bc

MARRYING THE BAD BILLIONAIRE [Leon Madrigal Series7]

book_age18+
1.4K
FOLLOW
19.0K
READ
billionaire
HE
age gap
playboy
dominant
badboy
drama
bxg
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Hanggang saan ang kaya mong tiisin para sa iyong anak? Handa ka bang magpayurak ng pagkatao sa iyong napangasawa kapalit ang mabigyan mo ng maayos na buhay at pamilya ang anak mong nabuo dahil sa isang pagkakamali?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE!
PROLOGUE! KABADO ang dalaga habang hinihintay ang costumer nitong bumili sa kanya mula sa auction party na sinalihan nito. Isang stripper si Lorna Suarez na bagong salta sa syudad. At dahil likas itong maganda at perpekto ang hubog ng pangangatawan ay madaling nakapasok sa in-apply-ang Bar ang dalaga. Ilang buwan na rin ito sa Bar bilang isang stripper pero ni minsan ay hindi ito humarap sa mga costumer. Hanggang pagsasayaw lang sa stage ang ginagawa nito. Pero ngayon ay kailangan niyang sumugal dahil nasa hospital ang ama nitong nasa probinsya. Inatake ito sa puso kaya naman kailangan niya ng malaki-laking halaga para may maipadala sa kapatid nitong nasa probinsya. Kahit labag sa loob ay kinakailangan nitong kumapit sa patalim para masalba ang buhay ng kanyang magulang. Handa siyang mawalan ng dangal kung kapalit naman ay madudugtungan ang buhay ng minamahal nitong ama. Nangangatal ang mga kamay nito dala ng kaba at lamig ng silid na kinaroroonan. Kanina pa niya hinihintay ang bumili sa kanya pero hanggang ngayon ay wala pa ang lalake. Mapait itong napangiti na napatitig sa repleksyon sa salamin. Naka-suot ng red lingerie na may light make-up na lalong ikinaganda nito. Halos lumuwa na nga ang bilugang hinaharap nito sa sobrang daring ng suot. Nakalantad din ang may kahabaang hita nito na halos makita na nga ang singit sa sobrang iksi at nipis ng suot nito. Nanunuot hanggang buto nito ang malamig na hanging binubuga ng aircon na nakakadagdag sa tensyong nadarama. "Kaya mo 'to, Lorna," piping usal nito na napabuga ng hangin. Lumabas na ito ng banyo at natuod na mabungaran ang lalakeng nakatalikod sa gawi nito. Nakaharap ito sa glass wall ng VIP room na kinaroroonan nila at kita mula dito sa loob ng silid ang mga taong nagkakasiyahan sa dance floor sa ibaba nila. Bumilis ang kabog ng dibdib nito na nakahingang maluwag dahil kita naman nitong bata-bata pa ang costumer nito at hindi isang matandang mayaman katulad sa inaasahan. Dahan-dahan itong humakbang palapit sa binata na nakapamulsa ng isang kamay at may hawak namang beer sa kabilang kamay. Matangkad at kitang batak ang pangangatawan nito. Maayos din ang high cut hair nito maging ang pananamit. Naka-all black ito mula sa sapatos, pants at long sleeve polo na nakatupi ang manggas hanggang siko. Kahit malamlam ang ilaw dito sa silid ay kitang maputi ang binata. Natuod naman ito sa kinatatayuan nang dahan-dahang pumihit paharap ang lalake at nakilala nito kung sino ito! Namilog ang kanyang mga mata na natutop ng palad ang bibig na makilalang. . . isang sikat na model at artista ang binata! Walang iba kundi ang tinaguriang certified playboy ng showbiz! Si Dwight Axelle Madrigal! Napangisi naman si Dwight na makita ang pagkagulat ng dalagang binili nito. Kanina pa sa labas ng auction ito nanggigigil na makuha ang dalaga. Na unang kita niya pa lang dito ay nakuha na nito ang kanyang attention. Kaya naman walang paligoy-ligoy na binili kaagad ang dalaga para sa isang gabing pagsasalo nilang dalawa. . . sa kama. "You look surprised, baby. Are you okay?" Tumayo ang mga balahibo sa katawan ni Lorna na marinig ang husky baritone voice ng binata. Napapalunok ito na nakamata lang sa kaharap. Hindi pa rin makapaniwalang kaharap na niya. . . ang isa sa pinakasikat na modelo ng bansa at pantasya ng mga kababaihang makilala! Pero siya ay heto. . . kaharap na niya ito at. . . makakasama pa sa buong magdamag sa kama! Napipilan ito na marahang nakagat ang ibabang labi. Kitang napasunod naman ng tingin si Dwight sa labi nito na napalunok din. Inilang hakbang nito ang pagitan nila ng dalaga na natuod sa kinatatayuan. Mas lalo namang bumilis ang kabog ng dibdib nito na mapasadaan sa malapitan kung gaano kaganda ang dalaga! Kitang bata pa ito at sariwang-sariwa ang itsura! "Do you know me?" sensual nitong paanas sa dalaga. "Uhm. . . S-sir D-Dwight," nauutal na sagot ni Lorna ditong ikinangiti lalo ng binata. "You don't have to call me Sir, baby. You can call me by my name or better call me. . . baby too," paanas pa nito na napakalandi ng tono. Napapalunok naman ang dalaga na hindi masalubong ang matiim na pagkakatitig sa kanya ng binata. Nanunuot hanggang buto nito ang pagtitig nito na tila nilalapa na siya sa isipan nito! "I hope you don't mind if I ask you this question, baby, but. . . are you healthy? Are you still clean?" diretsong tanong ng binata na dahan-dahang kinalas na ang mga butones ng polo. "Uhm. . . v-virgin pa po, D-Dwight," nauutal pa ring sagot nito. Napangiti naman si Dwight na tuluyang hinubad lahat ng kasuotan sa harapan ng dalaga na nag-iwas ng tingin. Kahit nagtatrabaho naman kasi ito sa Bar ay hindi pa nito naranasang magpakama sa lalake. O kahit makakita ng hubo't-hubad na lalake. Kaya naman hindi niya kayang mapasadaan ang kabuoan ng kaharap kahit kitang napakakisig ng binata. Napapitlag ito na pumisil si Dwight sa baba nito at marahang itiningala sa kanya. Lalo namang nangatog ang mga tuhod ng dalaga na mapatitig sa mapupungay na mata ng binata. Tila nanghihigop ang mga iyon na bakas ang pagnanasa at kasabikan sa mga iyon! Unti-unti itong napapikit kasabay ng pagbigat ng kanyang paghinga na tuluyang sinakop ng binata ang mga labi nito ng isang malalim at mapusok na halik! BUONG magdamag nga itong inangkin ng binata na tila walang kapaguran! Kahit nanlalata na ang dalaga ay pilit itong bumangon na naglinis ng nanlalagkit niyang katawan. Sinulit talaga ng binata ang nasa dalawang daang libong piso na ibinayad para sa katawan niya. Puno ng panggigigil at kasabikan ang bawat pag-angkin sa kanya ni Dwight na talaga namang nagustuhan nito. Hindi na nga nakapagtataka na pinipilahan ang binata dahil bukod sa sikat ito, makisig, matangkad, sobrang gwapo, mayaman ay napakagaling nga naman nito pagdating sa kama. Napangiti itong hinagkan sa noo ang binatang nahihimbing na dala ng pagod. Hubo't-hubad pa ito na nangingintab sa pawis ang pangangatawan. Sa sobrang antok at pagod ay hindi na nga nito nagawang maglinis ng katawan. "Salamat sa isang gabing pinalasap mo sa akin ang langit sa piling mo, Dwight. Hindi kita makakalimutan." Bulong nito sa binata na muling hinagkan sa mga labi bago tuluyang nilisan ang VIP room na kinaroroonan nila. Dala ang perang pinangbayad sa kanya ay tumuloy na ito ng terminal para makauwi sa kanilang probinsya. Dala ang pag-asang madudugtungan pa ang buhay ng kanilang ama dahil sa perang ibinayad sa kanya ni Dwight. Pero pagdating nito sa kanila ay huli na ang lahat. Dahil nalagutan na ng hininga. . . ang kanilang ama. DAHIL sa pagkamatay ng ama ni Lorna ay hindi na ito nakabalik pa ng syudad. Nanatili na muna ito sa probinsya nila dahil hindi maiwan ang kapatid nitong labis na nangungulila sa pagpanaw ng kanilang ama. Hanggang sa lumipas na ang mga araw na hindi nito namamalayan. Isang umaga. Napabalikwas ito mula sa kama na maramdamang tila humahakungkat ang mga lamang loob nito! Dali-dali itong nagtungo ng banyo at doon dumuwal nang dumuwal. Para itong mawawalan ng balanse sa biglang panghihina matapos magsuka nang magsuka ng tubig na mapait at malapot! Kumabog naman ang dibdib nito na may mapagtanto! Mahigit isang buwan na nga pala siyang nandidito sa probinsya nila at. . . hindi pa rin dinadatnan ng monthly period nito! Natutop nito ng palad ang bibig na namimilog ang mga mata. "H-hindi. . . b-buntis kaya ako?" piping usal nito. May kung anong parte sa kanyang puso na natutuwang malaman na. . . buntis ito kay Dwight! Kahit hindi na niya muling makaharap ang binata ay ayos lang sa kanya. Ang mahalaga ay may bunga ang isang gabing pinagsaluhan nila nito. At ngayon ay. . . dala-dala na niya sa sinapupunan ang anak ng nag-iisang. . . Dwight Axelle Madrigal! MAKALIPAS ang ilang buwan ay nagsilang na nga si Lorna. Hindi na rin ito bumalik ng syudad para sa kapakanan nilang mag-ina. Kahit pinagtatawanan siya ng mga tao na nanganak na dalaga ay walang pagsisisi itong nadarama dahil. . . mahal na mahal nito ang anak. Karamay naman nito sa pagpapalaki sa kanyang anak ang kapatid nitong babae. Si Loraine. Napangiti ito habang marahang sinasayaw ang anak na kalong-kalong nito sa kanyang bisig at binibilad sa papasikat na araw. Kahit bagong silang pa lang ang anak ay kitang-kita nito na kamukhang kamukha niya ang ama. Napaka-cute nito na namumula ang makinis at maputing kutis! Kahit ang maliit nitong ilong ay napakatangos. Na namana sa kanyang amang isang artista! Hindi na rin ito naghangad na lumapit sa binata dahil naibalita ng. . . ikinasal na ito sa nobya. Maluwag sa dibdib na tinanggap niya ang katotohanang hindi para sa kanya ang isang Dwight Axelle Madrigal. Sapat na sa kanya na may anak siya mula sa binata. At 'yon ay walang iba kundi. . . si Leon Madrigal. ****Twenty Five years later***** LUMAKING basagulero at barumbado ang binatang si Leon Madrigal. Madalas itong napapasali sa mga rambulan sa kanilang compound at ito ang madalas pasimuno ng gulo. Nakapagtapos naman si Leon sa kolehiyo. Pero mas gusto nitong magpasada ng jeep at malaki din naman ang kinikita nito sa pamamasada. Alam naman ng binata kung sino ang ama nito. At wala siyang pakialam dito. Nakatatak na kasi sa isipan niya ang mga pangungutya sa kanya ng mga tao. Na isa lang siyang bastardo. Putok sa bungo at kung ano-ano pang pang-iinsulto sa kanyang pagkatao dahil sa pagiging. . . anak niya sa labas. HANGGANG isang araw. Pagdating nito sa kanilang tahanan ay nagulat na lamang itong maraming tao ang nasa bakuran nila. Lahat naka-formal attire ng itim na tuwid na tuwid ang pagkakatayo. Bumilis ang kabog ng dibdib nito na napapalunok. Dahan-dahang naglakad palapit ng kanilang tahanan at parang binuhusan ng nagyeyelong tubig na mapagsino ang kanilang bisita. Si Dwight Axelle Madrigal. . . ang kanyang ama. Naikuyom nito ang kamao na pinaningkitan ang lalakeng napatayo na makita siya. Kaharap nito ang kanyang Tita Loraine at Nanay Lorna na kinakausap ng masinsinan. "Uhm, anak, k-kilala mo naman siya, 'di ba?" mahinahong saad ng ina nito. "Oo naman po, Nay. Bakit ko naman makakalimutan ang taong. . . ginawa kayong parausan," sarkastikong sagot nito na nakamata sa kanyang ama. "L-Leon, hwag ka namang ganyan sa ama mo, anak." Ani ng ina nito. "It's okay, Lorna. Naiintindihan ko siya," sagot naman ni Dwight na sa anak nakamata. Kahit hindi nito ipapasuri ang binata ay kitang-kita ang ebidensyang. . . anak niya ito. Dahil kuhang-kuha lang naman nito ang mukha ng ama lalo na noong kabataan nito. Hindi nga maipagkakailang. . . dugong Madrigal ang kaharap nito. "Tsk. Hwag ka ng magpakadakila, Dwight. Anong ginagawa mo dito?" sarkastikong tanong nito. Namilog naman ang mga mata ng ina at Tita nito na tinawag niya ang ama sa pangalan na wala manlang kagalang-galang! "Leon!?" madiing asik ng ina nito. Ngumisi lang ito na tinaasan ng kilay ang ama nitong napapalunok at namutla habang nakamata sa anak nito. "Bakit, Nay? Kailangan na naman ba niya ang katawan mo para malabasan ng init niya?" "Leon, ano ba!?" asik ng ina nito. "Alam kong malaki ang pagkukulang ko sa'yo, Leon. Hayaan mo akong makabawi sa'yo at sa Nanay mo. Please, anak," puno ng pakiusap na saad ng ama nito. Pagak namang natawa si Leon na napapalakpak pa ng palad habang nang-uuyam ang mga matang nakamata sa ama nito. "Anak? Hoy, Madrigal Hindi mo ako anak, okay? Dahil mula umpisa ay hindi ka naman na nagpakaama sa akin. Kaya nga binansagan ako ng mga taong. . . bastardo." Pang-uuyam pa nito. Humakbang ito palapit sa ama na binunggo sa balikat at bumulong sa punong-tainga nito. "Hindi kita kailangan. Umalis ka na, Dwight. Baka magdilim ang paningin ko at. . . lapain ka ng Leon na kaharap mo," pagbabanta nito. Ngumisi ito ng nakakaloko habang magkatapat ang mukha nila ng ama nitong namumutla at pinagpapawisan. Napasipol pa ito na tinaasan ng kilay ang ama bago tuluyang iniwan at sinadya pang bungguin sa balikat.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Her Triplet Alphas

read
7.7M
bc

The Heartless Alpha

read
1.6M
bc

My Professor Is My Alpha Mate

read
485.9K
bc

The Guardian Wolf and her Alpha Mate

read
539.1K
bc

The Perfect Luna

read
4.1M
bc

The Billionaire CEO's Runaway Wife

read
625.0K
bc

Their Bullied and Broken Mate

read
480.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook