Frances P.O.V.
"Wait, nagbibiro ba kayo dalawa, kasi hindi naman nakakatawa eh." nabulalas ko ng medyo nakabawi na ako sa aking pagkabigla.
"Ah kasi France..." kabado pa din sagot ni Migs, ni hindi nga makatingin ng diretso sa mata ko.
"Hindi mo ba kami muna papapasukin?" putol ni Louise sa sasabihin ni Migs.
"Oh yeah, where are my manners.. tara pasok kayo." nagpatiuna na ko pumasok sa loob.
Isinara nila ang pinto saka sumunod sakin sa dining area.
Hindi pa din kami nagkikibuan, parang walang gustong unang magsalita.
Nang makaupo na kami, ay pinagsilbihan na kami ni Manang Lory at ng isa pa naming kasambahay. Tapos tahimik lang kami kumain.
Masarap ang luto ni manang pero ng mga oras na yun ay wala ako malasahan, di ko din malunok ang kinakain ko.
Pansin ko din na tense si Migs, pero si Louise ay kalmado lang... the nerve of that girl, samantala ako daig ko pa nalugi dito.
"Magkakilala na pala kayo ni Louise." basag ni Migs sa aming katahimikan.
Hindi ako sumagot.
"Yeah, nagkakakilala kami last Friday sa Brentwood... very friendly at warm nga ng pagwelcome sakin ni Frances eh." Nanunuyang sagot ni Louise sabay tingin sakin.
Aba palaban na sya ah? Mataray din pla ang babae na to. Kaso hindi ko sya uurungan, ako pa hahamunin nya, kahit masarap pa syang huma....hmmm yeah nevermind.
"Oo naman Louise, ganun talaga ako lalo na sa mga bagong kakilala.." saka ako ngumiti ako ng pilit.
Pasalit salit samin ang tingin ni Migs, halatang walang idea sa nangyari sa aming dalawa.
"Anyway paano ba kayo nagkakilala nitong si Migs, hindi nya kasi nabanggit na nandito pla ang gf nya, and in the first place hindi ko din alam na may gf na pala sya." habang nakatukod ang kamay ko sa baba ko, kunwari ay interesado sa 'love story' nila dalawa.
Pero sa loob loob ko nangingitngit na ko. Imagine ang saya ko ng umuwi si Migs, tapos sasabihin may gf na pala..and of all people ang bwisit na si Louise pa yun!
And imagine I just kissed my ex-boyfriend's girlfriend?? Ano na lang iisipin ni Migs pag nalaman nya yun, isipin kya nya na nagiba na ko ng preference at bigla nya ako layuan?
Last time I checked, straight pa naman ako..straight as a pole.. I guess?
Kaya imposible maattract ako kay Louise, let alone sa kabaro ko.
"I was working then at Starbucks in Manhattan, he saw me there and fell in love with me instantly..sabi nya nalove at 1st sight daw siya sa akin. kaya ayun niligawan na ako at hindi na ko tinantanan hanggang napasagot ako. Everyday nya ako binibigyan ng flowers...ang sweet sweet nya diba?" kwento ni Louise with matching kurot pa sa pisngi ni Migs, animo ay kinikilig sa pag alala ng unang encounter nilang dalawa.
Nag iinit ulo ko..! Asar ha! Batuhin ko kaya ng baso to babae na 'to. Kumukulo ang dugo ko sa kanya, ano ba nagustuhan ni Migs dito? Kung sa tutuusin ay mas maganda naman ako sa kanya and beside ako ang 1st love ni Migs, Siya eh kung kailan lang sumulpot sa buhay ng binata.
Ngingiti ngiti lang si Migs pero halatang hindi at ease.
6 months pa lang daw yun relationship nila dalawa, at kagaya ng Montejar, family friends din ng Fuentebella ang mga Lavapiez.
Marami pa naikwento si Louise pero hindi na ko naging interesado makinig. Gusto ko na lang magkulong sa kwarto ang mag iiyak. Nasira ang plano kong makipagbalikan sa 1st love ko dahil sa pag eksena ng babae na 'to!
Nang lumalalim na ang gabi ay nagpaalam na din sila dalawa, ihahatid pa daw ni Migs ang girlfriend nya..Hinatid ko sila sa may gate, at nagmamadaling umakyat sa kwarto.
Tinawagan ko si Amanda at kinuwento ang nangyari. Nagulat din sya na may gf na si Migs at lalo na ng malamang nyang si Louise pala yun.
"Ano na plano mo girl? Isusuko mo na ba ang iyong first love"? Sabi nya habang nasa kabilang linya. Halata sa boses ang concern sa nararamdaman ko.
Nakahiga na ako sa kama habang nakatingin sa kisame at malalim na nagiisip.
"Of course not Amanda, magkarelasyon pa lang naman sila hindi pa mag asawa. Kailangan ko lang mag isip ng paraan paano ko sila paghihiwalayin." Seryosong sabi ko.
At sa isip ko naglalaro ang isang maitim na balak...