Chapter 1

1633 Words
》TORY《 The bell rang, different voices began to conquer the whole court. Katatapos lang ng practice ng Black Mamba. Excited silang makalabas para makagala, while me? Gusto ko nalang ibaon ang sarili ko dito mismo sa inuupuan ko ngayon. I want to go home dahil marami pa akong tatapusing projects and assignments, pero ayoko siyang makita. It’s been a week since I signed that contract. Isinama niya ako sa mansion niya at binilhan ng mga gamit. Hindi na nga ako nakauwi para makapagpaalam kay Mama dahil hindi niya ako pinayagan. What if, takasan ko si Manong driver at puntahan si Mama? I’m sure wala pa ngayon si John sa bahay since gabi na ‘yun umuuwi. “Be sure you’ll get home early” Napasimangot ako nang maalala ko ang sinabi niya. I think we will going to do ‘that’ tonight. Shit! What should I do? For 22 years wala pa akong karanasan sa mga ganoong bagay. May mga napapanuod at nababasa ako but I can’t imagine myself doing that scene! I sighed. Siguro kung buhay pa si Papa hindi ko ito mararanasan. He will take care of me. Ang tangi niya lang gusto ay ang makatapos ako at makamit ko ang mga pangarap ko. My father died in an accident 13 years ago. After 5 years nag-asawa ulit si Mama. Akala ko nga siya na ang papalit kay Papa, but John is an abusive type of man. Lagi niyang binubugbog si Mama kapag galit siya o mainit ang ulo. Pero wala lang ‘yun kay Mama. Hanggang sa pati ako binubugbog na din niya. Nilabanan ko siya na muntik na niyang ikamatay, natamaan kasi niya ang matulis na bagay nang itulak ko siya. My mother blamed me for that. When he recovered, binantaan niya ako na pagbabayaran ko daw ang nagawa ko. Isang gabi muntik na niya akong gahasain, buti nalang nakatakas ako. That night, lumayas ako at nakitira kina Sandra. Binibisita ko na lamang si Mama kapag alam kong wala si John. Pero matalino si John. Inabangan niya ako sa gate at pinilit na sumama pabalik sa bahay. Hangga’t hindi ako nag-aasawa, hindi daw ako makakatakas sa kanya. “Bruha!” Hinanap ko kung sino ang nagmamay-ari ng boses na ‘yun at hindi nga ako nagkamali. I saw the three running towards me. “Bruha ka! Nandito ka lang pala!”, sabay sabunot saakin ni Queen. Hinawakan ko naman ang magkabila niyang kamay at inilayo sa buhok ko. “Magulo na nga ang buhok ko, mas ginulo mo pa. Gaga ka talaga kahit kailan” “Eh naiinis na kasi ako sa’yo bruha ka. Kanina pa kami naghahanap sa’yo tingnan mo nga ang beauty ko, haggard na” Inirapan ko siya at inilabas ang suklay mula sa bag ko. “Since ikaw naman ang gumulo nito, ikaw na din ang umayos”, hinila ko ang kanan niyang kamay at ibinigay ang suklay. Aba ang bruha, bagong manicure. Siya lang ata ang baklang nagbibihis lalaki pero ang mga kuko ay kulay pink at may tirintas pa sa buhok. Double blade ang bruha. “Girl, saan ka ba kasi galing?” Binitawan ko ang kamay ni Queen at nilingon si Sandra. “Dito lang. Kayo ba saan ba kayo galing ha? At bakit bagong manicure kayong lahat?” Napansin ko ang mga bagong kulay ng mga kuko nila. Itong mga ‘to hindi man lang ako isinama. “Ano ha? Magkaibigan pa ba tayo? Sumagot kayo---aray!”, naiinis na nilingon ko si Queen. Binatukan ba naman ako. “Huwag kang OA. Saan pa ba nagpapagawa ng bagong kuko ha? Sa restaurant? Sa Park? Hambalusin kita diyan eh” “Oo nga naman, girl. Lutang ka na naman ano?”, singit naman ni Ryza habang nakaupo sa isang tabi at pumapapak ng mani. She loves peanuts pero bet me mamaya iinom din ‘yan ng gamot. Allergic siya sa maalat. “Aysus, iniisip mo na naman si Mr. Billionaire ano?”, pangbubuyo ni Sandra habang nakangisi at sinusundot-sundot pa ako. Tumango ako na ikinatili nilang tatlo. “Girl umaasenso ka na ah. Ano? Iniisip mo ba ang yummy na katawan ni Mr. Billionaire? Ang matitigas niyang abs at--- aray naman!” Hinambalos ko ang bag ko sa pagmumukha niya. “Ano ba kaka-ayos ko lang eh!”, padabog pa siyang lumapit kay Sandra at inagaw ang bag nito. Maya-maya pa ay inilabas niya ang mga make up ni Sandra at nagsimulang ayosan ang sarili. Ang arte ng bruha. “Huwag niyo akong igaya sa inyo ha. Virgin pa ako. Inosente pa---” “Maniwala kami sa’yo” they chorused. “Heh! Uuwi na ako! Baka tinubuan na si Manong sa kakahintay saakin sa labas at tumawag pa iyon sa lalaking ‘yun!” Inayos ko ang buhok ko at tumayo. Dali-dali namang ibinalik ni Queen ang mga gamit at isinauli kay Sandra ang bag. “Sama ako! Gusto ko makita si Mr. Yummy Billionaire!” “Ako din!” “Count me in!” Sinamaan ko sila ng tingin. Sinabi ko sa kanila ang about sa contract kahit labag iyon sa rules ni Alas. Siguradong lagot ako kapag nalaman niya na sinabi ko sa tatlong ‘to ang about dun. Nang mapansin nila na hindi ko sila isasama ay sabay-sabay silang sumimangot. “Ang damot porke’t naka-jack pot ng bilyonaryo eh”, mahinang sambit ni Ryza. “Heh! Nandiyan pa ang mga Mamba’s sa kanila kayo magpakasasa. Kita tayo bukas mga bruha!” Nakita ko agad si Manong nang makalabas ako. Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya agad akong pumasok. “Manong, sa tingin mo nasa bahay na kaya si Alas?”, tanong ko nang makapasok na siya sa driver’s seat. “Po? Sino po si Alas?” Napatutop ako sa bibig ko, pinipigilan ang pagtawa. Oo nga pala bawal siya tawagin sa iba’t-ibang name. Dapat daw Zaq lang. “Wala po, umuwi na po tayo”, sagot ko nalang. I don’t want to call him Zaq or Ace. Gusto ko alas para unique. Tinagalog ko lang ang Ace. Alas and I are classmates nung Elementary palang kami. I can say he really changed a lot. Kung noon, kayang-kaya ko pa siyang asarin, ngayon naman umaatras na ang tapang ko kapag siya ang kaharap ko. Sa katayuan niya ba naman sino bang hindi matatakot. Isa ako sa mga nabigyan ng private invitation to apply as his baby maker. Since gipit at nanganganib din ang puri ko mula sa amain ko, I grabbed the chance. Hindi ko naman inasahan na sa dinami-dami ng mga babaeng sexy na maganda pa na nag-apply, ako ang mapipili. “Ma’am, dito po muna kayo ha? May bibilhin lang ako para sa anak ko” Hindi ko namalayan na huminto na pala kami sa tapat ng isang grocery store. Ngumiti ako kay manong bilang sagot. Ibinaba ko ang bintana at dumungaw. I saw his face on the big billboard. Ang perfect niya tingnan kahit sa malayo. “Look bess! Nag update ng IG si Zachary Ace Taylor!” Napalingon ako sa dalawang babaeng nakaupo hindi kalayuan kung nasaan ako. “Kyahh!!! Oo nga! Ang simple lang ng pose niya pero ugh! Why so hot!!??” Ows? May IG pala ‘yun? Dahil nga curious din ako sa ‘simple pose’ na sinabi ng babae, kinuha ko ang cp ko at ini-open ang IG ko. I searched his name pero ‘IAmZaq’ ang lumabas. Billionaire nga pero ang jeje naman ng name. Buti pa ang akin, ‘ToryTeAko’ ang cool diba? Charot. Ini-stalk ko siya, ang daming posts, ang daming reactions at ang daming followers! Oh, edi siya na ang sikat. I clicked the follow para naman updated ako sa mga post ng magiging ama ng anak ko. Sana naman i-follow back niya rin ako no. Tinitigan ko ang recent post na pinagtitilian ng dalawang babae kanina. Nakaupo lang naman siya habang naka-crossed arms. Yah, simple pose nga. Hindi man lang ngumiti pero nakatingin siya sa camera. It was captioned ‘We will collide soon’ Para akong nakakain ng maraming sili, ramdam na ramdam ko ang init ng magkabila kong pisngi. Sabi ko na eh gagawin na namin ‘yun ngayong gabi. Wala akong karanasan pero bahala na si batman. Namalayan ko nalang na nagtitipa na ako ng komento. ‘Please be gentle, love’ Agad kong tinago ang cellphone ko at ikinalma ang sarili. “Sorry po ma’am natagalan, marami po kasi ang nakalinya”, pagpapaumanhin ni Manong nang makabalik. “Ayos lang, Manong. Tara na?” “Sige po, Ma’am” Kasabay nang pagtakbo ng kotse ay ang pagtunog ng cellphone ko. I took it and I saw a notification from my IG. ‘IAmZaq followed you’ Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa. Woah! The Great Billionaire followed me on IG! Maraming babae ang maiinggit kapag nalaman nila ‘to. I clicked the message sabay type ng mensahe. ToryTeAko: Nakauwi ka na? After a minute he replied. IAmZaq: Not yet Buti naman. Woah! Kinabahan ako dun akala ko nasa bahay na siya at hinahanda ang sarili para sa magiging laban mamayang gabi. ToryTeAko: Nasa Work ka pa? After 2 minutes he replied. IAmZaq: Yes Napasimangot ako sa ikli ng reply niya. Hindi naman siya tamad magtipa ano? ToryTeAko: Okay, ingat ka. Hindi dahil mamahalin pa kita ha, mag-iingat ka kasi maraming babae sa tabi-tabi. Baka bigla ka nalang hilahin at dalhin sa madilim at ehem alam mo na. Hinintay ko ang reply niya pero dumaan na ang sampung minuto hindi parin nagre-reply. Edi don’t. Tumunog ang notification kaya dali-dali ko itong binuksan. IAmZaq: Be ready tonight Dear God, Please pagurin niyo siya sa trabaho para diretso siya sa kama pag-uwi. I promise magpapakabait na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD