Chapter 8

578 Words
Frances P.O.V. Pagkadating namin ng mall, kumain muna kami. Napagkasunduan namin kumain sa Bon chon. Lakas kumain ni Tiff, akala mo PG (patay gutom) nawala bigla ang poise. Nang nabusog na, saka kami umakyat ng sinehan. Bumili na din kami ng snacks and drinks (PG talaga) pagkakuha ng ticket saka pumasok. Akalain nyo napilit nila ako manood ng horror movie? Hindi ako mahilig sa horror, gusto ko yun tipong action or comedy, hindi ko kasi magets bat kapa gagastos para takutin lang ang sarili mo. Konti lang mga nanonood sa loob, sa may bandang taas kami naupo, magkakatabi kami una si Tiff, Tracy, Louise, me and Amanda. Nang nagsisimula na yun palabas parang gusto ko lang matulog pero pinigilan ko, ang lamig kasi at madailim. Dinaaan ko na lang sa pagkain ng popcorn para hindi antukin. Nung sa part na ng nakakatakot nagsisigawan na sina Tiff, natatawa lang ako ng pinagmamasdan ko sila. Nang mapatingin ako sa katabi kong si Louise, bigla ko naalala yun nangyari sa sasakyan kanina, hanggang ngayon eh hindi pa din normal ang t***k ng puso ko. Ano ba ibig sabihin nun naattract ba ako sa kapwa ko babae? Sa ganda ko na to magiging shiboli lang? Hindi naman siguro, mahal ko si Migs...yun lang ang dapat. Nasa malalim pa ko pagiisip nang.. bigla mapayakap sakin si Louise, nagulat pala sa lumabas na ghost dun sa movie. Ang higpit ng yakap sakin kaya halos dikit na mga katawan namin, naramdaman ko na naman bumilis ang t***k ng puso ko. Nang napansin nya na napayakap siya, mabilis sya kumalas, medyo may panghihinayang ako naramdaman sa pagkalas nya na yun, saka siya nagsorry. Now ko lang nalaman na matatakutin sya, nakakatuwa naman. Ang cute. Madalas ngayon hindi ko maintindihan ang sarili ko, dapat kamuhian ko tong babae na to, pero madalas ay may invisible na pwersa na naglalapit samin dalawa at ang taksil kong puso ay natutuwa pag malapit ako sa kanya. I shook my head and removed that thought, malabo ata yon. Malabo ako magkagusto sa girlfriend ng ex-boyfriend ko na gusto ko bawiin uli. Malabo pa sa mata ng mga lola nyo. Period. Maya maya pa naramdaman ko na may mainit na kamay na humahawak sa kamay ko, paglingon ko, si Louise. Tutok na tutok pa din ang mata nya sa screen. Tinignan ko yun kamay namin magkahawak saka hindi ko mapigilan na mapangiti. Hindi ko tinangal ang pagkahawak ng kamay nya hanggang matapos ang palabas. Pagkauwi ko sa bahay I checked my phone. May mga messages pla, nagtext sina Migs at Enzo, kinakamusta nila yun lakad namin ng mga girls kanina. Sabi pa next time daw ay sasama na sila. Nagenjoy daw ba ako. Kung alam lang nila. Parang bigla naman ako naguilty kay Migs, although wala naman ako gingawa talaga. I kissed her girlfriend before, but it was nothing. Feeling ko kasi nilalandi ako ng gf nya.....at nagpapalandi naman ako...san ka pa? Pagkareply ko sa kanila, naghalfbath na ko at ready na matulog. Hindi na ko nagdinner kasi busog pa ko sa kinain namin kanina. Nang mahihiga na ko bigla may nagtext. Si Louise. Excited ko binuksan ang inbox. Louise: Thanks for the wonderful night girls, I enjoyed it. Goodnight. Group message pla, nadisappoint ako bigla. Hindi nako nagbother magreply. Imbyerna lang. Pagkahiga ay pumikit na ko. Lumabas sa isip ko ang isang pares ng magagandang brown na mga mata, at ang cute na pares ng dimples. Napahuntong hininga ako. Hayyyy naman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD