong nangyari yun eh guy si Luis? Naguguluhan ako. "You mean nagpa s*x change ka?" oh my gosh dating guy si Louise. "Hell no!" natatawa siya sa akin. Si Tito Bernard na ang nagexplain, tomboyish daw si Louise before. Noong bata pa sya eh feeling nya boy sya kaya kilos at pananamit nya ay panlalaki. Kaya kahit hanggang umalis sila ay hindi nila nalaman ni migs na girl pala si Louise. "Haha all these time akala ko talaga lalake si Luis..pero bakit ng bumalik ka hindi mo man lang nabanggit na ikaw pla si Luis na kababata ko?" natatawang tanong ko sa kanya. si Tito Bernard amused na nanonood lang sa amin. "Paano ko naman mababanggit sa'yo eh inunahan mo na ako ng pagsusungit mo ng 1st meeting natin sa school, remember?" Oo nga naman pala una kita namin yun nabangga ko siya dahil sa pag iwas ko kay Migs. "Kayo talaga mga bata kayo oh, sige iwan ko muna kayo dyan magkwentuhan muna kayo." paalam ni Tito Bernard, naglalakad na sya papunta sa direksyon nina Mom and Dad. Halatang kanina pa gustong makipagkamustahan. Ang tagal na kasi nun last na nagkita kita sila. Almost 12 years ago na rin. "Kita na lang tayo mamaya Dad." pahabol na sabi ni Louise sa Dad nya bago pa ito nakalayo. Humarap ako kay Migs na tahimik lang na nakatayo. "Alam mo ba ito dati pa? Bakit wala ka man lang nabanggit sa akin?" tanong ko sa kanya habang inaaya ko sila umupo sa bakanteng table. Si Louise ang sumagot "Haha I don't know.. baka hanggang ngayon insecure pa din sya sa akin pagdating sa'yo, baka daw agawin ulit kita." sabay kami dalawa nagtawanan. Kaya pala noong nabanggit ko si Luis kanina ay biglang umiwas ng tingin, yun pla he knew it all along. "Excuse me mag CR lang ako." si Migs, mukhang napikon ata sa tawanan namin. Maya maya pa may isang sexy at mestisahing babae ang lumapit sa amin. "Hey gorgeous nandito ka lang pala." parang nagtatampo pang sabi nito kay Louise bago tumabi at humawak sa braso. Biglang nag init na naman ang ulo ko. Teka sino ba to?? Parang pamilyar ang pagmumukha ng babae na to ah..hmmm. Alam ko na.! Siya yun girl na nakita ko nakapulupot kay Louise kahapon sa mall! Ang kapal talaga, hanggang dito ba naman? Parang dikya kung makadikit! "Haha sorry naman, nakita ko naman kasing busy ka kanina." sabay kindat pa ni Louise sa babaeng dikya. Shiit nagiinit na talaga ang ulo ko sa kanilang dalawa. Parang biglang nakalimutan ni Louise na nandito pa ko. Nangigigil akong tumayo ng upuan. Hindi ko na to matake aalis na ko, for sure hindi nila ako mapapansin kasi busy sila sa paghaharutan. "Frances this is...." napansin siguro ni Louise na paalis na ako kaya bigla nya pinakilala yun girl. "Ah aalis muna ako, tinatawag na ko ni Amanda dun sa table namin." nagmamadali ako lumayo. Hindi ko na hinintay ipakilala pa nya ako dun sa babaeng dikya. I am not really interested kung ano man ang pangalan nya. Narinig ko na tinawag ako ni Louise pero hindi ko na pinansin. Sakto naman nakasalubong ko si Migs, inaya ko sya bigla magsayaw. Sweet pa naman ang music. Agad ako hinapit ni Migs, naamoy ko na medyo amoy alak na sya. Obvious na nakainom na, namumungay pa nga ang mata. Umalis ba siya kanina para uminom? "France..." bulong nya sa tenga ko. Pero sa halip na kiligin ay parang kinilabutan pa ako. Pero bakit? Si Migs 'to, ang unang boyfriend ko, ang taong pinangako sa sarili ko na makukuha ko ulit. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko....walang kilig, walang kabog ng dibdib? "I wanna to tell you something.." nagsasayaw pa din kami, medyo itinaas nya ang baba ko para matitigan ko sya sa mata. "Yes?" Naghihintay na sagot ko. "I still love you.." seryosong sabi nya. What? Totoo ba ang narinig ko. Diba dapat nagtatalon na ko ngayon sa tuwa. Eto ang matagal ko ng pinaplano...matagal ko na pinapangarap, pero bakit ganun parang wala akong saya na naramdaman. At saka diba gf nya si Louise? Bakit nya ngayon sinasabi sakin ito? "May gf kana.. " pinaalala ko lang. Feeling ko kasi nakalimutan na nya. Pero maisip ko lang na may relasyon sila ni Louise ay parang tinatarakan naman ang dibdib ko. "Yun sa amin ni Louise..., parents lang namin ang nagkasundo na maging kami." lasing na ata talaga si Migs eh, ano ano na sinasabi? Anong ibig nya sabihin na parents lang nila? Nagtatanong ang tingin ko sa kanya. Mukhang sinamantala nya yun dahil hindi ko namalayan na dumadampi na ang labi nya sa labi ko. Nagulat ako. Pero sa halip na itulak ko sya, wala akong ginawa. Hinayaan ko lang sya sa paghalik nya, medyo madilim naman sa part na yun ng dance floor kaya I'm sure wala makakapansin sa amin....pinakiramdaman ko ang sarili ko..hinintay ko kung may fireworks ba ako na makikita..kung may paro paro bang magrarambulan sa tiyan ko, kagaya ng unang beses na hinalikan ko si Louise.... Pero wala. Walang fireworks, walang paro paro..Para lang ako humalik kay Amanda o kay Tiff. But that's gross, dahil hindi ko maimagine ang sarili ko na halikan ang sino man sa kanilang dalawa, para ko lang silang mga kapatid. Naramdaman siguro ni Migs na wala ako respose sa halik nya. Kaya inilayo nya na ang labi nya sa akin. Saka ako tinitigan sa mga mata. Umiwas ako ng tingin. Saka ako nagpaalam na magpapahangin muna ako. Tumango lang sya at buti na lang at hindi ako sinundan. Hinanap ko sina Amanda, kaso nakita ko busy sila sa pagsasayaw. Maging si Tiff at si Nathan dumating na din pala. Napagpasyahan kong pumunta sa back area...may nakita akong parang mini garden doon kaya I decided na umupo sa isang bench na sa pagitan ng naggagandahang bulaklak. Walang tao napapadaan dito kasi medyo tago na area sya. Mas gusto ko dito, yun tahimik lang, yun makakapagisip ako ng mabuti. Tumingala ako sa kalangitan at pinagmasdan ang mga nagsabog na mga bituin, ang gaganda nila...ang bilog na bilog na buwan, tila isang maliwanag na bola na nasa gitna ng kalangitan..napakaganda. Muli ay bumalik sa isip ko ang nangyari kanina. Yun kiss ni Migs...hindi ko na maintindihan ang sarili ko...gulong gulo na isip at puso ko. Nasa malalim akong pagiisip ng biglang may nagsalita "Tapos ka na ba makipagsayaw sa prince charming mo o napagod kana sa ginagawa nyo?" tila galit na boses ng isang babae. Lumingon ako para tignan kung sino yun.., si Louise.. lumapit sya sakin saka naupo sa tabi ko. Sa liwanag ng buwan pinagmasdan ko sya, napakaganda nya..tila isa syang dyosa na bumaba galing sa kalangitan..dyosa ng buwan? Napangiti ako sa thought na yun. "Ano nakakatawa Frances?" Napansin pala nya ang pagngiti ko. Naamoy ko na amoy alak na hininga nya. Nakainom na din pala siya. "Nakainom ka?" yun lang ang naisagot ko sa kanya. "Wag mo ibahin ang usapan Montejar." naiiritang sabi nya. "Ano ba problema mo Lavapiez? Bakit hindi yun babaeng kasama mo kanina ang kausapin mo, wag ako!" naiinis na din ako sa kanya dahil sa pagkaalala dun sa babae. "Hindi yun ang tinatanong ko sa'yo! " naniningkit ang mata nya sa pagkainis saka mas lumalapit pa sa akin ng upo. Tumayo na ako, wala na ko time makipagtalo pa sa kanya. "Where do you think you're going Montejar?" lalo pa naningkit ang mga nya..halatang galit na. Mabilis nya ako napigilan, hinila nya ang kamay ko bago pa man ako makahakbang palayo. Sa lakas ng pagkahila nya sakin bumagsak ako paupo sa lap nya. "What the hell?!" Sigaw ko sa kanya bago nagpupumilit na tumayo, kaso hawak nya na ko sa bewang refused to let me go, knowing na mas malakas sya sakin ay wala na ko nagawa pa. Tinitigan nya ko sa mga mata. Pagkatapos ay bigla nya inilapapit ang mukha nya sa akin. Oh no! At bago ko pa namalayan ay magkalapit na ang mga labi namin. Nagpupumiglas ako pilit ulit kumakawala sa pagkakahawak nya, pero muli ay nabigo na naman ako. Naramdaman ko ang sweet soft lips nya at bago pa ako makapag isip ay nadala na ako at gumanti na ng halik, she tasted like a sweet wine, marahil yun ininom nya kanina. Inilagay ko ang mga kamay ko sa leeg nya at mas nilapit pa siya sa akin habang ang kamay naman nya ay nasa likod ko masuyong humahaplos. A moan escaped my lips. My heart was beating so fast...I could feel her fast heartbeat too. She's biting my earlobes and gently kissed my jawline..muli nya binalik ang labi nya sa labi ko...and I was lost. It became a full pledged heated make out session. Hindi ko na namalayan kung gaano kami katagal sa ganung posisyon . Pakiramdam ko nagbabaga na kami pareho sa init. "Oh my gosh!" Ayun ang boses na nagpatigil sa kung ano mang ginagawa namin ni Louise. Mabilis ako kumawala sa pagkakayakap nya, na this time hinayaan nya na ako, tumayo ako saka lumingon. Ang mukha ng shock na shock na si Amanda ang nakita ko. Oh s**t! What now??!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD