BAGSAK ang balikat na umuwi si Leon sa unit nilang mag-asawa. Ayaw naman sana niyang magkasamaan na naman sila ng loob ng kanilang ama dahil kita at dama naman nitong ginagawa ng Daddy nila ang lahat para makabawi-bawi sa kanilang mga anak nito sa labas. Pero sadyang hindi na nito na-control kanina ang sarili na naging bastos at nasumbatan ang ama. Panay ang paghinga nito ng malalim na kinakalma ang sarili. Ayaw naman niyang ma-stressed ang asawa nito lalo na't may malaking kumpanya ring pinamumunuan si Chelle. Kaya kahit buntis ito at naiiwan sa unit ay nagwo-work from home ang asawa. Wala naman kasing ibang magpapatakbo sa kumpanya nila kundi si Chelle lang. Ang Kuya Red nito ay nakaalalay lang sa kapatid at walang planong i-manage ang kumpanya nila. Bago tumuloy ng condominium ay du

