Chapter 14

1194 Words
》TORY《 Pinipigilan ko ang mga luha ko sa pagtulo. Hindi ko rin maintindihan ang nangyayari. Hindi naman ako nasasaktan pero bakit gustong-gustong dumaloy ng mga luha ko? “Ano bang meron sa‘yo at iniiyakan ka ng maraming tao?”,maluha-luha kong bigkas habang naghihiwa ng sibuyas. Oo sibuyas. Akalain niyo ‘yun. Hindi naman gwapo, hindi din sikat, wala ding pera at higit sa lahat, hindi kaano-ano ng mga tao pero iniiyakan nang todo-todo. Gusto kong matawa pero hindi na ako natutuwa sa sibuyas na‘to. Pati sipon ko gusto na ding tumulo kingina. “Patawad, paalam... Salamat sa lahat~”, kanta ko matapos tuluyang mahiwa ang huling parte ng sibuyas. “Charot lang sibuyas, baka magtampo ka at sumama ang lasa ng lulutuin ko naku” Matapos ang ilang minutong pagluluto, napatingin ako sa cp ko nang tumunog ito. Kinuha ko ito at sinagot. “Tory da maganthe speaking”, pambungad ko sa tumawag. What can you say beybeh aym so pretteh when I’m alone. Chos. “Gurl!” Muntik na akong mapalundag sa tinis ng boses ni Queen. Bet me may chika na naman ‘tong baklang ‘to. “Nakita namin kung gaano ka kadaling sumikat bakla ha. Ang bongga! Knight in shining armor ang peg ni Fafa Van!” I rolled my eyes habang hinahalo ang niluto ko. Sabi na eh kalat na kalat na ang kagandahan ko. “We saw your pic with Alas din ha. AHHHH!!! Bagay na bagay kayo bruha!” Humalakhak ako sa sinabi niya. Now that brightens up my mood. Masarap sa ears. Charot. “Ang hari at ang kanyang muchacha. Ay bagay! Imma write you a book HAHAHAHAHA” “Uror”, agad kong sambit. May pahabol pa pala ang gaga. Ako? Muchacha? ‘tong gandang ‘to? Dzuh */flips hair; mahihiya si Darna kapag nakita ako. Charot ulit baka sugurin ako ni Darna at mapagkamalan akong kalaban. “Echos lang bruha may sasabihin talaga ako. Bad news” Napatigil ako sa pagluluto. Kapag bad news alam na. “‘Yung chaka mong step father. Pumunta sa kaharian kanina, hinahanap ka. When we said we don't know where you are, nagwala siya. Gurl ang creepy niya. Para siyang halimaw sa banga” Even tho I want to laugh at what he said. Hindi ko magawa. Pumunta si John sa school para lang hanapin ako. Malamang sa malamang may kailangan ‘yun. I’m worried about my mom. “Hindi kaya napanuod niya ang video?”, tanong ko kay Queen. John really hates Van. Nilalabanan kasi siya ni Van noon sa tuwing binubugbog niya ako. “Aba ewan ko gurl. Huwag ka nalang munang umuwi. Itanan mo na si Fafa Zaq!” “Gaga baka masuntok ako ‘no” “Hindi din bakla. Sabi kasi bawal manakit ng hayop—charot babush ingat ka”, aniya at dali-daling tinapos ang tawag. Naku kung nasa tabi ko lang ang baklang ‘yun malamang nasabunutan ko na ‘yun. Hindi puwedeng hindi ako umuwi. First of all, one week lang kami dito. Pangalawa, baka kung anong gawin ni John kay Mama. Kalahi pa naman nun si Satanas. Itinuloy ko nalang ang pagluluto ko at itinabi muna ang problema. Baka mamaya maapektuhan ‘tong niluluto ko at sumama ang lasa nito. Napangiwi ako nang mapadiin ang paglalagay ko ng band aid sa paso ko. Matapos akong magluto kanina, naligo na ako at nagbihis. Now here I am, ginagamot ang mga paso ko. It’s not like I don’t know how to cook pero sa sinabi kasi ni Queen kanina hindi na ako nakapag-concentrate. Nagkanda paso-paso na ako. When I’m done treating my burnt skin, tumayo ako at humarap sa full body mirror. “Magustuhan mo sana ang hinanda ko sa‘yo ngayon, Alas” It’s getting dark at wala parin si Alas. Medyo lumalamig na din ang mga niluto ko. Where is he? Akmang lalabas na ako para hanapin siya nang bumukas ang pinto. Agad ko siyang nilapitan. “Hi—”, hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang itulak niya ako pasandal sa pader at tinitigan akong mabuti. I can already smell the liquor from his mouth. He’s dipping wet! Saan ba ‘to nagsusuot!? “M-Maligo ka muna”, nauutal kong sambit. Nangangamoy alak kasi pati ang suot niya. Tho, mabango parin naman siya. “Tory... Dory... Where’s Nemo?” Taena ano? “Nasa heart mo”, nakasimangot kong sagot. Pinagtitripan ako ng isang ‘to. “Get a bath, ipagtitimpla kita ng kape pagkatapos” I know he’s not so drunk. Nakarating siya dito eh. Malamang kung lasing na lasing ‘to sa daan palang bagsak na. Lumayo siya sa’kin at naglakad patungo sa banyo. Muntik pa akong matawa dahil halos hindi na siya makapaglakad nang maayos. I shook my head and walked to him. Kinuha ko ang kamay niya at isinukbit sa balikat ko. “Bakit ka ba kasi uminom?”, tanong ko pero wala akong natanggap na sagot. Binuksan ko ang pinto at inalalayan siyang makapasok. He then gently pushed me away from him and undressed himself. Agad akong tumalikod. I heard him chuckled a bit. “Leave” My eyebrows met, lumingon ako sa kanya. “Ano?” “I said leave. Wanna watch me while I’m having my bath?”, he smirked. Kinilabutan ako sa sinabi niya. All my life wala pa akong pinanuod na lalaking naliligo. What a good idea. Chos. Nah baka hindi lang ligo ang mangyayari. “Or bath me instead—” “Hep! Tigil na. Ito na nga oh aalis na”, agad akong lumabas. Napasandal nalang ako sa pader, I slapped myself—sinusubukan kong alisin ang pamumula sa mukha ko. Alam kong namumula ako, nararamdaman ko. I really like the idea na ako ang magpapaligo sa kanya. Pero thinking na papaliguan ko buong katawan niya? AHHHHHH!!!! Napalundag ako sa halo-halong emosyon. “Fish tea ka, Alas!” Agad akong napatutop ng bibig at tumakbo patungo sa kusina. Kinakabahang umupo ako sa isang upuan at kinuha ko ang phone ko para mag scroll-scroll. Forget what he said, Tory. Forget what he said... “Mama”, sambit ko nang mapatigil ako sa isang posted photo. “Best S*x positions” Tangina. I’m still young fish tea! Dahil sa inis ni-report ko ang photo. Dzuh baka may iba pang makakita lalo na ang mga bata. Masama ‘yun. I pressed the back button and opened my IG. Daming notifs. Malamang dahil sa video at photo na kumakalat. Again, I pressed the back button and turned my cp off. Walang kuwenta mag open ng socmed accs. Puro panghuhusga ang bumubungad. “Where’s my coffee?” Napaigtad ako sa gulat. Agad akong tumayo at nag timpla ng kape without looking or even glimpsing at him. “What’s fish tea? Peste ba dapat ‘yun?” Boom! Tumawa ako nang mapakla at lumingon sa kanya. “Of course not! Fish is isda. Tea is tsaa. Ano ka ba Alas. Akala ko ba matalino ka? English words lang hindi mo pa alam?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD