》TORY《
“Love pala ha”, pang-aasar ko kay Alas.
Nasa room kami ngayon. Hinila niya ba naman ako papunta dito para lang malayo kay Dave.
“CHILDRENS pa talaga. Ilan nga ba ang anak natin, Alas? Where are they now? I thought they are waiting for us?”, patuloy ko parin siyang inaasar. I know he only did that to mark what’s his. Syempre, I’m his baby maker. Binabayaran ako para magluwal ng anak niya.
I’m also pleased when he did that. Ayoko talaga makipag-chika sa hindi ko naman kilala.
And since I am now Zachary's baby maker, iiwasan ko na ang mga lalaki na puwedeng sumira sa relasyon ko with Alas—kung ano man ang meron kami.
Iniisip ko din kasi na kapag nalapit ako sa ibang lalaki, what if I get pregnant and they will think na hindi kay Alas ang bata?
That will lead to chaos am I right?
Alam niyo naman ang mindset ng mga tao ngayon. Sobrang toxic.
“Stop entertaining guys, Tory. Remember who owned you”, he said while signing the papers on his desk. Nagtataka talaga ako, anong ginagawa namin dito kung puro business din naman ang inaatupag niya?
Sumulyap ako sa relo ko at napabuntong hininga. Sa mga oras na ‘to kumakain na kami ni Queen ng street foods since ‘yung dalawang bruha may klase pa.
I wanna eat some fish ball.
“Oo na, ikaw ang nagmamay-ari sa’kin. Kailan ka ba matatapos diyan? I wanna go swimming and eat sharks”, biro ko habang nagpaikot-ikot sa kama.
Ang boring pala kasama ang isang bilyonaryo.
“You can’t eat sharks. Surely, they’ll swim away when they see you”
Umismid ako sa sagot niya. Anong akala niya sa’kin si Sadako? Kaloka ang mga sharks pa talaga ang matatakot sa’kin?
“Wow, nagsalita ang mukhang shokoy”, bulong ko pero mukhang narinig niya dahil agad siyang napalingon sa’kin at sinamaan ako ng tingin.
“What did you say?”, he stood up and walked slowly to my direction.
“You know woman, bilib din ako sa tibay mo. You’re the only woman na hindi naa-attract sa’kin”
I rolled my eyes. Attracted din ako sa‘yo Alas hindi mo lang alam. Saka hindi naman ako kagaya ng mga babaeng naghahabol sa‘yo. Kulang nalang maghubad para lang makuha ang atensiyon mo.
“I guess I’m a rare type”, maikli kong sagot.
Nanlaki ang mga mata ko nang ini-unbutton niya ang tatlong butones ng pang itaas niya.
“Hmm”, he moaned at gumapang sa kama para makalapit sa’kin.
“Aray! Tangina naman!”, mura ko nang malakas akong napasandal sa pader dahil sa mabilis kong pag atras.
He chuckled a bit at humiga. Inilagay niya ang ulo niya sa lap ko at bumuntong hininga.
“Bakit mo ba ako iniiwasan?”, tanong niya habang nakatingin sa ceiling.
Matapos mawala ang sakit sa likod ko, umayos ako nang upo at inayos din ang ulo niya para maging komportable din siya. Maybe he’s tired because of his work. Bakit kasi hindi uso sa kanila ang salitang pahinga.
“Iniiwasan? Kailan pa kita iniwasan?”, nagtataka kong tanong. Hinayaan kong maglakbay ang dalawa kong kamay patungo sa sentido niya. Then I started massaging his head. Nakita ko naman ang pagpikit niya at hinayaan na lamang ako.
“When we were still young, we’re friends right? But why did you avoided me? I tried to approach you again and again but I always failed. Lagi mo na akong iniiwasan”
Hindi ako makasagot.
When I was still young, lagi akong nangunguna sa klase. Paborito ako ng lahat. Ng mga teachers ko, mga kaklase ko pati ng parents ko.
But One day, he came. Yes, transferee siya.
He became my friend. My best friend to be exact. But inagaw niya ang first spot. And since that day, nagbago na ang takbo ng buhay ko.
Siya na ang nag top lagi sa klase, at siya na din ang naging paborito ng lahat.
My parents and his parents are very close.
Dumating sa punto na ikinokompara na ako ni Mama sa kanya.
Hindi naman ako umangal dahil kahit nakuha na niya ang mga atensiyon, may isang atensiyon siyang hindi nakuha. Ang kay Papa.
Sino ba namang hindi iiwas diba?
Ang kaibigan ko ay naging ka-kompetensiya ko. So I decided to avoid him.
“Kasi nga inagaw mo sa’kin lahat”
Finally, nakasagot na din ako. He opened his eyes at nagtama ang paningin namin.
“Ang first spot, the attention of everyone, the attention of my mom”, pagpapatuloy ko at umiwas ng tingin.
I can’t look at him directly. Ayaw kong kinakaawaan ako ng iba.
“I’m sorry”
Alam ko sincere siya, gusto kong tanggapin pero ayaw ng kalooban ko.
“They say I’m almost perfect, but why can’t I get a woman like you?”
I was stunned of what he said.
Anong ibig sabihin nun?
Isang mahabang katahimikan ang dumaan hanggang sa na-digest ko na ang tanong niya.
A laugh came out from my mouth.
“You already got me, Alas. You know that. I’m your baby maker remember? Pagmamay-ari mo ako. That means you already got me. Magpahinga ka na nga lang mukhang pati si brainy pagod na din”
Akmang tatayo na ako pero bumangon siya at umupo kaharap ko.
He cupped my cheeks then kissed me deeply.
Hindi na ako nabigla pa.
I smiled and kissed him back.
Minutes after humiwalay ang labi niya mula sa labi ko, ipinagdikit niya ang mga noo namin habang nakapikit pa din ang mga mata niya.
“Yah, you are right. You’re already mine. Your eyes, your lips, you body and soon...”
He took another smack of a kiss from me.
“I’ll own your heart too”