Frances P.O.V.
Paggising ko kinaumagahan, magaan ang pakiramdamm ko. Excited ako pumasok...kung bakit? Yun ay isang malaking sikreto.
Pagkatapos ko magbihis at magspray ng cologne (ang fave ko lovespell ng Victoria's secret) ay masaya na akong bumaba.
After a very very long time, sabay ko ulit nakita sina Mom and Dad sa dining table at nag aagahan. My Dad was reading a news paper, habang si mom may kausap sa cellphone, I'm sure business related na naman.
Napansin agad ni Dad ang maganda kong mood "Aba mukhang maganda ang gising ng paboritong anak ko ah?" saglit itong tumingin.
"Haha dad funny, nagiisang anak mo lang naman po ako eh." natatawa kong sabi habang ngumunguya ng hotdog.
Bigla akong napatigil sa pagnguya at napapatitig kay Dad ng seryoso "Unless....." pati si Mom na busy sa cellphone ay bigla napatigil at napatingin sa kanya.
"Oh no no, mali ang iniisip mo anak. Ikaw lang ang unica iha ko." pagputol nya sa sinasabi ko, habang binaba na ang binabasang dyaryo saka tinaas ang dalawang kamay na parang sumusuko.
"Got yah dad, binibiro lang din kita." nakangiti ko na sagot sa kanya.
Ganyan kami ni Dad. Super close, madalas kami nagbibiruan kahit sa maliliit na bagay. Sa kanilang dalawa ni Mom sa kanya ako mas close, nalulungkot lang ako now kasi mula ng maging Mayor ng lugar namin ay lalo na sya naging busy sa engagements nya at nawalan na ng oras sa akin.
"Frances iha, sa sunday pala sasama ka samin ng Dad mo papunta ng birthday ni Governor (also known as my uncle, my dad's cousin). I'ts a dinner party kaya bumili ka ng dress na isusuot mo later sa mall." si Mom yun, hindi ko napansin na wala na pala sya kausap sa cellphone.
Napabuntong hininga ako, hindi kasi ako umattend ng ganung klaseng party. So formal and boring. Kaso wala ako magagawa, as Mayor's only daughter obligado ako sumama. Naisip ko na lang na for sure invited din ang pamilya ng mga friends ko kaya kahit paano ay ok na din sakin..and of course Migs' family will also be there.
Ang mga Lavapiez kaya?
"Ok Mom..." pilit na ngiti ko sabi. Parang bigla nawala ang good mood ko kanina paggising.
"Mom, Dad aalis na po ako." sabay tayo at kiss ko sa kanila dalawa.
Nang nasa van na ako I texted Amanda, I told her na sabay na kami bumili ng dress later sa mall. Nagreply lang sya ng ok.
Pagbaba ng van at pagkapasok ko sa gate ng school, parang narinig ko ang malakas na tawa ni Migs, dagli dagli ko hinanap ang pinanggalingan ng boses.
Bigla nawala ang magandang mood ko na kasulukayan pa lang bumabalik ng nakakita ako ng hindi magandang tanawin.
Napansin ko sa isang medyo tagong parte ng school sa isang bench ay magkatabing nakaupo sina Migs at Louise at mukhang seryosong naguusap.
Nag init ang ulo ko dahil super close ng katawan nila animo nagbubulungan.
Bilang natural na chismosa, dahan dahan akong lumapit sa pwesto nila. Sinigurado kong hindi nila ako makikita o mapapansin man lang na may nagmamanman sa kanila.
Nagtago ako sa may halamanan habang nag ala ninja sa paglalakad. Kung may makakakita sa itsura ko now ay siguradong matatawa, imagine, me the great Frances Montejar, mahuhuling nagaala ninja sa pagiispy.... nakakahiya diba.
Buti na lang wala masyado tao parte na yun ng eskwelahan.
Kaso sa distansya ko sa kanila ay wala pa din ako marinig na kahit ano, kasi nga nagbubulungan. Mga walang hiya.
Unti unti pa ko lumapit, ng finally posible ko na sila marinig ay saka naman biglang nagring ang bell.
Sabay na tumayo ang dalawa.
Oh s**t mahuhuli nila ako!
Sa sobrang pagkataranta ko ay hindi ko napansin ang isang nakausli na bato nakaharang sa paanan ko. Paglakad ko...
Blag!
Nadapa ako.. face-first sa damuhan.
Pwe! nakakain ata ako ng d**o pero parang may masakit..
Aray ko! ang sakit ng paa ko nabalian ata ako.
"Oh Frances, ikaw ba yan?" Narinig ko papalapit na boses ni Migs.
Greaaaaattt! just kill me now!
Pag angat ng mukha ko, tumambad sakin ang nag alalang mukha nina Migs at Louise.
"My God Frances, ano ginagawa mo dyan sa damuhan?" cornern pero nagtatakang sabi ni Louise.
Ay wala trip ko lang magdive. Dami ko nga nahuli na isda eh try mo din kaya?
"Ah, nahulog kasi yun pares ng hikaw ko dito kanina kaya hinahanap ko kaso napatid ako hindi ko napansin yun bato." sabay turo ko sa bato.. mabuti na lang at mabilis ako nakaisip ng palusot.
Hinawakan ni Louise ang paa ko at pinagmasdan, nakita nya medyo namamaga na.
Bigla ako nakuryente sa pagkakahawak nya na yun, para bigla nawala ang sakit dahil sa nakikita kong concern nya sakin.
"Migs namamaga yun paa nya, hindi sya makakalad. Buhatin mo siya dalhin natin sa clinic." baling nya kay Migs.
Tumango lang si Migs at binuhat ako ng dahan dahan, hinawakan naman ni Louise yun bag ko, saka sumabay samin papunta ng clinic.
Pinagtitinginan kami ng mga estudyante, nagtataka kung ano nangyari sakin at buhat buhat ako. Mabilis na hinawi ni Louise ang mga usiserang mga estudyante na humaharang sa dinadaanan namin.
Pagpasok namin sa clinic ay mabilis kami sinalubong ng nurse. Tinanong nya ano ang nangyari. Wala pala yun ibang supplies sa clinic kaya sinabihan si Migs na samahan daw sya kumuha ng supplies sa labas.
Kaya ayun naiwan kami mag isa ni Louise sa loob. Tahimik lang sya nakatingin sakin habang ako nakaupo sa bed ng clinic.
"Don't worry Lavapiez, hindi pa naman ako mamamatay." nagawa ko pang magbiro sa kanya. Sobrang pag aalala kasi ang nakikita ko sa mukha nya.
"Nagawa mo pa talaga magbiro? Ano ba naman kasi ginagawa sa may halamanan at dun mo nahulog ang pares ng hikaw mo?" Seryoso nyang tanong.
"Ahh ehhh, napadaan lang ako dun, may short cut kasi dun." patay wala na ko naisip na maayos na dahilan.
Saglit nya akong tinitigan at saka nya napansin na..
"Tig isang hikaw pa din naman ang nasa tenga mo, ano ang nawawala?" may pagdududang sabi nya habang unti unti syang lumapit sakin. Halos nasa pagitan na sya ng 2 hita ko.
"Bakit ba kasi ang dami mong tanong?" pagalit ko na sagot. Kung makaimbistiga akala mo naman NBI.
Nang tila may bigla syang naisip, lumiwanag ang mukha at saka biglang napangiti na tila nakatuklas ng isang top secret ng gobyerno.
"Nakikinig ka sa usapan namin ni Migs no?" bago pa ako makasagot ay mas lumapit pa sya sa akin. Halos isang dangkal na lang ang pagitan ng katawan namin.
"Hindi no, at bakit ko naman gagawin yun ha?" tanggi ko. Saka nagpout. Yun tipong batang nahuling may ginagawang kalokohan.
Tumitig sya sa mga mata ko saka tinukod ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ng hita ko, yun tipo hindi ako makakagalaw kung may gagawin man sya sa akin.
"You've been a very bad bad girl Montejar..." pabulong na sabi nya habang unti unti lumalapit ang mukha nya.
Napalunok ako ng maramadaman ko ang mainit na hininga nya sa pisngi ko.
"A-a-ano gagawin mo?" nagkadautal na sabi ko. Nawawala na ko sa tamang wisyo ng mga sandali na yun.
Tinitigan ko ang mapang akit na mata nya, pagkatapos ang malambot na mga labi nya.
"Louise...." tumatayo na ang lahat ng balahibo ko sa katawan sa anticipation at excitement.
"Dapat sayo ipunish..." mahinang sabi nya habang dahan dahang lumalapat ang labi nya sa labi ko.
Napapikit ako habang hinihintay ang "punishment" na ibibigay nya.
Ilang saglit akong nakapikit kaso wla pa din ang labi na hinihintay ko..
Pagmulat ng mata ko si nakita ko si Louise na nakatayo sa medyo malayo sa akin.. habang sa pinto sabay na pumasok si Migs at ang nurse habang naguusap.
Damn it!! Yun lang ang nasabi ko.