Chapter 7

1829 Words
Frances P.O.V. Kinabukasan, maaga ulit ako nagising and then did my usual routine. Patuloy pa din na naglalaro yun mga bagay na naisip ko kagabi. I'll get him back no matter what. Kami dalawa lang ang nababagay at wala ng iba. Yan ang paulit ulit ko sinasabi sa sarili ko. Thinking about this, inspired ako pumasok sa school. I saw my Dad during my breakfast, we chit chat a little, saka ako nagmamadali umalis. I just told him na ayaw ko lang malate sa klase. Pagkadating ko sa school, I texted Amanda-my partner in crime. I asked her to meet me at the gate, pagpasok ko sa loob natanaw ko na sya. "Hey it looks like someone's in the mood today." nakangiting bati nya. Sabay kami naglakad at umupo sa bench malapit sa classroom. Maaga pa naman kaya may time pa kami magkwentuhan. "So whats your plan?" Excited na tanong nya. "Actually, I was just thinking... first , I will make Migs jealous, of course with the little help of Enzo baby." kumikislap ang matang sabi ko. "I can sense naman na may feelings pa sakin si Migs, if he gets jealous with Enzo and then that makes my assumption true." Nakatitig pa din sakin si Amanda, as if processing yun sinabi ko. "After that saka ko siya aakitin, for sure magseselos si Louise, and you being my good friend, gusto ko gatungan mo pa para mag aaway sila and maghihiwalay, viola! Gagapang pabalik sa akin si Migs at kung seswertehin pa uuwing luhaan pabalik ng US si Louise. " oh gosh bilib na talaga ako sa sarili ko, I'm so evil. "Sounds brilliant!" napapalakpak pa siya sa katuwaan, feeling ko excited din siya na magkabalikan kami ni Migs. " I just hope na gumana yun plano. What if hindi ,what's the back up plan?" She asked. What a smart ass. Oo nga pla, paano kung hindi? I just acted cool and confident. "Oh well, for sure naman it will work, kaya don't worry my friend. Just watch and learn." sabi ko while smirking, confident naman ako sa plano ko and beside, I can already smell my own victory here. Naglalakad na kami ng hallway, and as usual ang dami na naman bumabati sakin, panay "Hi Frances!" "good morning." "how are you?" ...etc.. pero as usual pa din deadma sila sakin. They were not even worthy of my attention. Pagpasok namin ng classroom napansin ko na si Migs sa pwesto nya sa may likuran. I smiled at him flirtatiously and he smiled back. Kinilig ang puso ko, cute nya kasi now nakauniform na sya bagay na bagay sa kanya. Naramdaman ko na parang may nakatitig sakin, pagtungo ko si Louise pala. she's Staring at me nonchalantly, natigilan ako saglit at pinagmasdan sya, nakauniform na din sya. Wow ang cute sa kanya ang maroon skirt, white button up and maroon blazer with matching school logo...she looks like a hot school girl. Pag angat ng tingin ko sa mukha nya, she was smirking, napansin nya siguro na I just checked her out. Tinignan ko lang naman yun uniform namin kung bagay sa kanya. Mukhang hindi naman pala. Hmmmp! I just ignored her and sit down at my chair. "We still have a project to finish Montejar." she suddenly say without looking at me, ang mata nya nakafocus sa notebook na nasa harapan nya. Saglit ko sya tinignan saka sumagot "We can do it separately Lavapiez, can't we?" Nakita ko sa gilid ng mata ko na tinignan nya ko sandali bago sya nagkibit balikat. "Show me yours before natin ipasa kay ma'am." Its not we're aiming for a perfect 100 score, ok na sa akin yun makapasa and I guess ganun din naman siya. Natahimik na kami ng Pumasok na si Mrs. Asuncion sa classroom, kinamusta nya na ang progress ng aming "special project". I think that project is bullsh-..what I mean nonsense..its not that as if we're all going to be future psychologies here. But that's our teacher Mrs. Asuncion, last time nga sa pagkakaalala ko may pinagawa pa sya project regarding abandoned dogs sa kalye...see, crazy right , do you get me? Anyway, fast forward.. at school caferia, lunch time. While we're having our scrumptious lunch, Tracy, all of a sudden came with..? Guess who? ....with Louise, of all people..so they are like friends now? Kunot noo akong napatingin sa kanila. Mabilis naman nag explain si Tracy"My Mom asked me na isama ko daw si Louise, since bago lang sya dito at wala pa kakilala..His Dad and my Mom were college buddies and very close kaya his Dad..you know, asked my Mom a favor. I hope guys ok lang sa inyo..or kakain na lang kami sa ibang table." hindi sya makatingin sa akin, alam nya kasi na hindi ko vibes si Louise. And yes, I forgot to mention, or should I say I was not yet ready to reveal na current gf sya ni Migs...great, just great. "No biggie ." sabi ko sabay kagat sa hawaian pizza, feeling deadma lang. Sabay na sila umupo ni Tracy sa bakanteng upuan sa dulo. After a while dumating na din si Migs and he sat beside the she-devil (notice na ang dami ko na tawag sa kanya, ganun ko sya ka despise). Kapansin pansin ang sweetness nila, si Louise tila sinusubuan pa si Migs. Na halata naman labag sa loob na tanggapin ng huli. Parang kinukurot ang puso ko, tapos piniga ng bonggang bonga saka sinampay at binilad sa araw. Maang na napatingin sakin sina Tracy, Enzo at Nathan dahil sa gestures na yun ng dalawa. Ok time to reveal their disgusting secret. "Hmmm guys... magkarelasyon sila dalawa, sabay sila dumating from US." pilit ang ngiti na sabi ko habang nakatingin sa kanila... nanlaki ang mga mata nila, sabay napatingin sa love birds na noo'y naghaharutan na mukhang walang muwang sa nangyayari sa paligid nila. "Noong isang araw ko lang nalaman." bigla ako nakatungo ng sinabi yun, ayaw ko salubungin ang sympathetic na tingin nila sa akin. "Don't worry Babe nandito naman ako.." malambing na sabi at sabay tabi ni Enzo sa akin, hinawakan nya ang kamay ko at saka ko hinilig ang ulo ko sa balikat nya. Saglit ako napatingin sa direksyon nina Migs, nahuli ko na napatingin sya sakin, bakas ang pagseselos sa mga mata nya. Maging si Louise nakatingin sakin wari ay nagtataka sa inaasal namin ni Enzo. Pero saglit lang yun, binawi din nya agad ang tingin nya saka umakto ng parang walang nakita. Nang uwian na namin, nagkayayaan kami na lumabas at manood ng sine. Hindi daw makakasama si Nathan at Migs at may basketball practice pla sila. Si Migs nakapasok na din sa team, sabi ni Nathan malapit na daw ang competition nila with other school kaya puspusan daw ang practice nila at sa susunod na mga araw pa. Si Enzo hindi rin makakasama kasi may lakad daw silang pamilya mamaya. That leaves us girls, parang naging girls night out tuloy ang lakad namin. Speaking of girls, that means kasama ang U.C. ? hindi ko naman pwede tadyakan paalis, baka magtampo pa sakin si Tracy. Buddy buddy na kasi sila now dalawa. Ibig sabihin lang nun lagi ko na sya makakasama sa lakad at officially kasama na sya sa barkada namin. Isipin ko na lang na I'll take advantage of the situation, as long as Migs is also around with us walang problema, mas mapapabilis pa nga ang plano ko. I texted my driver, sinabi ko na wag na ko sunduin kasi may lakad pa ko. Sina Amanda na lang ang maghahatid sakin mamaya. Today ang may dala lang sasakyan ay sina Tracy and Louise. Napagkasunduan namin na sasabay ako kina Tiff and Amanda and si Tracy kay Louise, since sila naman ang close. Kaso sa kamalas malasan, flat pla ang kotse ng kambal. Wala kami choice kundi sumakay kay Louise, at ipapadaaan na lang yun sasakyan nina Tracy sa driver nila bukas. Sina Tracy, Tiff and Amanda ay nag aagawan pa sumakay sa likod..at ako, sa tabi ni Louise sa unahan, san pa ba? Praning kasi to 3 kasama ko mga walang konsiderasyon, alam naman nila badtrip ako sa babae na to tapos sa unahan pa ko papaupuin. Napilitan na din ako umupo sa unahan, dahil prente ng nakaupo ang tatlo sa likod. Nang ilalagay ko na yun seat belt ay parang ayaw pa maglock. Badtrip talaga. "Let me.." narinig ko sabi ng katabi ko saka sya lumapit at inayos ang seatbelt ko. Naamoy ko ang mabangong amoy ng hair nya sa halos tumabing na sakin. Napasinghap ako sa sweet smell ng strawberry, iyon pa naman ang isa sa paborito kong amoy. "Ok ka lang ba Frances"? Masuyo nyang bulong sa tenga ko. Napadilat ako, hindi ko namalayan napapikit na pala ako. Pakiramdam ko ay tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan sa ginawa nya. Yun braso nya nakahawak sa lock ng seatbelt ko, para tuloy sya nakayakap sa akin. Nasilayan ko uli ang light brown gorgeous eyes nya, sobrang lapit na pala nya halos magdikit na ang mukha namin. Wala sa loob na napatitig ako sa magandang pares ng mga mata nya at ganun din naman siya sakin. Parang siya lang ang nakikita ko sa oras na yun at ang lahat blurred na. Napatingin ako sa pink na lips nya..so inviting, sarap ikiss ulit... Kaso biglang.. "Oh guys tapos na ba kayo dyan magyakapan,gutom na kasi ako eh." pabirong sabi ni Tiffany habang dumungaw pa sa amin. Sabay sabay sila nagtawanan sa likod. My gosh! May mga kasama nga pala kami sa kotse. "Shut up Tiff!" galit galitan na sabi ko para matago ang pagkapahiya ko. Mabilis sya bumalik sa pwesto nya, umayos ng upo at ako naman napatungo na lang. I'm sure pulang pula na ko. Ano ba naman kasi nangyayari sakin kapag nadidikit sa babae na yun. Daig ko pa ang nahihipnotismo. Hindi na ko magtataka kung may sa mangkukulam sya, nakukulam na ko. Saglit pa maingay na nagkwentuhan sina Amanda at Tracy sa likod, talking about boys as usual. Ako naman nagnanakaw ng sulyap sa katabi ko na busyng busy sa pagdrive. Tahimik lang sya nagcoconcentrate sa pagdrive. Ang cute nya magdrive, parang sanay na sanay na. Anyway, back to this sexy driver beside me, pinagmasdan ko yun pretty face nya. All her features are so damn perfect, yun uniform namin na bagay na bagay sa kanya, sexy nya pa din nya tignan. Hndi ko namamalayan nakatitig na naman pala ako. Ginagawa ko na ata hobby ang pagtitig sa kanya. Marahil napansin nya din nya na pinagmamasdan ko sya, saglit syang tumingin sakin at mahinang sinabi "Stop staring at me like that, baka mahalikan kita." nakasmile na sabi nya, visible ang malalim nyang dimples. mahina lang yun pero sapat na para marinig ko. Bumilis ang t***k ng puso ko, saka ako nagblush. Seriously, ano ba talaga ang nangyayari sa akin??
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD